String #2 (We met again.)

182 0 0
                                        

"Elle, start na bukas ng pasukan. Nakaready na lahat, wala ka nang dapat intindihin. Malapit lang sa hotel natin yung school na yon, tsaka co-ed sya. Pero para sa mga anak ng mga mayayamang tao lang yon, kaya sure ako na maganda ang quality ng pagtuturo."

Naman eh. Hindi pa nga ako nakakapaggala sa Pinas, pasok na agad? Teka.. San ko nga ba sisimulan ang paghahanap kay Shin. Sa laki ng Pilipinas, baka nakalibing na ko bago ko pa sya makita. Shemay!

"Ok..."  Un nlng nasabi ko.

Napatagal din ang kwentuhan namin ni kuya.

Ay teka, teka! Pangalan nga pala ng kuya ko eh Kleint. 3 yrs lang nmn tanda nya sakin. 2 lang kaming magkapatid, at soooooobrang love ko sya. Napakaprotective kya nya! Ideal kuya na nga sya. Yun nga lang, lagi naman akong inaasar. Tsk, tsk.

Eh sino naman kamo si Shin? Yung first love ko. Yung dahilan kung bakit nandito ko sa Pilipinas. Si Shin Guzman. Mula din sya sa Korea kaya ko sya nakilala. Knight in shining armor ko yan tuwing yung mga bully sa school namin kinakawawa ako. Sya lang naman may alam na nangyayari sakin yon e. Sana lang kilala pa din nya ko. Hay. (_ _")

Maaga din ako nakatulog dahil may jet lag pa we. 

Kinabukasan, nagprepare na din ako. In fairness! Kyot ang uniform ha. May vest pa, tapos checkered skirt na above the knee. Tapos high socks at may cap pa! Chuchal! Para kong sailor. Mejo bagay naman.. I think. 

Hinatid na ko ni Manong Jerry, yung personal driver ko. 5 minute drive lang pala mula sa hotel ang school. Siguro kapag nilakad, mga 10mins lang.

Facade pa lang, bonggels na! Parang mansion na ginawang eskwelahan. So.. Bridgestone Academy pala ang name ng school na re. Sa may pinakagitna, may isang fountain. At ang ID, di swipe pa para makapasok ka. Jusko, magkano kayang tuition fee dito?!

*O*

Ang kokyot nung mga studyante sa suot nilang uniform. Yung mga lalaki naman, nakacoat na black at may necktie. Pero hindi sila nagmumukhang mga business men. Para ngang hindi sila naiinitan e. -____- Mga naghahug pa yung iba sa sobrang miss sa isa't isa, kanya kanyang chika, mga nakatambay, may mga ilan din na parang OP at halatang walang ganang pumasok.

Sa may malapit sa main gate, may mga nagtitiliang mga babae. Akala mong mga nagaabang sa airport eh. 

"Shin! Tingin ka naman dito!"

"Gwapo gwapo talaga nya!"

"Shucks! Picture-an nyo, dali!"

"Lanz! Pansinin mo naman kami!"

"Ang pogi pogi talaga nilang tatlo!"

"Jelo! Akin na lang ang puso mo!"

Ay grabe namang mga fan girls 'to. Pati puso, hinihingi. Kala ko mga pino ang mga babae dito, mayayaman daw e. Meron pa din palang paepal. Enebenemen.

Hindi na 'ko nakigulo pa. Wala naman akong mapapala e. Pumunta na ko sa first class ko. Syempre, sa first section ako nakapasok. Nasa genes e. Hehehe

Heka lang.........

San ba yung room ko?!

Sabi nung pinagtanungan ko sa office, Building A daw. Oh nasa building A naman ako. Pagkapasok ng main entrance, liliko sa kanan. Aakyat sa unang stairs na makikita, tapos kakanan ulit. Derederetso lang tapos kakaliwa naman. Yung unang room, yon na daw yon. 

Sinunod ko naman. Pero sabihin nyo.. Bakit ako nasa tapat ng music room?! Anak ng kendeng naman oh!! 5mins na lang, start na ang klase. 

"Hoooolooooo! Nasan na ba kasi yung Room III-A. Shembot naman!" Gawain ko na talaga ang mangausap ng sarili, gaiss. Wag kayong matakot.

"Ummm. Miss?"

"Ay pucca!" Nagulat ako. Ano ba 'to! Para namang kabute. 

♥o♥

Hooonggwopo. Starstruck naman ako we. Makalaglag panty. Kala mong model ng Penshoppe. 

Natawa sya ng mahina.

*___*

Huh? Nung nakakatawa don. Para naman pala 'tong may sayad.

"Nawawala ka ba? Malapit na kasing magstart ang klase. Gusto mo ba ng tulong?"

Nakapasok na pala halos lahat ng studyante. Samantalang ako, palaboy laboy pa din.

"Uh.. Oo sana. Saan ba yung Room III-A?" Hindi ako makatingin sa mata nya. Pano naman, kulay blue po kaya. Parang may lahi eh. 

"Lika, samahan na lang kita. Lanz nga pala. Student Council president. Kaya kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang lumapit sakin, ha?"

Aaaaaaah. Isa pala sya sa mga tinitilian nung mga babae kanina. Sana pala nakisama na din akong makitili sakanila kung ganto pala yung itsura nung titilian. Hahahaha joke lang!

"A-ako si ano.. E-elle." Hindi man halata, mahiyain ako pagdating sa mga hindi ko kakilala. Pero pag naging kaclose ko na, don na lumalabas yung boses kong parang naka amplifier. Tsaka nakakaintimidate kaya 'tong kausap ko. Heller.

Nandito na pala kami sa tapat ng room. Nagbow ako sakanya.

"Salamat!"

Ay bakit ba ko nagbabow? Sa Korea lang naman yata ginagawa yon e. Nakfufu! Napahawak na lang ako sa mukha ko. (/>.<\)

"Hehe. Cute naman nya..." mahinang sabi ni Lanz.

"Ha? S-sabi mo?"

"Wala. Goodluck kako sa first day mo!" Sabay smile. Haaaaay~ Pwede na ba kong matunaw?

"A-ah t-thanks. Bye!!" Nagmadali na kong pumasok sa room.

Pagkapasok ko, tinginan sila sa may pinto. Natigilan lahat ng naguusap. Hala! Sakin ba sila nakatingin? Para naman akong magnanakaw nito! Ano ba, magsalita naman kayo classmates!

"Excuse me.."

May nagsalita sa likod ko. Sya siguro yung pinagtitinginan. Whew, kala ko na kung ano.

♥o♥

Ayshucks! Nagpuso nanaman yung mga mata ko. Bakit ba puro gwapo't kumikintab na nilalang ang nag-aaral dito sa BA? Mayayaman na nga, gwapo pa! Masyado namang mabait si Lord sakanila. 

Hepppp! Teka lang ha...... Namumukhaan ko sya we. Sya yung... Hmmmm.. Tama! Yung manyak sa  7/11! Napakaliit nga naman ng mundo oh! Gustong gusto ko na talaga sya sapakin eh. Kahit na ba masayang pa yung gwapo nyang  mukha, pake ko naman db?

"Woooooyyyyy! Ikaw yung angas na lalaking manyak db?! Yung sa 7/11! Tanda mo pa, ha?! May sinabi ka pang strawberry ha  Sayang naman yung mukha mo, gara ng ugali mo e! Liit ng mundo no? Kala ko nilamon ka na ng lupa eh!"

Nakatingin yung buong klase samin. Pinagbubulungan na ko nung iba. Sya naman, pa cool lang. Nakatitig lang sakin na parang inosenteng tupa. Shockable!! Bakit naman kasi umandar nanaman yung amplifier kong bibig eh!! Lagot na ko nyan..... Tch

 "Ang kapal naman ng mukha ng babaeng 'to."

"Sino ba sya?"

"Kung sabihan nyang manyak si Shin, parang close ha."

"Kabago bago nya we."

Ay epal much? Makapagusap naman. Rinig ko po kaya kayo! Pakihinaan naman kung magbubulungan kayo, db. Pansin ko lang.. Kapangalan nya pala yung first love ko. Yuck nmn!!! Sa dinami dami ng pangalan, bakit Shin pa? Magpapalit na nga sya ng pangalan. Hahaha makapgutos lang, kala mong nanay we.

"Miss.. Kung mageeskandalo ka dito, wag kang humarang sa daan."

Tapos dinaan daanan lang ako. Gulay naman! Isa pa 'to we!! Naphiya pa ko ng 1/4. Angas talaga nito we! Kala mo naman kung sinong gwapo.. Pero... gwapo naman kasi talaga. Ah basta! Manyak pa din sya no!! Magtutuos din kami nito! Maghanda na syang manghiram ng mukha sa aso. Bwahahahaha

----------> To be continued....

Author's note:

Hi! Si Shin nga pala yung nasa may bandang kanan sa taas. Copyright sa true owner. Hehe. 

Strings of FateWhere stories live. Discover now