The next day....
Lumabas nko ng kwarto ko pagkatapos maligo at magbihis. Napatingin ako sa TV sa may sala. Puro tungkol don sa nasalanta ng Bagyong Sening ang nasa news. Nakakaawa naman sila..
Mejo late na din ako nakarating ng room dahil syempre, u know nmn.. nagkandaligaw ligaw pa ko.
Ubod ng laking school + Elle na walang kasense sense of direction = 2mins before the bell bago makarating ng room.
Sorry naman daw. Hahaha ^____^v Makakabisa ko din 'to! Aja!
Sakto namang pagkapasok ko, dumating na si Maam Hazel. Music teacher namin, at love na love ng lahat. Masayahin at palangiti kasi e. Cute pa. Hihi. Nameet ko na sya kahapon, actually.
"Goodmorning sa inyoooooo~!!!!"
Oha! Sinong teacher ang eentrada ng ganyan na kumakanta pa? Haha! Nakangiti lang tuloy kaming lahat.
"Goodmorning Maam Haaaaaaazel!" Bati namin.
"Now, I have good news for you."
Uyy kaexcite! Ano kya yon? Tahimik lang kaming lahat na naghihintay sa susunod na sasabihin nya.
"Nabalitaan nyo naman siguro yung nangyari sa mga nasalanta ng Bagyong Sening, dubah? Magkakaroon ang klase nyo ng Fund Raising Concert 1 week after exams. Igugroup ko kayo sa 5, and each group will perform any song they'd like. So meron pa kayong 1month para maghanda."
Tuwang tuwa yung mga kaklase ko. Nagaapir pa yung iba, pero yung iba halatang di interesado. Excited na din ako! Sino bang ayaw makatulong sa iba? Hehe.
Grinoup na kami ni Maam. Natawag na halos lahat, pero hindi pa din ako natatawag.. Hanggang ang matira ay ako, ang WeirDuo na si Allison at Gorje, si Shin, Jelo, at Lanz..
Hindi ko ba nabanggit na kaklase ko si Lanz at Jelo? Kaya nga sikat na sikat ang klase namin dahil sa tatlo eh.
Nung una kala ko hindi ko kaklase si Lanz kasi nung hinatid nya ko sa room nung first day (Nagmamaganda naman daw ako. Hatid daw? HAHAHA!), hindi naman sya pumasok nung room. Nun pala pinatawag sya dahil nga president sya. Pano ko nalaman? Syempre, kanino ko pa ba malalaman. Ade sa WeirDuo! Dakilang tsimosa ata yung dlawang yun e.
At yon na nga, kami daw 5 ang magkakagroup. Hindi ko alam kung matutuwa ako o masusuka. Bakit kailangan pa kasi kasama yung siokoy na yon? Hinulugan ng kalabasa naman oh!
"Go to your groups now class and discuss everything you need to." Nagform na kami ng circle tapos nagusap usap.
"So, pano 'to? Sinong mga tutugtog at kakanta?" pasimula ni Lanz. Mejo mukhang masungit talaga tong lalaki na to dahil sa mata nya pero mabait naman.
"Akoooooo! Sa keyboard ako! Syempre sa drums, si Shin at sa guitar ka naman Lanz. Tulad ng dati! Hehehehe!" Hindi naman masyadong excited si Jelo no? Pero tulad ng dati daw e. Ibig sabihin tumutugtog na talaga sila non pa?
"I can play the harp." Nakasmile si Gorje. Tsk. Halata namang nagpapaimpress kay Jelo. Haha. Loka talaga 'to.
"I'm good at playing the flute." Singit ni Allison.
"Wow. So parang collaboration ng soft at hard music? That's nice!" - Lanz.
"Ikaw, anong gagawin mo Marie Elle? Hihi." Nakasmile pa talagang sinabi ha? Di na kailangan buuin pangalan ko! Sagwa kaya no! Kulang na lang, lagyan ng Madam para magmukha akong manghuhula e. Madam Marie Elle. Ewwww! Hinampas ko tuloy sya sa likod. Mahina lang naman.
"May kaya bang gawin yan? Parang wala naman e. Tsk." What?! So minamaliit mo ko Shin, ha? Hagis kita sa Pacific Ocean eh!! Kajirits!
"Excuse me lang no!!!! Di porke kaya mong magplay ng drums, mamaliitin mo nko!!! Duh!! Feeling ko naman hindi ka magaling magdrums eh!!! Dapat pangalan mo nalang Habagat e. Syadong mahangin!!"
ESTÁS LEYENDO
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
