String #21.2 (Getting to know each other)

100 1 0
                                        

Dumating ang Monday, at heto ako..

Excited pumasok! >___<

Pero joke ko lang ‘yon. Sino bang estudyante ang sinipag gumising ng pagka-agaaga para lang making sa boring mong teacher? Take note, history pa ang first class ko. Isang magandang sleeping pill para sa araw na ito.

Tamad na tamad talaga ko pumasok. Mukha nga ‘kong living zombie habang pababaha ng hotel papuntang parking lot. Napuyat ako kagabi sa pakikipagusap kay Grey at Esji, kwinento ko sakanila lahat nung nangyari. =____= Hindi ko na nga alam kung eyebags ba ‘to o black eye na. Parang wala namang pinagkaiba.

Pagkapasok ko ng room..

O__________O

“Elle!!!!!” Tumakbo palapit sakin si Rence at akmang yayakapin ako. Tinaas ko agad yung kamao (Yeah, watta term! XD) sakanya para sabihing “hugging me would mean death for you”.  Grabe yung pabango nya, napakatapang! Ang sakit sa ilong. Feeling ko kumapit na sa uniform ko. Yuck! Heka nga. Ano bang problema nito at bigla na lang tumatakbo sakin?!

“Eeeeh namiss kita eh! Pero di ko alam na may kasabay din pala kong lilipat dito sa department nyo.” Mukhang ang asim asim ng mukha nya. Para bang katapusan na ng mundo nya. Para syang binagsakan ng langit, pero pakiramdam nya impyerno. Ang gulo ko lang, diba? Eh sino ba yung tinutukoy nyang kasabay nyang lumipat? Pumasok na ko sa room at..

HUWAW. Huwaw lang.

Nandito na agad sya? Nakapagenroll na agad? Nako, hindi ko lang alam kung pano makakapagcatch up ‘tong si Yuki sa mga lessons. Pati na rin pala ‘tong si Rence. Bahala sila sa buhay nila, di ko na business yon.

“Elle onee-chan!” Lumapit sakin si Yuki habang si Rence nagtago sa likod ko. Ngayon, ako yung nasa pagitan nila habang nakapamewang si Yuki sa harap ko. Ano ba ‘to, naglalaro ba kami?!

“Rence-chan! Bakit mo ko tinakbuhan?!” *pouts*

“kasi ayoko sayo! Wag ka ngang makalapit lapit sakin! Hindi ka tao!” Sige lang, magsigawan lang kayo sa harapan ko. Hindi naman ako nabibingi eh. Ang mas nakakatuwa pa, tuwing itatry ni Yuki na pumunta sa likod ko, iniikot ako ni Rence para ipananggala. Gusot gusot na yung uniform ko! Leche! Kay aga aga, lovers quarrel na ang aabutan ko dito.

“Kung hindi ako tao, hindi ka din tao. Ibig sabihin, bagay tayo!” Natawa naman ako sa sinabi nya. Kahit lumang luma na yung pick up line na yon, nakakatawa nung si Yuki yung nagsabi. Para syang batang nagtatantrums. Eto naman kasing si Rence, ang pihikan masyado. Yung uod na mismo yung lumalapit sakanya oh. Selan ng manok na ‘to!

“Yuck! Kadiri ka! Bagay mo mukha mo! Elle, save me please? T^T” Para syang batang nagmamakaawa sa nanay nyang bilhan sya ng kendi. How immature can they both be? Bagay sila. Parehas silang kung umakto, hindi bagay sa age nila. They’re acting like 10 years old. Mas mature pa sakanila si Ran at Yo.

“Ay nako bahala kayo jan. Wag nyo kong idamay. Magbebell na, maupo na tayo.” Habang naglalakad ako, nakatago pa din si Rence sa likod ko. Nung nadaanan naming si Yuki, bigla nyang binelatan. OMG, don po kayo sa elementary department. Guards! Please, pakilipat sila ng ibang department! Now na!

Nung una kong nakilala si Rence, kala ko sya yung tipong astigin na hindi mo pwedeng bungguin. Pero meron pala syang ibang side. Yon yung isip bata side nya na madalas nyang pinapakita kapag kami-kami yung magkakasama. Weird nga e, hindi bagay sa bad boy image nya.

Si Yuki naman, pag unang beses mo syang Makita, alam mong may pagkaisip bata na. Sino bang 16 years old ang magpopony tail pa? At talagang yung design ng pamusod nya eh ice cream pa! No wonder ayaw sakanya ni Rence. Siguro ang mga gusto nito yung mga sexy at magagandang babae.

Strings of FateWhere stories live. Discover now