Shin's POV
Sisiputin ko pa ba yung babaeng 'yon? Ano nga kasi yung pangalan nya? Ah ewan. It doesn't really matter. Bakit ko ba kasi naisipang yayain sa date yung babaeng yon. Swerte nya ha, sya una kong sinabihan ng ganon. Buti na lang hindi sya ganon kapangit. Pero di hamak na mas maganda si Elle.
Psssssh. Elle nanaman. Basta, kailangan ko lang maghanap ng bagay na pwedeng pagkabusy-han. Para mawala na sa isip ko yang Elle na yan. tch
9am na kaya naligo't nagbihis na 'ko. Hindi naman kalayuan ang JellyLand mula sa bahay namin kaya makakaabot pa nmn ako sa 9:30 naming usapan.
"Kuya, san punta mo?" Palabas na sana ko ng main door nung mapansin ako ni Riri. Busy-ng busy nanaman sya sa camera nya.
"Date."
"DATE?!?!?!?!" O_____O
"Kulit mo. Oo nga."
"WEHHHHHHH?! Kanino? Bakit di mo naman sakin pinapakilala, kuya."
"Next time."
"Osige. Ingat! Pasalubong ko ha!' Tas kiniss nya ko sa pisngi. Sweet talaga nitong kapatid ko.
Pagdating ko sa JellyLand, saktong nagtex ung babae.
From: 09171******
Babe, dito ko sa may harap ng Candy Store. See u!
Babe? Sino ba 're? Sa di kalayuan, nakita ko ung candy store. At nandon yung babaeng inaya ko ng date. Kumaway sya sakin.
"Ang gwapo mo pa din kahit simpleng Vneck lang ang suot mo."
"San tayo?" Iniba ko na yung usapan kasi hindi naman ako ganon kainterested sa mga sinasabi nya.
"Don muna tayo sa SkyBazoom!' Yung tinutukoy nya eh yung ride na parang pabilog tapos iaakyat kayo then bigla biglang bababa. Habang naglalakad, napansin kong nadidikit yung kamay nya sa braso ko. Ang bilis naman nito. Holding hands agad? Ni hindi ko pa nga sya kilala e. Naghalukipkip na lang ako para hindi matuloy yung binabalak nya.
Napakahaba naman pala ng pila dito. Ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay. Sobrang init pa. Tch.
"Gusto mo bang maiinom? Bili muna ko. Jan ka muna para pumila." Hindi ko alam kung gentleman ba ko dahil bibilhan ko sya ng inumin o ungentleman dahil iiwan ko sya para pumila. Haha. Hamu na nga sya. Nauuhaw na ko e. Nakakatamad din naman sya kasama. Umalis na ko sa pila para maghanap ng mabibilhan.
Elle's POV
'Ouch! Wag nyo naman ako siksikin!" Nandito kami ngayon sa may gilid ng Boy's CR. Eto na kasi yung pinakamalpit na pwede naming pagtaguan para makita yung ginagawa nila habang nakapila. Kahit na pinagtitinginan na kami ng bawat lalaking lumalabas sa CR, go pa din 'tong dalawa. (_ _")
"Uy! Umalis si Shin. Susundan ba natin?" - Gorje
"Wag na. Babalik din yon. Napapagod na ko. Kanina pa tayo nagiikot." - Allison.
Napapagod din pala silang dalawa no? Nagmuni muni muna ko habang hinihintay si Shin. Habang sila, nakatingin sa mga binoculars na dala-dala nila. Imaginine nyo na lang yung expression ng bawat tao na nakakita samin. Ghad, gusto kong lumubog sa lupa sa hiya! (/o\)
Maya-maya, dumating na si Shin na may dala-dalang 2 can ng coke. At sa wakas, turn na nila don sa ride. Ilang minutes din yon bago namin nakita si Shin at yung girl. Inaalalayan ni Shin yung babae tapos parang putlang putla. Aba! Chansin naman 'to! Teka nga.. bat ba naiinis ako?
"Hahahahaha. Feeling ko di nya kinaya! Intense kaya jan!" - Allison
"Oo nga. Nung huling sakay ko jan, feeling ko naiwan yung puso ko sa ere. Hanggang ngayon, hindi ko pa din nababalikan." - Gorje
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
