Isusubo na dapat nya yung dilaw na balut nung pinigilan ko yung kamay nya.
“Hep! Teka! May nakalimutan ka!” Kinuha ko yung asin at suka don sa lamesa at nilagay don sa dahon ng saging. “Oh, isawsaw mo muna dito para mas masarap.”
“Suka? Hindi ako kumakain nyan.”
“Pinapakain ko ba sayo? Isasawsaw mo nga lang diba?”
“Oo na, tsk.” Kailangan pa kasi ng matindi-tinding sapilitan sa batang ‘to we. Gagawin din naman!
“Oh, ano? Sarap no!”
“Tsk, masarap? Eh parang hard-boiled egg lang.”
“Hoy! Akin na yang balut na yan! Sabi mo ayaw mo, eh bakit dinedengkwat mo pati yung extra ko?”
“Eh ang duga. Bakit sayo dalawa? Sakin isa lang?”
“Eh sabi mo ayaw mo eh.”
“Eh ngayon gusto ko, kaya akin na yan.”
“A-YO-KO.” Parang batang nalugi naman si Scythe, wagas ang simangot. “Sige, ibibigay ko yung akin kapag..”
“Kapag?” Parang umakyat naman lahat ng dugo nya nung narinig nya na ibibigay ko yung akin. Hahaha. Kunwari pa kasing di nya gusto, deny-deny pa.
“Kapag kinain mo yang sisiw jan sa balut mo.”
“What?! Kinakain ba ‘to? Wag na, busog na pala ko.”
“Awwwww, weak! Naduduwag si Shin Guzman. Sisiw lang pala katapat mo eh.” Sabay ngiti kong nanghahamon na nang-aasar.
“In your dreams, miss. Watch and learn.” Tumingin sya don sa sisiw nya na hindi sigurado kung pagkain ba talaga yon.
“Hoy! Bakit gumagalaw ‘tong sisiw dito!” Tinignan ko naman yung loob nung balut.
“Anong gumagalaw? Gagalaw talaga yan kung ganyang nanginginig yang kamay mo. Hindi mo naman kailangang kainin e, basta aminin mo lang na sisiw lang ang katapat mo.” Hehehehe, sarap pagtripan nitong impakto na ‘to.
“Shut up!” Tinakpan nya yung ilong nya at unti-unting isinubo yung maliit na hayop.
And in 5…. 4…… 3……. 2……
*BLEEEEEEEEEECCCCCKKKKK!!!!!!!*
“Bwahahahahahahahahahaha! Ayos ka—ahahahahahaa--- ayos ka lang? Kadiri ka Scythe! Hahahahahahahha!”
Tumakbo ako don sa may damuhan kung san sya tumakbo. “Oh eto panyo. Yuck! Andyan pa sa suka mo lahat ng kinain natin oh.”
“Manahimik ka na nga! Ano ba yang pinakain mo sakin!”
“Scythe! Scythe! Tignan mo oh.” TInuro ko yung suka nya sa lupa. “Ayun yung sisiw na kinain mo oh.”
“Sht. Bahala ka na nga jan! Kasalanan mo ‘to eh!” Umalis na sya at iniwan akong tawa ng tawa. Eh kasi naman eh! Kung nakita nyo talaga yung itsura nya, para syang nagkulay violet. Bwahahahaha!
San na kaya nagpunta yun? Baka bumalik na sa bahay. Pagkabalik ko sa upuan ko, tinatanong nila kong lahat kung ano daw nangyari sa “boyfriend” ko. Ade kwinento ko, at tawa naman sila ng tawa. Sabi sundan ko daw sa bahay. Pffvt. Yoko nga no, baka gahasa--- joke. Feeling lang. Haha.
Pagkadating ko sa bahay, ayon umiiyak sa gilid. Joke ulit. Nag-iimpake na si Scythe.
“Oh? San tayo pupunta? Bakit nag-iimpake ka na?”
“Anong ‘tayo’? Maiwan ka dito, babalik na ko sa Manila.” Sagot nya na hindi tumitingin at patuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit nya.
“Ha? Iiwanan mo ko dito?”
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #34 (I'm too young to die)
Start from the beginning
