Nagtawanan yung mga kasama naming sa table. Narinig ko pa yung sabi nung iba..
“Ang cute naman nila, sana ganyan din kami ng boyfriend ko.”
“Artista ba sila? Nangimbita ba ng artista si Mayor ngayong taon?”
“Naaalala ko nung ganyan din kami ni Gardo. Gustong-gusto nya non na sinusubuan ko sya. Kaso ngayon, nanginginig na yung kamay ko tsaka parehas na kaming ubos na yung ngipin. Hay, pwede bang forever young na lang kami?”
Grabe si Lola. Hahahahaha. Natawa naman ako don. Sana ganyan din ako pagtanda ko. Bubuo ako ng masasayang alaala kasama yung taong mahal ko at sabay naming aalalahanin yung mga masasayang memorya naming dalawa. :”>
At yon nga, nahypnotize yata ako nung ulupong na yon. Nakatapos syang kumain ng sinusubuan ko sya. Eh kamusta naman yon? Susubo sya sa kamay ko, pagkatapos ako nanaman susubo sa kamay ko. Hindi ba…
Indirect kiss na din yon?
Yaaah!! Bakit ngayon ko lang naisip nung tapos na kami kumain? Heee! Erase, erase. Wag na yon isipin, ilalabas ko din yan pag nagtuos kami ng banyo.
Maya-maya, may mga matatandang nagiikot na nag-aabot ng pagkain. Waahhhh!! Namiss ko ‘to! Ngayon na lang ulit ako makakakain ng ganito! Dito na lang kaya ako tumira. Haha.
Binuksan ko na yung akin at hinigop muna yung sabaw. Syempre yung pula muna, tsaka ko sinunod yung kaawa-awang mabalahibong nilalang. Bago ko pa man isubo, nakita kong nakatingin sakin si Scythe. Tingin na parang nandidiri.
“Oh? Problema mo?”
“Kadiri. Kumakain ka ng hayop?”
“Malamang! Sa huling pagkakaalam ko, hayop din ang manok at baboy. Ikaw, hindi ka kumakain ng hayop? At ang lakas pa ng loob mong tawagin akong utak munggo. Pfft.”
“Dami mong alam, nagteacher ka na lang sana. Isubo mo na nga yan! Nilalamabitin mo pa sa ere yang hayop na yan eh.” Napangiwi sya at tumingin sa ibang direksyon. Arte ng taong ‘to! Pakibalik na nga sa planeta nya.
“Psst. Scythe!” Lumingon sya sabay subo ko nung kiti ng buong buo. “Yum!” Nilunok ko na tapos dinilaan yung daliri ko. Feeling ko maduduwal na sya! HAHAHAHA!!!
“Oh, ikaw naman.”
“I’ll pass. Busog na busog na ko nung nakita kong… ugh… kinain mo ng buong buo yung…” Napahawak sya sa bibig nya na parang masusuka.
“OA! Hahahaha! Would it kill you to try?”
“Yes, and I’m too young to die.”
“Weh? Linya yan sa A Walk to Remember ah! Oh game na. Ganto lang kainin yan. Una, basagin mo yung part na mas malapad.” Pinukpok ko sa lamesa yung balot, tsaka tinapat sa bibig nya. “Oh, higupin mo yung sabaw habang mainit. Dali!”
Tinabig nya lang ng konti yung bibig ko para ilayo. “Ayoko.”
“Sige na, masarap ‘to promise. Parang sabaw ng bulalo.” Tinaasan lang nya ko ng kilay. Hindi naman kasi talaga lasang sabaw ng bulalo yun. Hahaha. “Dali na, pleaaaase?”
Puppy eyes + pout = …….
“Tsk. Mukha kang baboy. Akin na nga yan.” Nanlait pa bago pumayag. Hahaha. Sabi ko sainyo, hindi makakatanggi yan pag ginawa ko na yang combo na yan eh. Hinigop nya na yung sabaw.
“So???? Ano na? Masarap no?” Nakatingin lang ako sakanya habang parang nilalasap pa nya yung huling patak nung sabaw.
“Di masarap. Tsk.”
Di masarap huh? Eh kulang na nga lang simutin mo yung kaloob-looban eh hanggang matuyo yang balut na hawak mo!
“Sunod mo kainin yung kulay dilaw na yan. Lasang hard-boiled egg lang yan, dalian mo.” Pero syempre pang-uto ko lang din yon. Mahirap kasi iexplain yung lasa eh. Haha!
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #34 (I'm too young to die)
Start from the beginning
