“Gusto ko lang, bawal ba? ((=”
“Tss. Wala ka na sa katinuan. Tsaka bat ganyan yung ayos ng buhok mo? Nakakamukha mo si Yubaba.”
“Yubaba? Sino naman yun?”
“Yung nagtitinda ng kwek-kwek sa kanto.”
“Weh?”
“Wag mo na nga akong kausapin. I-search mo sa google kung gusto mo. Pag di ka pa nanahimik, hahalikan kita.”
Mananahimik na nga kasi ako. Nakuha na nga yung first kiss ko, pati second, third, fourth at yung mga susunod pa, gusto nya sakanya? Utut nya.
Pero sino kaya yung Yubaba na yon? Kamukha? Ade syempre maganda yon! Hehehe. Pagkauwi sa Manila, isesearch ko kung sinong magandang nilalang na yon.
Gabi na din kaya syempre, kailangan na simulan ang Stomach Development Program. Astig pala dito, sabay-sabay kakain yung buong baranggay kapag fiesta. At take note! Sa dahon ng saging kayo kakain! Nakakaexcite tuloy, hehehe.
Tinawag na kami ni Aling Sena para kumain. Nakahanda na sa lamesa yung dahon ng saging at may pagkain na din don.
Wow, parang ang sarap. *o*
Yung ulam kasi na nakalagay eh itlog na pula, tapos may kamatis. Meron ding inihaw na isda pati na din barbecue. Ade ano, game. Chibugan na!!!
Nom nom nom. Ang sarap talaga, promise! Kaya gusto ko buhay dito sa probinsya eh. ^___^
Napatingin ako kay Shin na hindi pa din nagsisimulang kumain. Nakatitig lang sya don sa pagkain.
“Dinadasalan mo pa ba yang pagkain o may ritual ka nang ginagawa jan? Hindi lalapit yang pagkain sa bibig mo. Kain na, dali! Ang sarap oh!”
“Eh nasan ba kasi yung kutsara’t tinidor?” Ay, hindi ko ba nabanggit sa inyo? Nakakamay lang kaming lahat, ganon daw kasi talaga. Marunong naman akong magkamay dahil tinuruan ako ni Manang noon.
“Kutsara’t tinidor? May nakita ka ba saming nakakutsara’t tinidor?”
“Wala. So? Asan na nga yung kutsara’t tinidor?”
“Wag ka ngang maghanap ng wala. Magkamay ka!”
“Magkakamay? You must be kidding me. Sa buong buhay ko, nakakakutsara’t tinidor ako. At isa pa, isusubo mo yung lahat ng dumi sa kamay mo?”
“Dumi? Eh kaya nga naghugas ng kamay eh. Alam mo ang arte mo. Bahala ka jan, mamatay ka sa gutom.” Tsk. Ang arte-arte. Sabagay, di kasi sanay sa hirap. Pero nakakatuwa lang sigurong makita si Scythe na nagkakamay. Haha! Di ko maimagine.
Napalingon ako sa gawi ni Scythe…
“Pffft. Hahahahahahahahaha!”
“What? What’s funny, brat!”
“Tignan mo yung kamay mo, puro kanin. Eh dinadakot mo na parang bigas yang kanin oh. Hahahaha! Hindi kasi ganyan. Ganto oh…” Umipon ako ng kanin tsaka itinaas para ipakita sakanya.
“Oh, gayahin mo lang yung ginawa--------“
I gulped. Sinubo nya yung kanin na nasa kamay ko. At pati yung mga daliri ko, nadampi sa labi nya.
“Hmmmm… iba pala yung lasa kapag galing sa kamay. Mas masarap kesa sa galing sa kutsara. ^____^”
Natulala na lang ako. Di ko ineexpect yun. Natutuyuan na yata ako ng laway.
“Dali, subuan mo pa ko. Nalalaglag yung kanin pag kinukuha ko eh.” Sabay pout pa talaga. ‘ku po! Nagpacute pa talaga! Kala mo mauuto ako sa pacute mo na yan. Tsk. Oo na nga, sige na.
BINABASA MO ANG
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #34 (I'm too young to die)
Magsimula sa umpisa
