Prologue

28.4K 519 24
                                    


Enjoy reading!




"I don't love her, Meghan. I used her." Dahil sa narinig ko ay napatakip ako ng bibig. Ang sakit marinig mula sa kanya ang katotohanan. Si Meghan ay ang kanyang first love. Ang akala ko dati ay wala na siyang nararamdaman sa babae. Pero nagkamali ako. Ang galing niyang magtago!

"Really, Aiden? Ang akala ko ay hindi mo na ako mahal kaya ka nagpakasal sa kanya," sagot ni Meghan.

"Wala ka pa noon kaya siya ang pinakilala ko kay mom at dad. Pinakasalan ko lang siya noon dahil kailangan," at doon na tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi nila alam na narito ako. Hindi nila alam na naririnig ko sila habang sinasabi nila ang katotohanan. Ang sakit lang isipin na ginamit lang ako ni Aiden. Sa dalawang taon na nagsama kami ay puro kasinungalingan lang pala lahat ng 'yon.

Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko. Minahal ko siya ng totoo. Tapos ito lang ang igaganti niya sa 'kin?

Nang hindi ko na matiis ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

"Anthonette..." Gulat na sabi ni Aiden.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko kayang magsalita dahil sa pag-iyak ko. Sapat na lahat ng narinig ko mula sa kanya. Sa kanya na mismo galing ang totoo. Inilang hakbang ko nag pagitan namin ay sinampal siya. Pati si Meghan ay hindi ko pinalagpas.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoWhere stories live. Discover now