I am expecting to see Jeff inside my Door of Soulmates. Pero hindi siya ang nakita ko. Kundi isang babae.

A completely strange woman.

Sino 'to?

"Sa wakas, dumating ka na rin!" Sabi ng babae at niyakap ako.

"Sabihin mo lang sa akin kung nasaan ka sa reyalidad, hahanapin kita. Soulmate tayo, 'diba?" Sabi pa nya.

Hindi ako makapagsalita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ibang tao ang aking nakita sa Door of Soulmates.

"S-sino ka?" I asked her.

Ngumiti naman siya, "Ano ka ba? Ako 'to! Soulmate mo! 'Diba? Palagi kaya kitang nakikita sa Door of Soulmates ko kaya lang hindi ka naman nagsasalita. Ngayon, sa wakas, ikaw naman ang bumisita sa akin. Masaya ako na isang gwapong katulad mo ang naging soulmate ko!" Sabi pa niya.

Napahakbang ako pabalik. Hindi maaari. Hindi siya ang aking kabiyak.

Kundi si Jeff.

"Si Jeff dapat ang nandito, hindi ikaw." Sabi ko sa babae at lumabas na ako.

Kailangan ko nang gumising. I have to see Jeff. I have to tell him everything.

~*~

-JEFF-

REALITY

"Huy guys ha. Salamat talaga sa lahat," sabi ko kina Spencer at nginitian ko sila.

Inirapan ako ni Erika, "Hay nako Jeff! Huwag ka ngang ganyan! Para kang namamaalam, as in. May mangyayari bang masama? Ha? Mamamatay ka na ba bukas?" Sabi.

"Grabe naman sa mamamatay," sabi ni Lyca.

"Eh kasi eh, naiinis kasi ako ganyan. Wag kang magsalita ng ganyan Jeff, please. Ang nega ng vibes. Masyadong nakakalungkot para isipin." Dagdag pa ni Erika.

I just chuckled, "Well, alam nyo 'yun. Naghahanda lang ako. Hindi naman natin alam kung anong mangyayari sa future, 'diba? Malay mo nga bigla na lang akong mawala o mamatay bukas." Sabi ko pa.

Inakbayan ako ni Spencer, "Jeff, that will never, ever happen. Ilang sem na tayong magkakasama, ngayon ka lang nagdrama ng ganito." Sabi nya.

"Hindi ka pa mamamatay bukas, ok? Wag kang oa mag-isip. Ililibre mo pa nga kami eh," sabi naman ni Ian.

"Ahh basta, kahit anong mangyari, wag nyo akong kakalimutan, ha? Kahit anong mangyari, guys. Just tell me." Sabi ko sa kanila.

Napabuntong hininga si Erika.

"Ok, fine. Jeff, kahit anong mangyari, hindi ka namin makakalimutan. Kahit mabagok ako, magkasakit, magka-amnesia -- hinding hindi ko makakalimutan ang chaka mong pagmumukha." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga. Sa sobrang chaka mo paano ka mawawala sa utak namin? Nakaukit na 'yan sa braincells namin, Jeff." Sabi naman ni Lyca at nagtawanan sila.

I looked at Gab. Nakaakbay sa kanya si Ian. Well, I'm glad na somehow nagkakaroon na ng deep connection sa pagitan nilang dalawa. Napatingin naman ako kay Erika at Lyca. Sila talaga ang unang-una kong naging kaibigan simula nang tumuntong ako ng kolehiyo. Si Spencer naman, ayan single pa rin hanggang ngayon. Alam ko bet niya si Lyca eh. Ewan ko kung duma-damoves na sya.

I looked at them. They are so happy. At masaya ako na nakikita ko silang masaya. Paano kaya kapag may nangyari sa akin? Magiging masaya pa rin kaya sila?

Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now