Post

1.3K 85 10
                                    


-JEFF-

"Jeff, sorry na talaga. Ayaw mo nun? 'Diba mas bongga ang pagkikita nyo? So pag sinabi namin sa'yo kaagad edi wala nang thrill?" Sabi ni Erika sa akin.

Hindi ko pa rin sila pinansin. All these time alam na pala nila na nandito na si Kyle. At alam na rin nila na hindi naman pala nagka-amnesia.

Putek. Ako lang ang walang alam. Lungkot na lungkot ako nung hinihintay ko siya tapos ako lang pala mag-isa ang hindi nakakaalam. Ewan.

Kahit alam ko na para masurprise nila ako kaya nila ginawa 'yon, still, nakakahiya na nagdrama ako sa kanila ngayon alam na pala na nandito na si Kyle.

"'Di naman talaga galit 'yan si Jeff, masaya pa nga 'yan eh. Tingnan mo ngingiti na 'yan, yiiieee ngingiti 'yaaaan," pang-aasar ni Ian.

Pinigilan kong ngumiti. Bwiset. Oo na, hindi naman talaga ako galit. Nakakatampo lang na pinagtaguan nila ako.

"Don't worry, ito na ang huling beses na magtatago kami ng sikreto sa'yo." Sabi ni Lyca.

Bumuntong-hininga ako.

"Ok, fine fine. Nagd-drama lang ako," sabi ko sa kanila.

Maya-maya ay lumapit si Gab sa amin.

"Jeff, tawag ka na sa court! Ikaw na lang hinihintay!" Sabi niya.

Napatayo naman agad ako, "Shit. Talaga? Hala," sabi ko at dali-dali na akong nag-ayos ng gamit ko.

"Good luck, Jeff." sabi ni Erika. Nginitian ko lang sila at dali-dali na akong umalis at pumunta sa court.

Shet, mukhang late na ako. Kasi 'tong mga 'to eh. Nakakainis!

Pagkapasok ko sa hall ay saktong akyat na rin nung first auditionee sa stage. Grabe naman, bakit kasi late na rin ako pinatawag? Buti na lang sumakto ako.

Umupo na ako sa upuan ng mga selection commitee. Katabi ko si Van.

"Oh, judge ka rin?" I asked him nang makaupo ako sa tabi niya.

He smiled, "yep. Wala si Ark eh, ako na lang daw." Sabi niya. Napatango naman ako at tumingin na sa nakanta sa stage.

Parang dati lang ako pa 'yung nago-audition bilang bokalista. Ngayon isa na ako sa mga judge.

Nagpa-audition kaming Everblue ng panibagong bokalista dahil we decided to build a junior version of our band. Nagsign na kasi kami ng contract sa Moon Music at baka ma-disqualify na kami kapag sumali pa kami sa Intercollegiate Battle of the Band next season. Kaya naman bubuo kami ng panibago para may representative pa rin kami. At isa pa, pa-graduate na sina Ark. They can't stay here long.

"Maganda boses mo, but be careful when doing a vibrato. Ok naman execution, nalalapatan lang ng flat pero konting-konti lang. Kaya be careful. Pero magaling ka. Good job!" Sabi ko dun sa last na nagperform na isang junior high.

Ngumiti naman ito, nagbow at umalis na ng stage.

"Next auditionee, please come up on stage. It's your turn," sabi nung emcee.

Umakyat na sa stage 'yung susunod na performer. Napangiti na lang ako nang makita ko kung sino ang umakyat.

Daming pakulo.

"Pa-interrupt lang. Hindi ako mago-audition. Well, I just want you all to know...that we are official." Sabi ni Kyle habang nakatitig siya sa akin.

Naghiyawan naman ang mga estudyante sa paligid. Jusko. Ang lalandi.

Napangiti na lang ako.

"Ipinapakilala ko po sa inyo, my only love, my sweetheart, my soulmate, my dream and my reality." Sabi niya.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now