7 - Boso

1.1K 85 9
                                    

-JEFF-

Nakatitig lang ako sa napakagwapong likod ni Kyle habang nakasunod ako sa kanyang naglalakad papunta sa locker area. At oo, I can sense na ang daming mga matang nakatingin sa amin slash sa kanya lang pala dahil wala siyang suot na uniform at topless lang siyang naglalakad.

Hay nako. 'Tong mga baklang 'to! Ang haharot! Tusukin ko mata nyo eh!

Kung hindi talaga dahil kay soulmate hindi mangyayari ang bagay na 'to. Kahit pilitin kong hindi mainis sa kanya naiinis pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili ko. Eh ang totoo inis na inis na rin ako sa kanya.

It's just that, you know. Alam kong talo ako kapag nilabanan ko siya. Hindi ko rin naman ma-contain ang sarili kong hindi siya kulitin. Lalo ngayon at nagkakaroon ako ng interes sa kanya kahit sabihin nating ganoon ang ugali niya.

Maya-maya ay nakita kong nakabihis na pala si Kyle ng white t-shirt. Ni-hindi ko namalayang nandito na pala kami sa locker area at nakapagpalit na rin siya. Mukhang ang bilis niya naman.

"Let's go," sabi niya at nauna na uli siyang maglakad. Sinundan ko uli siya na parang siraulo.

Nang bigla akong may ma-realize. Hanggang ngayon, hawak ko pa rin 'tong tray at pinggan na pinaglagyan nung spaghetti. Ay wow. Ano, balak ko pang iuwe? Haha.

"Kyle, mauna ka na. Ibabalik ko lang 'to sa cafeteria." Sabi ko kay Kyle.

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon niya ako. Napangiti siya ng bahagya at nagulat ako nang bigla niyang kunin sa akin 'yung tray na hawak ko.

"Wait, Kyle. Ako na," sabi ko pero ayaw na niya itong ibigay sa akin. Maya-maya rin ay biglang may dumaang isang Engineering student at nagulat uli ako nang utusan niya itong dalhin sa caf yung tray.

"Teka, wag na ako na! Nakakahiya naman," sabi ko.

Ngumiti 'yung engineering student, "It's ok, dun na rin naman kami papunta." sabi nito.

Wala na rin akong nagawa kundi pumayag. Nakakahiya man ay gusto ko rin naman dahil first of all, nakakatamad nang bumaba. Ang sama ng ugali ko. Haha.

Nagpatuloy na kami ni Kyle sa paglalakad papuntang room. Napatingin ako sa wrist watch ko. Fifteen minutes na kaming late sa susunod namin subject. Ang bilis naman ng oras. Parang kakain pa lang ako kanina, ngayon late na agad kami. Hay nako, soulmate. Sukat ibuhos mo pa kasi sa akin 'yung spaghetti.

Bigla naman ulit pumasok sa isip ko 'yung nangyari kanina. Until now, confuse na confuse pa rin ako kung bakit alam ni soulmate 'yung original lyrics nung kantang isinulat ko. I am very confident na sarili kong gawa iyon at lalong hindi ko pa iyon isinasapubliko. Hangtaray naman, famous, 'te? Haha. Ayun nga, hindi ko pa iyon kinakanta sa kahit na sino, promise.

Maybe because...soulmate talaga kami?Nakakainis naman, dahil sa nangyari parang ayoko na ring paniwalaan yang soulmate soulmate na 'yan pero si tadhana bigay pa rin nang bigay ng dahilan para kumapit ako. Buti sana kung ako lang ang naaapektuhan. Kaso hindi eh, pati mga kaibigan ko nadadamay.

Nakakaguilty na nadamay pa si Kyle sa katangahan kong taglay.

"Kyle, sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya habang naglalakad kami.

Hindi siya nagsalita. Hindi na rin naman ako nag-expect na magsasalita siya dahil sanay na ako sa ugali niya.

Nang makarating na kami sa room namin, napansin namin ni Kyle na parang walang tao sa loob.

"Asan sila?" I asked out of nowhere. Nagkibit-balikat lang si Kyle.

"Pumunta na lang tayo sa blue house. Baka nandoon sila." Sabi nya.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now