18 - Pain

656 63 5
                                    


-GAB-

Ilang araw na rin ang nakalipas at ngayon nga ay final day na ng laban nina Jeff. They will be competing for the Best Band title later tonight. They will be performing 4 songs and Jeff, the vocalist, couldn't hold his excitement. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa ginagawa niya. Sana lahat.

Ilang linggo na rin ako iwas ng iwas sa kanya. Kay Ian. Wala lang, tingin ko lang dapat akong umiwas. Kapag kasi hindi ko ginawa, baka mahalata niya ako. Edi patay na.

"Gab!" Tawag sa akin ni Jeff at nilapitan nya ako. Nakasuot na siya ng uniform nila as Everblue.

"Oh?" I asked.

"Lagot ka kay Ian, nagsumbong sa amin haha!" Sabi niya at tumawa siya.

"Anong nagsumbong?"

"Hindi mo daw siya pinapansin. Nagtatampo. Aluin mo uy! Krass mo 'yun eh, yiiieee!" Sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. Lintik na 'yan. Nahalata na nga amputa.

"Anong gagawin ko, Jeff?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Suddenly, his eyes turned serious as well at inakbayan niya ako.

"Apologize. Sabihin mo sa kanya na hindi mo alam na hindi mo na pala siya napapansin."

"Not that, Jeff. I mean, dito sa nararamdaman ko. Ano bang dapat kong gawin? At isa pa, kapag sinabi ko sa kanya 'yang sinabi mo, baka hindi siya maniwala. Tsaka parang ang lame naman na dahilan nun." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo Gab, kung gusto mo siya edi sabihin mo. Napakadali lang e,"

"Jeff, hindi madaling umamin ng nararamdaman."

"Sabi ko nga, hehe" sabi niya then he laughed awkwardly, "Joke lang. Pero kung gusto mo talaga siya pero ayaw mong umamin, aba eh nasasa'yo kung anong dapat mong gawin. Kung iiwasan mo siya dahil natatakot kang magtake ng risk, edi ikaw. Ganyan talaga sa love, Gab. Napakakorni, 'diba? But I will tell you this. Confession is the key. Kung mahirap umamin, mas mahirap magbura ng nararamdaman. Depende sa'yo kung anong mas gusto mo or mas madaling gawin para sa'yo."

Sabi ni Jeff. Binigyan niya ako ng isang tapik sa balikat.

"Una na ako. Nood ka na, dami nang tao oh," sabi niya at umalis na siya.

Napatingin ako sa likuran ko. Naka-set na ang stage at sobrang dami na rin ng tao. Napabalik ang tingin ko sa ganda ng dagat.

Confession is the key.

Should I just confess? Or forget about this damn feeling for him?

Tanginang 'yan. Bat pa kasi ako nahulog puta. Bakit kasi sa kanya pa? Ang dami naman diyan. Pwede naman kay Erika o Lyca. Tangina, kay Ian. Nakakagago. Nakakabakla.

Parang ang sarap umamin na lang.

"Kung gusto mo ako, dapat sinasabi mo 'di yung iiwas ka." Biglang sabi ng isang lalaki na ikinagulat ko.

Mas lalo akong nagulat nang makita ko si Ian na nandito na sa tabi ko. Hayop.

"Tingnan mo, nakatingin ka pa rin sa akin hanggang ngayon. I'm just kidding, Gab. Hindi ko lang talaga malaman kung bakit parang ang ilap mo sa akin this past few days. Sinasabi ko sa'yo, ang pag-iwas, gawain lang 'yan ng mga babae." Sabi niya.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko sinabi na ni Jeff. Makukutusan ko talaga 'yung batang 'yon.

"I-iwas? Hindi naman ako umiiwas. Akala mo lang 'yon pri." Sabi ko sa kanya habang pilit na iniiwas ang tingin ko sa kanya.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now