11 - Lost

955 74 3
                                    


-JEFF-

Nandito na kami ngayon ni Kyle sa loob ng library. Nagsimula na rin kami sa paghahanap nung book sa Contemporary. Magkatalikod kaming naghahanap sa magkabilang aisle para mas madali naming makita.

"Kyle," tawag ko sa kanya, pero hindi siya nagsalita. Sanay na naman ako sa kanya.

"Pwede mo bang i-kuwento ang buong panaginip mo sa akin?" I asked him.

Napatigil siya saglit sa paghahanap at maya-maya ay nagsalita na rin siya.

"I'm walking across a beautiful foresty path. Cherry blossom petals are slowly falling. Naglalakbay lang ako sa panaginip ko hanggang sa ang dami kong nakasalubong na kakilala ko. Binati nila ako. Nginitian ko lang sila dahil alam ko naman na magpapakita sila sa panaginip ko." Sabi niya.

"Paano mo naman nalaman? Inisip mo?" Tanong ko.

"Oo. Sila ang mga taong matagal ko nang hindi nakikita ng personal. Ang mga taong gustung-gusto ko na uling makita. At pagkasalubong nila sa akin, sa bandang dulo nung path -- I saw you." Sabi pa niya.

Hindi ako nakapagsalita. Ang ganda naman ng panaginip niya. Sana all. 'Yung akin kasi paulit-ulit lang. Tapos ganun at ganun lang din naman ang nangyayari. At least 'yung kanya, maganda. Kasi nandun ako eh. Haha.

"Ahh. Anong itsura ko sa panaginip mo? Cute ba ako? Haha," tanong ko sa kanya at bahagya akong napatawa.

Ang awkward kasi.

"You are more than cute." Sabi naman niya.

Asuuus! Kyle enebe! Keketesen kete eh.

Gusto kong kiligin kaso pinigilan ko. Syempre nasa library kami eh. Baka mahalata niya. Ang tahimik pa man din dito.

Nagfocus na lang ako sa paghahanap ng libro. Maya-maya ay nahanap ko na rin ang librong kailangan namin pero hindi ko muna sinabi sa kanya na nahanap ko na dahil may isa pa akong gustong itanong.

"Kyle, by any chance..." I paused for a moment, and heaved a small sigh, "may nakita ka bang mga pintuan sa panaginip mo?" Tanong ko sa kanya.

Naramdaman kong napatigil uli siya sa paghahanap. Ngunit itinuloy niya rin naman kaagad ito.

"Yes." Sabi niya.

"T-talaga? Saang pintuan ka pumasok?" I asked him.

"Wala. Hindi pa ako pumapasok sa kahit anong pinto sa panaginip ko. Pero alam ko ang lahat ng detalye at bawat kwento ng mga pintong 'yon. I bet you won't believe me if I tell you," sabi niya.

Nilingon ko siya. Tumigil na rin siya sa paghahanap at lumingon na rin sa akin. Ipinakita ko na sa kanya ang aklat na hinahanap namin.

"Maniniwala ako. Promise." Sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mata. Malalim. Nakakadala.

Kyle, ano ba. Tigilan mo nga 'yang kakaganyan mo. O ako lang talaga 'tong napaka-assumero at nagbibigay ng meaning?

He sigh, then ngumiti siya ng konti.

"I'll tell you...some other time." Sabi niya at umalis na siya.

Aba, ang loko! Malak pa ata akong iwanan dito sa library? Hay naku. Napakarami niyang pakulo. Gusto ko lang naman malaman kung totoo 'yung sinasabi sa akin ni soulmate sa panaginip ko. Kapag umayon ang kwento ni Kyle sa sinabi ni soulmate sa panaginip ko, then confirmed.

May mga nangyayari sa panaginip namin na somehow connected sa reality.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora