21 - Hindi

614 57 1
                                    


-VAN KEVIN-

"Pre alam ko dun sa may malapit sa McDonald's may bar dun eh. Di ko pa nat-try pero sabi ni Dion astig daw don. Ano, mamaya?" Alok ni Lester pero hindi ako sumagot.

"Oo maganda dun pre. Dagundong sounds. Rinig sa labas. Masarap din drinks nila. Solid tol," sabi naman nitong si Jasper.

Ewan. Wala sa kanila ang atensyon ko. Kanina pa sila salita ng salita diyan, wala akong naiintindihan kahit isa sa mga sinasabi nila.

Ang dami ko kasing iniisip. Nagkakagulu-gulo na sila sa utak ko. Ang panaginip ko, ang alhuego ng kapanaginipan, soulmate, si Jeff, 'yung hardin na kulungan, 'yung gawa-gawa lang ako ng pekeng alhuego, 'yung hindi dapat ako nag-eexist sa mundong ito -- lahat.

Parang gusto ko na lang takasan. Kung tutuusin parang ang hirap paniwalaan. Kasi panaginip lang naman ang lahat ng 'yon. Walang kinalaman 'yon sa reyalidad.

Pero bakit kada may makakausap ako sa panaginip ko, palaging nadadamay ang reality?

Bakit ba kasi ganito? Nagkaroon pa ako ng abilidad na kontrolin ang panaginip ko? Kung hindi siguro, namumuhay lang ako ng normal ngayon. Hayop na 'yan.

Naalala ko na naman 'yung sinabi nung alhuego sa panaginip ko. Na kailangan kong paibigin si Jeff dahil siya daw talaga ang aking soulmate. At paano ko naman gagawin 'yon kung wala naman akong nararamdaman sa kanya? Paglalaruan ko siya, ganun ba? Parang ayoko naman nun. Ayokong paasahin 'yung tao. Kahit gaano ako kasama, kung ganoon ang gagawin ko, wag na lang.

Pero paano kapag nakulong ako doon sa sinasabi ng alhuego? Paano kung totoo na mawawala ako dito sa reyalidad at tuluyan nang maglalaho? Pano kung totoo ang lahat ng 'yon? Nakakainis naman. Para akong baliw na ewan dito. Para akong may sira sa isip sa mga pumapasok sa utak ko.

"Pre ano?" Jasper said, then he took a snap in front of my face.

"Gago ano ba?" Sabi ko rito at tinapik ko ang kamay niya, "naririnig ko kayo, ok? At wala akong ganang magwalwal ngayon. Kayo na lang, mga adik" sabi ko at tumayo na ako.

Palagi silang ganyan. Nakakasawa rin. Bahala na sila sa buhay nila. Gusto ko munang magbago sa ngayon. Ang daming nangyayari sa buhay ko.

Lumabas na ako ng cafeteria. Paglabas ko ay nakita kong naglalakad si Jeff at makakasalubong ako.

Napatigil ako sa paglalakad. Parang gusto ko siyang harapin at kausapin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto ko ring sabihin sa kanya na totoo na ako ang soulmate niya. Dahil ang taong nakikita ko sa panaginip ko ay walang iba kundi siya.

Nang malapit na siya sa akin ay hinarangan ko siya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at tila paalis na nang harangan ko uli siya.

"Excuse me, Van. Wala ako sa mood makipag-away ngayon." Sabi niya sa akin ng seryoso.

Aruy. Katakot naman.

I sigh. "I-I know. Sorry." Sabi ko.

Tila nagulat naman siya sa sinabi ko sa kanya.

"Sorry? Sorry saan?" Tanong niya na parang gulung-gulo.

"S-sa lahat. Sorry sa mga nagawa ko dati. Sa mga nasabi ko, dun sa spaghetti, dun sa mga picture sa bullettin board, lahat. Sorry." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Oo. Tingin ko tama naman 'tong ginagawa ko. Para madalian ako sa misyon kong hindi ko pa rin sigurado kung dapat ko bang ituloy. Pero kahit naman wala akong balak ituloy 'yon, kailangan ko pa ring magsorry kay Jeff.

"Wow, nagbago ata ihip mo ah?" Sabi niya, then he smirked, "Alam mo Van, ok na naman ako eh. Nagpapabebe lang ako. Pero promise, hindi masama ang loob ko sa'yo. At saka isa pa, nag-sink in na rin sa utak ko ang lahat ng pinagsasasabi ko sa'yo mula noong unang pagkikita natin. That's why, in the first place, ako dapat ang magsorry." Sabi nya.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt