25 - Estranghero

532 62 2
                                    

-THIRD PERSON-

THOUSANDS OF YEARS AGO

Iminulat ni Farjusan ang kanyang mga mata. Pagmulat niya ay napansin niyang nandoon na naman siya sa lugar na wari niya'y napuntahan na nya. Iba iyong dimensyon. Isa 'yong dimensyong malayo sa kabihasnan at reyalidad.

"Nandito na ang ating alhuego! Dumating na siya!" Dinig niyang sigaw ng mga tao doon at nagsilapitan ang mga ito sa kanya.

Nagulat siya nang biglang magsiluhod ang mga ito sa harapan niya.

"Sambahin ang ating abang alhuego!"

"Sambahin!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito at lumuhod sa kanyang harapan.

Sa gitna ng kanilang ginagawa ay dumating ang isang matandang lalaki.

"Hindi nyo siya dapat sambahin. Hindi siya ang ating alhuego." Sabi nito.

"Hindi siya pwedeng maging alhuego dahil isa lamang siyang hamak na mortal. Hindi siya ang isinugo upang mamuno sa ating dimensyon." Dagdag pa nito.

Lumapit ang matandang lalaki kay Farjusan at may ibinulong ito. "Bumalik ka na sa pinanggalingan mo, iho at huwag ka nang pupunta pa rito." Sabi nito.

Unti-unti ay nagdilim ang buong paligid at bumalik na si Farjusan sa kanyang konsensya.

Gusto lang naman niyang mahanap ang kanyang kabiyak.

Kinabukasan, sa gitna ng kanyang pagtulog ay muli na naman siyang napunta sa naturang kakaibang dimensyon. Bumungad sa kanya ang matandang lalaki na huli niyang nakita sa lugar na 'yon.

"G-gusto ko lang naman ho na mahanap ang aking kabiyak. Kung wala po sa reyalidad ay baka nandito siya. Gusto ko ho siyang mahanap." Sabi ni Farjusan.

Nagulat ang matandang lalaki. Ang matandang lalaking ito ay ang supremo ng mga namatay na kaluluwa. Matagal nang hangad ng supremong ito ang maghari sa mundo ng kapanaginipan. At alam din niya na sa oras na mahanap na ni Farjusan ang kanyang kabiyak ay tuluyan na itong magiging alhuego ng kapanaginipan.

Kaya naman, sa galit at selos, isinumpa niya si Farjusan. Ginawa niya itong isang dragon upang hindi siya magustuhan ng kanyang kabiyak.

At sa paglipas ng panahon ay naging estatwa ang dragon. Ngunit lingid sa kaalaman ng supremo ay nananatiling buhay ang espirito ni Farjusan. Hindi pa rin ito tumitigil sa paghahanap sa kanyang kabiyak. Kaya naman, habang gumagala ang kanyang espirito sa mundo ng kapanaginipan ay nakita niya ang isang lalaki. Ninakaw niya ang katawan nito at tinanggal ang kaluluwa. Sumanib siya sa katawan ng lalaki, at nagulat siya na paggising nito ay nasa reyalidad na naman siya.

At doon, ipinagpatuloy niya ang pagsuyod ng mundo ng kapanaginipan at ng reyalidad mahanap lamang ang kanyang kabiyak.

~*~

-KYLE-

Nawawala si Jeff. Burado siya sa alalaala ng lahat ng nakakakilala sa kanya dito sa reyalidad.

At alam na alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Si supremo.

Siya lang naman ang tanging naghahangad na agawin sa akin ang posisyon bilang Alhuego ng Kapanginipan. Dahil oras na mahanap ko ang aking kabiyak ay tuluyan na akong magiging Alhuego at mapapaalis ko na rin siya sa dimensyong iyon.

Kailangan kong mailigtas si Jeff. Kailangan ko siyang mahanap.

Sinubukan kong baguhin ang paligid at sa pamamagitan lamang ng aking isip --

Hinahanap-hanap Kita ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon