27 - Heart

556 53 5
                                    

-JEFF-

"Alam mo ba kung bakit nahulog ako sa'yo?" Tanong niya sa akin.

I stared at him. As usual, ang pogi pogi niya. But it's not his physical looks that makes him handsome. It was his personality, his genuineness, and sincerity.

"B-bakit?" Sabi ko at iniwas ko ang tingin ko.

"Dahil everytime na maririnig kitang kumanta, parang tinutunaw ang puso ko. Your voice made me fall for you. At bukod pa roon, sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinaka-interesting." He said.

"Interesting?"

Tumango siya, "Yep. Because interesting people are the best ones to talk to. By simply talking to you, unti-unti akong nahuhulog. At oo, dumating sa point na wala akong pake sa iisipin ng ibang tao. This is me, falling for you after all. And not them." Sabi pa niya.

Napatitig ako sa kanya.

Sa lahat ng parte ng mukha niya, sa mata niya ako patuloy na nahuhulog. He has deep and lovely eyes. Tila kinukuha ako nito. Patuloy akong nahuhumaling.

"How about you? Paano ka na-inlove sa akin?" Tanong niya bigla.

Napaiwas naman ako ng tingin. "Wala lang. Na-inlove lang ako." Sabi ko.

He chuckled, "Dahil ba ang gwapo gwapo ko?" Sabi niya.

He touched my chin and lit up my face. Binigyan niya ako ng isang nakakagwapong ngiti.

I looked at him straightly in the eyes, "Para sabihin ko sa'yo, hindi ako na-inlove sa'yo dahil sa physical appearance mo." Sabi ko sa kanya.

Binitawan na niya ang aking chin.

"I fell in love with you because you are sincere with your feelings. And aside from that, tapat ka rin sa kung anong nararamdaman mo. That made me fall for you and I feel insecure at the same time." Sabi ko sa kanya.

"Insecure? Bakit ka naman nai-insecure?" Tanong niya.

"Kasi kung madalas straightforward ako, mas madalas akong magtago ng totoong nararamdaman ko. At humahanga ako sa mga taong tapat sa nararamdaman nila. Isa ka sa best example, Kyle." I told him.

"Paano mo naman nasabing tapat ako sa nararamdaman ko?" Tanong nya.

"Kasi diba sabi mo, wala kang pake sa iisipin ng ibang tao? That's it. Not minding people's judgement and by just simply considering your feelings. Kasi ayun ang nararamdaman mo eh. Wala ka lang nagawa. Because it's your heart." Sabi ko sa kanya.

He smiled. At sa simpleng pagngiti niya, nagawa niyang pabilisin ang tibok ng puso ko.

Tumingin ako sa paligid. Then I turned back my gaze at him.

Everything is out of focus except for Kyle. Him I could see with razor sharp clarity. The way he smiles, the way the slight breeze toss his hair, his eyelashes, his pupils blown wide, the way the side of his mouth lifted and his eyes crinkled when he gave me a smile.

This was, perhaps, the most beautiful image of Kyle I have ever seen.

Hanggang sa mapansin kong unti-unti nang dumidilim ang paligid.

"K-kyle, wag muna.." sabi ko sa kanya.

Muli ay binigyan niya ako ng isang magandang ngiti.

"Don't worry, Jeff. Hahanapin kita sa reality." Sabi niya at unti-unti, naglaho na lang siya na parang bula.

~*~

Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon