Chapter 29

109 2 0
                                    

Chapter 29

Celine's Point of View

"Anlaki mo na Celine, di ko akalain na ma's ganito ka kaputi kesa sa picture na nakikita ko sa facebook" sabi ni Ate Zen.

Oo si ate Zen nga, di ko alam na nandito na pala siya. Sabi niya, kahapon pa daw siya nandito. Sayang dapat pala umuwi agad ako kahapon.

"Palibasa di ka maputi" rinig naming sabi ni Kuya habang nanonood ito ng basketball

Inirapan lang namin siya saka nagkwentuhan ulit. Kahit kaylan talaga papansin tong si Kuya, palibasa walang pumapansin sa kaniya eh

"Bukas ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" nakangiting sabi ko sa kaniya

Ngumiti siya, natotomboy na ata ako, ang ganda niya ngumiti hihihi,, "Sige" sabi niya

"Sabado bukas, Celine" sabat ni kuya

Tumingin naman ako sa kaniya "Alam ko" sikmat ko "Ikaw kuya ah, akala mo hindi ko napapansin yang pagsabat sabat mo jan ah" dagdag na sabi ko

Tumingin naman siya sa'kin, sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa lang si Ate Zen dahil sa inasta namin ni Kuya. Peste kasi tong bakulaw na to, sabat ng sabat, di naman kinakausap. Sarap niyang iumpog sa pader. Kunwari pa siyang palait lait kay ate Zen pero ang totoo may gusto siya kay ate Zen, tss

"Ano nanaman ba yang pinagtatalunan niyong magkapatid ah?" biglang nagsalita si nanay meling, may dala siyang snacks.

"Eh Pa'no kasi nay, yang si bakulaw sabat ng sabat di naman kinakausap" reklamo ko

"ewan ko sayo celine" sabi ni kuya

"totoo naman eh" iritadong sabi ko

"oh, tama na Celine, puso mo" sabi ni Ate Zen sakin

"na kay Kyle" nakangising dagdag ni Kuya sa sinabi ni Ate Zen

Sinamaan ko lalo siya ng tingin, pesteng lalaking to. Talagang aasarin niya ako ngayon ah

"Sino si Kyle?" biglang tanong ni Ate Zen

"Wala yun te, gawa gawa lang yun ni Kuya" sagot ko sa kaniya

Binato naman ako ni kuya ng unan "Anong gawa gawa? Hindi yun gawa gawa no, manliligaw mo yun, tapos sasabihin mo gawa gawa ko lang yun. Susumbong kita kay Kyle ah" sabi niya

Inirapan ko siya "Edi go, magsumbong ka. Wala akong paki alam" sabi ko at binelatan siya.

Bigla niya naman akong binato ng unan. Ansakit non ah, akala niya porket batuhin na lang ako ng unan jan hindi na yun masakit? Medyo mabigat yung unan na yun eh, peste masiyado tong si Kuya

"May manliligaw ka na?" curious na tanong sakin ni Ate Zen

Tumango naman ako "unfortunately oo" sagot ko sa kaniya

"anong unfortunately? Isusumbong talaga kita kina Kyle, akala mo ah" sabat na naman ni kuya

"Ang ugali mo James ah, dise otso kana bago kung umasta ka jan parang kaedad mo lang tong kapatid mo. Dapat nagmamature kana katulad ko kasi dise otso kana" biglang sabi ni Ate Zen sa kaniya

Yan buti nga hahha

Di na ulit nagsalita si kuya ng sawayin siya ni ate zen

---

FEBRUARY 14, VALENTINE'S DAY

"What's your order?" tanong ko sa couple na kaka order lang ngayon

San Sevito University ✓Where stories live. Discover now