Chapter 21

110 6 0
                                    

Chapter 21

Celine's Point of View

"Okay, pass your papers forward" sabi ng teacher namin sa English.

Ipinasa ko naman ang papel ko sa unahan

Finally, makakahinga na ako ng maluwag. Akala ko may next pa kaming subject pagkatapos nito. Buti naman at uwian na.

"okay class dismiss" sabi ng teacher namin saka lumabas ng room.

Napa stretch naman ng kamay ko, hayy. Sa wakas, tapos na rin ang madugong araw. Nakaka dugo ng utak yun ah.

Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko. Sasabay ako kina Ami ngayon since half day naman kami. Nagpaalam din ako kay mom kahapon na sasama ako kina Ami sa apartment nila ni Cassie, kaya no worries na kapag umuwi ako ng 6pm.

"tara na" yaya ni cassie saka kami lumabas ng room.

Kahapon, pagkabalik ko sa room ay kinausap ko agad sina Cassie at Dale regarding doon sa hindi ko pagsabay sa kanila tuwing lunch. Sabi nila okay lang naman yun at naiintindihan naman kung bakit nagkaganon.

Mas pabor pa nga sila na di ako kasabay kasi lagi daw dumadaan sa harap nila si Hally at tinatanong kung nasaan ako. Well there's a part on me na agree doon, at meron ding hindi. I don't want them to get hurt, baka sila ang pagdiskitahan. Saka madalas nilang kasabay si Kyle at Dustin tuwing lunch, kaya pabor talaga sila na sa library ako tuwing lunch.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang lalaking mahangin na kumausap sa'kin dun sa may library. Ngumiti ito sakin, ano nanaman bang sasabihin ng isang to?

"hey" biglang sabi niya saka huminto sa harap namin.

I gave him a bored look "Ano na naman bang sasabihin mo ha?" bored kong tanong sa kaniya.

Kahapon pa ako naiinis sa mahanging to eh

Ngumiti siya "hmm?? Wala naman. it's just you know, akala ko wala kang friends. Pero tingnan mo, mga famous pa ang kaibigan mo" nakangiting ani niyang "The famous sc secretary Amira Austria" at nginitian niyang si Ami "The famous dance troupe leader Dale Gamboa" saka niyang kinindatan si Dale. Kadiri naman tong lalaking to "and last, the campus rank 3 beauty chick Cassandra Sarmiento" saka kinindatan din nito si Cassie, lalo akong napangiwi "I can't belive na naging kaibigan mo tong mga amazonang to" saka tinuro siya sina Ami na sumama ang tingin sa kaniya "sabagay, pare parehas naman kayong amazona eh, nagawa mo ngang sampalin si kyle ng dalawang beses" nakangising dagdag niya

This guy is getting on my nerves. How dare he to insult me and my friends?

"Peste ka Del Monte, alam mo yun?" asar na sabi ni Ami sa kaniya. Magka kilala sila

Ngumisi ito saka nagpamulsa sa harap namin, act being cool huh? "well, I'm handsome so, hindi mo ako pwedeng sabihan ng peste" cool na sabi nito.

"grr, nilamig ako dun ah" biglang sabi ni dale saka niyakap ang sarili niyang "can someone off the aircon here?" inosenteng sabi nito, alam kong ang pinapatamaan niyang roon ay itong lalaking nasa harap namin ngayon

"oh come on---"

"wag mo na nga kaming gugulihin Del Monte" mataray na sabi ni Cassie saka binigyan siya ng matalin na tingin "Sabi mo amazona kami right? So bakit andito ka pa? you should leave kasi nananakit kami ng lalaki" mataray na dagdag nito.

Uh-oh, I think he pissed her off, di naman ganiyan magsalita si Cassie kapag may kausap na iniinsulto siya

Ngumisi lang si Mahangin boy, nakakairitang tingnan yung ngisi niya, para siyang timang na ewan "someone is pissed" aniya

San Sevito University ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon