Chapter 6

129 8 0
                                    

Chapter 6

Celine's Point of View

"Hoy babae, umayos ka nga jan. Porket day off nina Nanay Merli hihiga higa ka lang jan. Maglinis ka, darating sina kyle. Dito namin gagawin yung project namin" sabi sa'kin ni kuya.

Inirapan ko lang siya. Nanonood ako rito tapos papaayusin niya ako jan. Hindi naman ako yung gagawa ng project, sila naman. So dapat siya ang mag ayos jan.

Tinapunan ko siya ng isang bored na tingin. "Ikaw ang may bisita kaya ikaw dapat ang maglinis" bored na sabi ko sa kanya saka itinuon ang atensyon ko sa pinapanood ko.

"Ikaw ang babae kaya ikaw ang maglinis" sabi niya saka binato sa'kin yung walis tambo.

Nakakainis nato ah.

Tumayo ako saka sinuot ang tsinelas ko saka pinalo si kuya sa likod nang hawakan ng walis. "Ikaw ang maglinis, ano ako yaya mo? Sinuswerte ka yata" sabi ko saka nilusot yung walis tambo sa sando niya at bumalik ulit ako sa paghiga sa mahabang sofa.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

Edi man ningkit siya jan, pakialam ko sa kanya.

Anong akala niya sa'kin? Natatakot sa paniningkit ng mata niya?

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko "Ikaw na maglinis Cel please!" nagsusumamong sabi niya sa'kin.

Nakangiting umiling ako "Ayoko nga, parang pagwawalis lang di mo pa kaya" sabi ko.

Nagpuppy eyes siya "Ipagbe-bake kita ng paborito mong pizza" sabi niya.

Ano bang meron sa lalaking to? Binablackmail niya ba ako gamit ang pizza?

Umiling ako "A.YO.KO." matigas na sabi ko "Kahit ano pa yan, di ako papayag" sabi ko sa kanya.

Tumayo sya at nagkibit balikat "Okay, madali naman akong kausap eh, ipapamigay ko na lang puppy mong si crescent" sabi niya saka umakyat pataas.

What the. Lahat na ipamigay niya wag lang ang pinaka mamahal kong puppy. Inantay ko siyang makababa. Nang makababa siya ay inagaw ko sa kanya si Crescent pero di niya binitiwan. "Maglinis ka muna bago ko ibigay si Crescent sayo" sabi niya saka binigay sa'kin yung walis.

Tiningnan ko siya ng masama. He just grinned. Nakakainis talaga siya, parehas talaga sila ng ugali ng kaibigan niya. Nakakapang init ng dugo grrr.

Nagwalis ako ng nagwalis, "Hoy ipagbe-bake mo 'ko ng pizza ah" sabi ko sa kanya.

"Akala ko ba ayaw mo" rinig kong sabi niya.

"Wala. Ako ang naglinis kaya pagbe bake mo ko"

"Oo na" sabi niya saka pumunta sa kusina.

Yes. I won!

Nakakainis yang kapatid kong yan. Kundi lang dahil kay Crescent di ko gagawin tong pagwawalis na to.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok ni Kuya. Kahapon naman yung kumanta kami ni Ami, wala naman kaming masyadong ginagawa kapag Friday kaya okay lang na magpa easy easy kami. Matapos nung lunch namin kahapon, nauna na kami ni Amira kasi may quiz kami ng 1 pm.

Nang matapos akong maglinis ay itinabi ko na yung walis at umakyat papunta sa kwarto ko. Jan muna si Crescent sa baba. Babalik rin naman ako pagkatapos kong maligo.

Kyle's Point of View

"Akala ko ba mamaya pa tayo pupunta kina toffer" sabi ko kina Jake.

Nakita kong nagkibit balikat lang si Harry at Ace.

Hayyss.. ang usapan mamayang hapon kami pupunta sa bahay nina Toffer. Bago naging umaga ano bang meron sa mga utak ng mga to?

San Sevito University ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon