Chapter 12

124 4 0
                                    

Chapter 12

Kyle's Point of View

"SIMULA NUNG DUMATING YUNG BABAENG YAN DITO! NAGING GANIYAN NA ANG PAKIKITUNGO MO SA'KIN KYLE!! KASALANAN NIYA ANG LAHAT!! PATI SI SHEENA NADAMAY DAHIL SA KANILANG DALAWA NG KAIBIGAN NIYANG HALIPAROT NA SI AMIRA!! PATI SI CASSIE INAGAW NIYA SA'MIN! SO ANO KYLE? SA TINGIN MO BASTA BASTA KO NA LANG PAPALAMPASIN YON HA!?" galit na sigaw sa'kin ni Hally

Nasa gym kami ngayon para mag practice ng basketball ng biglang dumating yang babaeng yan dito at sinisigaw sigawan ako.

Ano bang problema niya kay Celine, Ami at Cassie? Ba't ba ganiyan ang ugali ng babaeng yan?

"Hally, listen" mahinahong sabi ko sa kaniya "Walang kinalaman si Celine sa mga nangyayari sayo ngayon. Hindi niya ako inagaw sayo. Hindi mo ako pag aari para sabihin na inagaw niya ako sayo" seryosong sabi ko

Mabait si Celine, sadyang palaban lang pagdating sa'kin.

Kita kong lumambot ang expression niya "Kyle" hinawakan niya ang kamay ko "Wag namang ganto. Di ba sabi mo bibigyan mo ko ng chance? "

Napabunga ako ng hangin. Seriously? Chance? "Kahit kaylan Hally, alam mong wala akong sinabi na bibigyan kita ng chance" sabi ko saka tinalikuran siya "Tigilan mo na tong kahibangan mo Hally. We both know the real score between us. I just enjoyed your company, no string attached" dagdag ko.

"Sige, madali naman akong kausap eh. If you still choose her. I'll make sure that her life here will be like a living hell" sabi niya

"Don't" sabi ko saka humarap sa kaniya. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kay Celine. May nakapagsabi na sa'kin na kakaiba raw yan sa ibang babae.

"Okay then, but in one condition" ani niya saka lumapit sa'kin  "Be mine, and that girl will be safe" sabi niya saka hinalagay ang hintuturo niya sa baba ko.

Be hers?

Lahat gagawin ko.

Basta maging safe lang dito sa school si Celine.

Celine's Point of View

"Nanggigigil talaga ako dun sa babaeng yun, gusto ko siya sugurin at ingudngod yung mukha niya sa lupa" gigil na sabi ni Cassie  at kumain ng banana chips.

Natawa naman ako, di talaga siya maka move on sa nangyari kanina.

Kasama nga pala namin si Ami rito sa apartment ni Cassie. Nag paalam naman ako kay Kuya na dito muna ako since nandun rin naman sina mom and dad sa bahay. Alam din nina mom na nandito ako at happy sila para sa'kin kasi may mga kaibigan na ako sa SSU.

"Pa'no mo naman naging kaibigan yun Cassie? Ang pangit kaya ng mga ugali nila" tanong ni Ami sa kaniya.

Nakaupo kaming tatlo sa sofa at may kaniya kaniya kaming dalang malalaking junkfoods dahil nagmo movie marathon kami.

Umayos naman ng upo si Cassie "I don't know too, first year highschool palang tayo nun, then lagi kong kasama yung kaibigan nina Kyle na si Toffer, as in si Toffer lang talaga ang lagi kong kasama tuwing break time" pag kukwento niya

Si Kuya Toffer? Talaga lang ah

Nakita ko namang napatingin sa'kin si Ami, ngumiti lang ako "tapos?" tanong ko kay Cassie

Gusto ko malaman kung ano ang pinag gagawa ni Kuya nung first year high school palang siya. Pero bago yun, I just want you to know kung paano kami naging magka batch ng kuya ko.

Si James Toffer Franco, is a Two years older than me. Noong mga bata pa kami ay siya na lagi ang paborito ni dad at si mom naman ang sa'kin. When I was grade 3, and siya naman ay grade 5, napilitan sina dad na patigilin sa pag aaral si Kuya dahil may sakit siya sa puso. At kaylangan siyang operahan sa US. Noong gumaling na si Kuya, pumasok siya uli. That time, grade 5 na ako nun kaya yun, naging magka batch kami.

San Sevito University ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon