Chapter 15

100 4 0
                                    

Chapter 15

Celine's Point of View

"Sorry ninang pero di ko po tatanggapin" nakatungong sabi ko kay ninang

"Why?" Tanong niya sa'kin

Humarap ako sa kaniya "Listen ninang, I'm not accepting your offer kasi po parang magiging unfair yon sa iba, I mean mas mabuti po kung dumaan po ang ito sa tamang proseso. At least doon niyo po malalaman kung sino ang magiging karapat dapat na maging SC officers" paliwanag ko "I know why our schoolmate being like that" dagdag ko saka tumingin saglit sa pwesto nina Kyle

"hm, why?" tanong ni ninang sa'kin

Tinuro ko sina Kyle and Jake. Sorry but I have to do what's right to do "I've been observing my Schoolmates this past few days, and I think kaya sila nagkakaganon kasi pinalitan po nila ang SC Secretary" panimula ko "Nakausap ko rin po ang ibang students dito ng palihim at ang dahilan rin po nila ay yun pong issue sa SC. They're against in this two" sabay turo ko kina Sheena and Hally na ngayon ay masamang nakatingin sa'kin  "They are known for being bullies just like him" sabay turo ko kay Kyle "I'm no bias here, kung tutuusin nga dapat pa akong matuwa dahil napili niyo akong SC, kaso ang iniisip ko po ay yung sasabihin ng iba. Kaya kung gusto niyo pong palitan ang members ng SC then kaylangan po magkaroon ng tamang election kung saan pabor po ang lahat ng estudyante" mahabang sabi ko

Tiningna ko silang lahat, gusto kong matawa kasi halos lahat sila parang napatanga sa sagot ko, ang weird nila grabe haha

"Wow" bakas ang paghanga sa boses ni ninang habang nakatingin sa'kin "Di ko akalaing sayo ko maririnig yan" dagdag niya "Well, tama ka, we should do the right re-election. Hindi yung basta basta nalang akong pumipili ng magiging SC officers nitong University" ani niya saka nilapag ang folder "Pero di ko pa rin babawiin ang magiging parusa ng dalawang to" sabay turo niya kay kina Jake at Kyle "And I'm sure na kapag ginawa na'tin ang re-election sa tamang proseso ay titigil na ang mga schoolmate niyo sa kakaganiyan nila?" tanong niya sa'kin , tumango lang ako "Well, di na ko magtataka kung one day bigla kang maging Mayor, Senator, President or Lawyer, the way you speak for your Schoolmates rights? It really impressed me" nakangiting ani niya

"So maspapaboran niyo siya kesa samin?" biglang tanong ni Hally, kita ko namang pinipigilan siya ni Sheena "Madam listen, hindi porket may point ang mga sinasabi niya eh basta basta nalang kayong maniniwala sa kaniya—"

"You've got it wrong hija" putol ni Ninang sa kaniya "Wala akong kinakampihan sa inyong lahat, alam nyo yan." sabi ni ninang

"Pero ba't mas gusto niyo ang point niya kesa sa desisyon ng anak niyo? That's ridiculous! Your son is the SC President, he have a rights to do what he wants, to do what the best for our schoolmates---"

"To do what makes you more powerful and Famous than the others" putol ni Ami sa kaniya "Do you think nagugustuhan namin ang ginagawa niyo? Ni hindi nyo nga alam kung anong nararamdaman ng ibang students dito eh. Sige nga, ipaliwanag mo ngayon rin dito sa office ni Madam Principal ang ginawa mo sa cafeteria. Idetalye mo lahat pati yung pagtatanggol ni Celine dun sa freshmeng binully niyo" hamon ni Ami sa kaniya

Oh come on Ami, wag naman ganito.

"Nananahimik yung freshmen habang nakapila dun sa pilahan tapos bigla niyong itutulak? Ang galing namang SC Officer yun" sarkastikong sabi ni Dale

"And take note, you even poured her a cold water. At sinabihan nyo pang loser" dagdag ni Cassie sa sinabi ni Dale "Do you think gawain yon ng matinong SC Officer? Oh girl, kung ako ikaw hindi ko gagawin yung ginawa mo, kasi yung ginawa mo gawaing pang imature"

"We rather choose what Celine's did. Help our schoolmates than hurting them" sabi ulit ni Dale. "Dapat matanggal kayo like what they did to Ami. Diba kasi nanakit ng student ang SC officer? It should be fair."

Lihim akong napangiti, this girls making me brave. Di ako nagkamali sa pakikipagkaibigan sa kanila

"so your saying na meron na namang nangyaring gulo kanina?" tanong ni ninang, tumango kaming apat "And the two of you are involve" tanong ni Ninang saming dalawa ni Hally, tumango nalang ako

Bumuntong hininga siya "Bago ko kayo palabasin dito, gusto kong sabihin niyo sa mga schoolmates niyo na pumunta silang lahat ngayon din sa gym, may Ia-announce ako" seryosong sabi niya sa'min "Go, leave" dagdag niya

Magkakasama kaming lumabas nina Ami, para sabihin sa mga schoolmates namin na kaylangan nilang pumunta sa gym. Kita ko na kinausap nina Kyle isa isa ang mga estudyante, naku magpapakahirap pa sila "by partners tayo. Ikaw Cassie kasama mo si Ami, dun kayo mag announce sa cafeteria habang kami naman ni Celine sa corridor, okay ba sa inyo?" tanong ni Dale.

Tumango naman kami, saka sina Cassie at ami umalis. Kami naman ni Dale ay pumunta sa corridor para mag announce.

Kyle's Point of View

"I can't still believed na si Celine ang pinaboran ni Madam Principal kesa sayo na anak niya" inis na sabi ni Hally habang naglalakad kami papuntang gym.

Napangisi naman ako ng maalala ang sinabi ni Celine. She have a point but siniraan niya ako sa sarili kong nanay. how funny isn't it?

Di niya ata naalala ang nararamdaman namin ni Jake habang sinasabi niya yon. The way she said that on my mother, di ko alam kung tama ba na nagpagamit ako kay Hally para sa kaligtasan niya. I feel like she doesn't need me to protect her. Ma's gusto niya palang ang sarili niya ang poprotekta mismo sa kaniya

Nang nasa loob na kami ng gym at nag aannounce si mom sa mga students. Wala ang atensyon ko sa sinasabi niya. Tulala lang ako hanggang sa matapos yung speech ni mom. Nang maglabasan na ang mga students sa gym ay hinila ko naman si Hally at dinala sa tabi ng gym. Kung saan hindi kami makikita ng ibang teachers at students

Hinarap ko siya "Let's stop this shit Hally" seryosong sabi ko sa kaniya

Ngumisi siya "So, yan pala ang laman ng isip mo hang nagiispeech ang nanay mo"

"I'm breaking up on you. Just accept it and leave" malamig na sabi ko sa kaniya.

Mukhang natakot naman siya sa'kin kaya dali dali siyang umalis. Napasandal nalang ako sa pader at napa tungo.

Naguguluhan na talaga ako ngayon sa totoo lang.

Nakita ko naman si Celine na mag isa. Hinila ko siya saka isinandal sa pader and I kissed her senseless, ramdam ko naman na nanigas siya kaya lumayo ako sa kaniya "I hate you, you know. But the more I hated you is the more I wanting you too, stop making me thinking of you. Stop making me insane Celine" walang emosyong sabi ko sa kaniya bago ko siya nilayasan

Damn this feeling!

Di ko dapat nararamdaman to. I should stop before it's too late.

----

a/n: oo nga Kyle, stop mo na yan, celebrate ka nalang ng christmass hahahaha

First Published
Date: December 24, 2019
___

Edited
Date: November 07, 2023

HAZELEVIIIII

San Sevito University ✓Where stories live. Discover now