Chapter 14

109 6 0
                                    

Chapter 14

Celine's Point of View

"Oy alam niyo ba, maraming students na daw ang hindi nasunod sa school policy dito sa SSU" biglang sabi ni Dale samin habang nakopya kami ng lecture sa board.

Lumipat ng section si Dale at nandito siya ngayon sa section namin, sa 4-A kasi siya bago nag request siya sa Adviser niya na lumipat nalang dito kasi di na daw siya natutuwa sa mga kaklase niya doon.

Napatingin naman ako sa kaniya "Saan mo naman nalaman yan Dale?" tanong ko sa kaniya saka nagsulat ulit.

"Edi dun sa kaibigan kong SC officer" sagot niya

Talaga lang ha?

Iba talaga kapag may kaibigan kang member ng SC. Makaka kuha ka agad ng balita eh

Mukhang against na nga yung ibang students, pansin ko rin yung pagbabago ng SSU netong mga nagdaang araw. Hayy, bahala na ang mga SC Officers tungkol jan sa gulong yan. Deserve nila yan

"Oh. Dapat lang yan sa kanila, tinanggal nila kayo sa SC eh" sabat nung isang kaklase namin. Nakikinig pala sila

"Akala ko pa naman matatalino yung mga nasa 4-A. Ba't naman ganun yung ginawa nina Pres? Di makatarungan sa'tin yun no" sabi pa nung isa

Napabuntong hininga nalang ako saka sinarado ang note book ko kasi tapos na ang komopya ng lecture. Napapaisip tuloy ako. Maraming what if's ang na lumalabas sa utak ko ngayon, at isa na dun yung kina Ami at Dale. Paano kung hindi sila natanggal sa SC? Magiging ganito pa rin kaya yung mga Schoolmates namin? One month na rin ako rito pero feeling ko dito talaga ako nag aral noon pero sa dati kong school, iba ang patakaran dun. Walang magagawa ang mga SC officers nila kung ano ang gustong ipagawa ng Principal. In short parang design lang sila dun. Pero dito, parang mas nasusunod pa ang SC kesa sa Principal. I wonder kung ano kaya ang ugali ng principal dito.

At speaking of Pricipal, magtatanong ako kay kina Ami since matagal na sila dito "ahm,, Ami pwedeng magtanong?"

Humarap naman siya sa'kin "Ano naman ang itatanong mo?" tanong naman niya sa'kin

"Yung principal niyo, anong ginagawa niya? Bakit parang mga SC ang nasusunod dito?" tanong ko dahilan para mapatingin sina Cassie at Dale sa'kin

May nasabi ba akong masama?

Napatingin naman ako sa ibang mga kaklase namin, mukha namang di nila narinig yung tanong ko kasi tuloy lang sila sa mga ginagawa nila. Ah nga pala, absent si Dustin, may pupuntahan daw sila nina kuya ngayon eh

"Naku Cel, hindi mo dapat tinatanong yan ngayon" mahinang sabi ni Cassie

Nangunot naman ang noo ko "Bakit naman?" tanong ko, ganon na ba ka big deal ang tanong ko sa kanila?

Lumapit sila ng kaunti sa'kin "Wag mong tatanungin ang ginawa ng principal dito sa school na to. Di mo magugustuhan kapag siya ang namahala dito" mahinang sabi ni Dale

Ha? I don't get it

"Bakit naman?" tanong ko sa kanila

"Mamaya na namin sasabihin sayo kapag breaktime na. Mahirap na, baka may makarinig satin at isumbong tayo" mahinang sabi ni Ami

Okay

Bakit ganon, parang natakot ako bigla

Kyle's Point of View

"Mr, Park, I'm talking to you. Bakit biglang naging ganon na lang bigla ang naging response ng mga schoolmates nyo?" seryosong tanong sa'kin ni Mrs. Park-my mother and also our School Principal

San Sevito University ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon