Chapter 16

109 6 0
                                    

Chapter 16

Celine's Point of View

"Game, from the top ulit" sabi ni Dale

Bumalik kami sa kaniya kaniyang naming pwesto saka nagpractice. Today is Saturday, at lahat kami ay nandito sa public court ng subdivission kung saan kami nakatira ni Kuya at Dustin.

Sina Kuya ang tutugtog dun sa una naming ipe-present. Bale kaming mga girl muna ang kakanta bago sila naman mamaya. Tapos sa instrument kami kapag kumanta sila.

Pagkatapos naming kumanta ay agad naman kaming pumunta sa pwesto nina Kuya. Kami naman ang may hawak ng instruments. Ako sa Bass, Cassie sa Electric guitar, si Dale sa Drums at si Ami naman yung sa keyboard.

Ma's madali lang kasi sa'kin yung bass kasi nasundan ko agad. Noong tinuturuan ako ni Dustin, ang bilis niyang tumugtog at magaling siyang magturo. Kaya natuto ako, yung tinuro niya sa'kin is yung chord ng Won't go home without you ng Maroon 5. Nakailang practice din kami ni Dustin no'n bago ko makuha. Thank god, marunong gumamit si Cassie ng electric guitar. Tinuruan pala siya ni Kuya. Well hindi ko alam na marunong pala mag gitara si Kuya, nung nagpractice lang kami, doon ko lang nalaman na marunong siya. Kaya ayon tag-practice kami tuwing uwian.

Nagsimula na kaming tumugtog, si Kuya ang nauna sa unang three lines ng kanta. Na sinundan naman ni Jasper.

Gusto kong tawanan si kuya nung kumanta na siya, para kasing hindi siya komportable habang kumakanta dahil alam niyangng may nanonood sa kaniyang mula sa likuran 

Medyo baritone ang boses ni Jasper habang kumakanta pero maganda namang pakinggan. Sinundan naman siya ni Dustin na mukhang ma's feel na feel ang kanta. Si Alex Ang sumunod bago nila sabay sabay kantahin ang chorus.

Nagkatinginan kami saglit ni Cassie habang pinapakinggan namin silang kumanta. 

Sa second verse naman ay naunang kumanta si Alex at sa huli naman si Kuya. Chorus ay ganoon pa rin. Sa bridge ay nag by two's sila. Partner sina Kuya at Alex, habang sina Dustin at Jasper naman bago matapos ang bridge. 

Nang matapos kaming tumugtog ay saka kami natawa. Para na kaming nagbabanda rito tapos may iilang nanonood na mga matatanda sa'min. 

Tumayo na kami saka pumunta sa susunod naming pwesto. This time sasayaw naman kami. As in, kaming lahat. Si Dale ang nag suggest, wala namang magawa sina Kuya kasi si Dale ang tumatayong leader namin dito.

Nagsimula na nilang patugtugin ang kantang Shut up and dance ng Walk The Moon. Bale parang by partner kami kasi alternate ang lalaki't babae. Ang katabi ko ay sina Dustin at Kuya. Bale parang ganito:

Jasper, Ami, Alex, Dale, Dustin, Me, Kuya, and Cassie.

Medyo nagkalito pa sina Jasper at Alex sa steps kaya umulit kami from the top. Nang matapos ang sayaw ay napaupo kami sa sahig at hingal na hingal. Masaya siya pero nakakapagod, pangalawang practice na namin to eh. Sa Monday na agad presentation, kasi this coming Thursday and Friday na ang 3rd quarter examination namin. Ang bilis diba, parang ne'tong nakaraan lang eh kakapasok ko lang rito tapos maraming nangyari. Well, that's what I've experience in SSU, iilang buwan nalang ga-graduate na rin kami at magka college. And I guess, dito pa rin ako sa SSU mag aaral, kasi jaan lang sa kabilang gate ang College eh.

Inabutan ako ni Cassie ng tubig saka umupo sa tabi ko. Bigla kong naalala si kyle. Noong araw na hinalikan niyang ako doon sa gilid ng gym, at may sinabi siyang kung ano ano sa'kin. parang naguluhan ako bigla sa kilos niya. I mean, dahil doon sa sinabi niya, parang ayoko na siyang lapitan. Kasi parang kinakabahan ako na ewan, di ko maexplain. Basta bumibilis nalang ang tibok ng puso ko kapag malapit siya sa'kin.

Nang makapagpahinga kami sandali ay nagligpit na sina Kuya at nilagay na yung mga instrument dun sa kotse niya. ihahatid niya daw yon sa SSU bukas. Lumabas na kami ng court saka naglakad pauwi. Habang nasa daan ay bigla kong naalala yung bag pack na dala ko, andun pa naman yung cellphone ko at iba pang mga gamit na madalas kong gamitin kapag may practice.

Nagpaalam ako sa kanila nababalikan ko lang yung gamit ko sa court, gusto sana akong samahan ni Dustin pero tinanggihan ko siya. Pagkatapos noon ay dali dali akong pumunta sa court.

Kita ko ang lalaking nakatalikod habang naka upo sa wooden bench. Nasa tabi niya ang bag ko. Nilapitan ko agad yun. Nanlaki ang mata ko kung sino yung nandoon. Si Kyle, at hawak niyang ngayon yung diary ko!

Agad ko yung hinablot sa kaniyang saka kinuha ko ang bag ko at tinalikuran siya. Hala! Baka may nabasa siya rito na sikreto ko! Sana wala siyang nabasa! Paniguradong nakakahiya yun! Bakit kasi di ko to tinanggal sa bag kagabi, ayan tuloy!! Waaaahh

"Linlin huh?" rinig kong ani ni Kyle dahilan para humarap ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin "Akala ko ba ayaw mo na sakin?" tanong niya at ngumisi. Nalito naman ako sa tanong niya.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo jan?" inis na tanong ko sa kaniya

Lumapit siya sakin "Di mo na ako maalala?" tanong niya at nilapit ang mukha sa mukha ko, lumayo naman ako "Ako yung first kiss mo" sabi niya

"a-alam ko" nautal kong sagot, hala bumibilis nanaman ang tibok ng puso 

"hindi yung sa school ha" sabi niya at nilapit lalo ang mukha niya sa'kin

Huh? Ano bang pinagsasabi nito.

"Di mo talaga ako maalala no, Linlin naman. Parang di mo ko crush noong mga bata pa tayo ah" dagdag niya

Nangunot naman ang noo ko, crush ko daw siya nung mga bata pa kami? Ang alam ko si kyky yun

Wait, kyky? Ky, kyle?

Nanlaki ang mga mata ko, siya si "Kyky?"

"Ako nga. Linlin" nakangising sabi niya saka nilayo ang mukha sa'kin "Crush mo pa rin ako? Di ka pa rin pala nakaka move on ah" dagdag niya

What the hell?

-----

a/n: sorry ngayon lang nakapag update hahaha. nakatulog ako maghapon eh tapos kaninang madaling araw lang ako nagising. tinaguan ko pa yung mga bata na namamasko sa'kin eh wala naman akong napamaskuhan hahaha

First Published

Date: December 26, 2019

__

Edited 

Date: December 01, 2023

San Sevito University ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon