Chapter 28

87 3 0
                                    

Chapter 28

Red's Point of View

"Red hijo, ba't ba kaaga aga eh bigla bigla ka nalang nag mumura jan? Ano bang nakita mo?" tanong sa'kin ni Tita Clara.

Sinarado ko agad yung pinto saka lumapit sa kanila "Mga tita, labas na po tayo. Maling kwarto po ang napasukan na'tin" sabi ko sa kanila saka niyaya sila palabas ng unit ni hyung.

Shit! Di nila pwedeng malaman na si Celine noona yung kasama ni hyung. Paniguradong pati ako madadamay. Kaylangan maka isip ako ng pwedeng maipampalusot sa kanila

Aha!

"Mga tita, nagtext si hyung kyle, sabi niya sinamahan niya po si celine noona sa kaibigan nila" palusot ko habang hawak ko yung cellphone ko

Palusot dat kom Red. Pahamak ka talaga kahit kaylan Hyung. Aishhhh

This is the only way para mapaniwala ko sila na wala dito si hyung at noona. Bakit kasi ganon sila, nakakatakot pa naman si Tita Karla kapag nagagalit.

"Sabi mo andito siya, bakit biglang wala?" tanong bigla ni Tita Karla sa'kin

Humarap ako sa kaniya "Ngayon ko lang nabasa yung text niya tita. Hayaan niyo na. makikita natin yon mamaya kapag umuwi na yun" sabi ko saka iniwan yung dalawang paper bag sa sofa at lumabas. Sinarado ko na yung pinto ng unit niya at ni lock yun para kapani paniwala.

"Naku si linlin ko, simula nung malipat jan sa SSU palagi nalang kasama ang mga kaibigan niya" biglang sabi ng mommy ni Celine noona

Nakita ko namang hinampas ni tita ang mommy ni noona "parang hindi tayo ganiyan noon clara, haha. Naalala mo ba na halos palayasin na tayo ng mga magulang natin dahil lagi tayong nasa bahay ni lory" sabi nito

Nakikinig lang ako sa kanila hanggang sa makababa kami at makalabas ng building

Sorry mga tita, pero mas kampi ako kay kyle hahaha

Celine's Point of View

'"wtf!!"

"red hijo, ba't ba kaaga aga eh bigla bigla ka nalang nag mumura jan? ano bang nakita mo?"

Ano bang ingay yun?

Parang nanggagaling sa labas

"hmmm"

Ba't parang nagalaw tong unan na yakap ko? Ang alam ko walang unan na nagalaw maliban na lang kung---

"Ayy!"

"shit!"

Bigla akong napabitaw sa yakap ko, hindi pala unan yon, si kyle pala yun. Akala ko unan, kala pala hindi malambot

Asan na yung unan?

"Sorry" biglang sabi ni Kyle saka bumangon at kinusot kusot ang mata.

Ako naman ay bumangon rin saka pumunta sa banyo, muntik pa akong matumba, buti nalang at napakapit agad ako sa sink. Napadapo naman ang kamay ko sa noo ko, may sinat pa rin pala ako. Akala ko saglit lang yun

Nangialam ako sa banyo ni Kyle. Kumuha ako dun sa cabinet niya ng isang hindi pa nagagamit na toothbrush tsaka sabon. Pati na rin toothpaste. Saka ako nag toothbrush at naghilamos. Pagkatapos non ay nakaita ko ang mga damit na suot ko kahapon na naka sampay roon malapit sa shower area. Don't tell me si Kyle ang naglaba nito, Naku nakakahiya naman sa kaniya, hinawakan ko ang mga yon, sayang di pa tuyo

Lumabas ako ng banyo, paglabas ko ay wala na si Kyle doon sa higaan, siguro lumabas na yon. Inayos ko ang higaan saka naupo sa gilid non, Asan na kaya ang cellphone ko? Ang alam ko nakalagay yun dun sa short na soot ko kahapon. Aiissh, bahala na nga itatanong ko nalang kay kyle

San Sevito University ✓Where stories live. Discover now