Chapter 26

97 3 0
                                    

Chapter 26

Celines Point of View

"Ano ba? Ang tagal naman" reklamo ko kay Kyle

Kanina pa kasi nakatigil 'tong kotse. Malayo na'to sa SSU at ma's lalong malayo to sa subdivission namin. At tantsiya ko, magwa one hour na ata kaming stranded dito sa traffic na'to.

Nilalamig na nga ako tapos sinsipon pa ako.  Naku, hindi na talaga ako magugulat kapag nilagnat. Nagpaulan ako kanina ehh.

Bumusina ulit si Kyle. Nagbabaka sakaling marinig nang ibang driver at paandarin na ang mga kotse nila. Nag intay kami ng another 5-10 minutes pero di pa rin nausad ang mga sasakyan.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Basa ito pero nagana pa naman. Puro text nina Dad at Kuya ang nakikita ko. May narinig akong kumakatok sa bintana, binuksan naman yun ni Kyle.

"Yes po?" tanong ko dun sa mukhang barangay tanod na lalaki

"Saan ang punta niyo?"

"SWISS Subdivission po" si Kyle na ang sumagot.

"Na'ko mga bata, hindi kayo makakadaan papunta ron. may natumba na puno at poste malapit sa gate ng subdivision. At may banggaan pang naganap sa labas kaya ma-traffic ngayon. Baka abutin pa ng mga  ilang oras bago matanggal ang mga yon. Humanap nalang muna kayo ng matutuluyan dahil delikado rin, may bagyo. Baka kapag nag hintay kayo rito eh abutin rin kayo ng baha"

Napatingin ako kay Kyle. Hala, pano yan? baka magalala sa'kin ang mga parents ko.

"Sige po. Maraming salamat po Sir." Sabi ni Kyle sa tanod.

"Pasensiya na kayo, gan'on rin ang sinabi ko sa iba. Mag ingat kayo" sabi ng barangay tanod saka umalis na.

Rinig ko ang pagbunong hininga ni Kyle kaya tumingin ako sa kaniya "Buksan mo na yung pinto" sabi ko sa kaniya saka tinanggal ang seatbelt.

"Ayoko" sabi niya saka tumingin sa'kin "Wag ng mapilit, di mo ko madadaan sa ganiyan" biglang sumeryoso ang boses niya "isuot mo ulit yung seatbelt mo" utos niya saka tumingin sa likod

Umiling ako "Ayoko, palabasin mo nalang ako, uuwi ako mag isa" sabi ko saka kinuha yung bag sa likod.

"tss" aniya saka lumapit sakin. Lumayo naman ako, anong gagawin niya?

Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt saka lumapit sa'kin. Hala! Hahalikan ba niya ako? Ngumisi siya ng malapit na ang mukha niya sa'kin. Lumapit pa siya lalo, napapikit ako. Naku anong gagawin ko?

Naramdaman kong kinabit niya ulit ang seatbelt ko at ramdam ko rin ang hininga niyang tumatama sa mukha ko "Easy claire, I'm not going to kiss you" marahang sabi niya kaya napamulat ako ng mata "I'm trying to be a gentleman here, pero kung gusto mo ng halik ko, willing akong ibigay yun sayo" dagdag niya saka lumayo at kinindatan ako

Napangiwi ako sa sinabi niya. No thanks nalang siguro, di ko alam na may malanding side rin pala siya pssh,,

"At saan mo naman ako dadalhin ha?" tanong ko sa kaniya nung nagdrive ulit siya

"Sa condo ko" sagot niya habang nagmamaneho, nanlaki naman ang mga mata ko "ha?! Bakit don?" tanong ko sa kaniya

Ayoko dun sa condo niya, baka pagsamantalahan niya ako

"Alangan namang iwan kita sa daan. Gusto mo bang mapatay ako ng daddy mo? Kahit naman sabihin na'ting manliligaw mo lang ako eh may responsibilidad pa rin ako sayo" litaniya niya

"eh bakit parang naninisi yang boses mo" inis na sabi ko sa kaniya

"ikaw lang may sabi ni'yan Claire. Ang sakin lang eh nagpapaliwanag ako ng maayos dito" sabi niya

San Sevito University ✓Where stories live. Discover now