Chapter 21

95 9 1
                                    

Chapter 21
Accidentally Reunited

Tinaggal ko sa aking isipan ang mga nakakagulong bagay. Ngayon dapat ay pokus ako sa paghahanap sa kanya.

"Miss are you okay?" Nabaling ang tingin ko sa staff ng hotel at tumango. Ngumiti naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Inayos ko na ang sarili at nagtuloy sa pagsunod sa kanya.

She entered in a glass door where there's a sign of VIP Lounge 

"This is where we place the very important persons like investors, politics,  celebrities, board of directors and of course the owner of the company. We highly appreciate them and also this is our way for thanking them for visiting our branch and give them our best services. In VIP Lounge, we have massage, spa, salon and private facilities like restaurant and pools, jakuzzi and other activities you want to try in our branch. Once you enter here you must present your VIP card, miss as of you, you can only present your ID since you don't have a VIP card of our branch. Inside you can only meet VIP persons there. No regular guest are allowed to go inside. Enjoy your stay, miss." She bowed and referred me to other staff inside. Sinamahan naman ako nito sa restaurant sa loob.

Matapos ko'ng kumain ay naglibot libot muna ako sa loob. Mayroong Billiards doon. Lumapit ako at pinanood ang mga lalaking nagkakatuwaan sa paglalaro nito. At sa kabilang table naman ay ang mag jowang naghaharutan. Tinuturuan nung guy ang girl maglaro ng billiards. Pumunta pa sa likod ng babae yung guy at tinuruan kung paano ang tamang paghawak ng cue stick. Tss. Mukhang hindi naman natututo yung babae. Puro kalandian lang. Inis ako'ng pumunta sa staff na nakabantay dito at pinresent ang ID ko. Nanlaki pa ang mga mata niya at mabilis nagbow sa harap ko. Lumapit naman siya sa table 3 at sinetup yon. I mentally rolled my beautiful eyes when I noticed that the couple are in my side. Sarap pukulin ng tako hmp.

Nang ayos na ay mabilis ako'ng pumwesto sa gilid ng table kung saan natatantiya ko ang puting bola. Tinira ko ito at saktong tumama ang puti sa dos na katabi ng tres kaya dalawa silang nalaglag.

"Wow! You saw that babe? She looks cool!" Rinig ko'ng comment ng guy sa kabila. Hindi ko ito pinansin at pumusisyon nalang ulit sa table at nagpokus sa puting bola. Nasa gilid ng left side ang puti. Katabi nito ang uno at nuebe. Kapag tinira ko ang puti, mauunang malaglag ang nuebe kasunod naman ang uno kung lalagyan ko ng pwersa ang tira ko.

Bumwelo muna ako bago tumira. And yeah! Shoot.

"Woah!" Muli siya'ng napalakpak. Napangiwi ako.

"Psh!" Sa inis ng babae sa kanya ay iniwan siya nito. Padabog itong lumabas ng vip lounge. Nakita ko namang hinabol ng lalaki yung pabebeng babae. Pft. Typical Love Quarrel.

Matapos ako'ng maglaro ay lumabas na ako ng VIP lounge. Kahit ano'ng paglilibang ko ay naaalala ko pa'rin yung nakita ko kanina.

"Why life have to be this cruel?" Mahinang sambit ko sa sarili. I sighed at nagdirediretso na palabas ng lobby. Pero kung minamalas nga naman ang kagandahan ko, may nabangga na naman ako! Pang ilan na 'to ha!

"Sorry, miss. Are you hurt?" Malumanay na tanong niya. His broad shoulders turned in my direction. At hayun na lamang ang pagkalaki ng mga mata niya ng makita ako.

"Mizuki?!" Sambit niya.

"Tito Marcos?!" Ginaya ko ang tono niya dahil maging ako ay hindi inaasahan na makikita ko siya dito.

"Nandito ka pala..." wika niya.
lumingalinga pa siya sa paligid at nakakunot noong bumaling sa'kin.

"Oh asan yung butler mo?"

"Is that really a question, tito? Obviously ay tulog pa dahil ang aga aga pa. Pumunta lang ako dito para maglibot since hindi ako makatulog." Lumingon lingon din ako sa paligid at pinasok ang kamay sa bulsa ng coat.

My Butler Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon