63 EPILOGUE part 1

9.3K 161 48
                                    

Sa daming problemang hinarap ni Gladys. Simula sa maagang pagbubuntis na naging dahilan nang pagkakita niya sa isang taong totoong magmamahal sa kanya. Sa problema ng pamilya, sa pagkawala ng anak nila, sa pagtatraydor sa kilala niyang pinakamatalik ba kaibigan. Sa taong nagig dahilan ng pagkahiwalay ni Gladys sa totoo niyang pamilya.

Hindi man madali, pero sa bawat problema ay may kapalit na kaligayahan mula sa panginoong may kapal. Sa bawat pagsubok na dumating sa buhay, ito ang naging dahilan upang mas maging matatag ang relasyon ng pamilya, kaibigan, magkapatid, anak at mag asawa.

Sa buhay, hindi nawawala ang mga pagsubok. Hindi tayo pinapahirapan ng diyos kundi binibigyan niya tayo ng pagsubok upang mas maging malakas at matatag tayo sa mga problemang kahaharapin natin sa buhay.

Hindi naman kasi natatapos ang problema, patuloy tayong susubukin ng pagsubok upang magkaroon tayo ng tiwala sa sarili, pamilya, at sa ating mga minamahal.

Sa ngayon, tahimik pa ang buhay ni Gladys. Minsan may mga hindi pagkakaunawaan pero normal lang ito sa pagsasama ng mag asawa.

Nahuli ng mga pulis ang mga tauhan ni Don Syntiero, pinaghahanap parin naman ng mga pulis ang tita ni Gladys at ang anak nito.

Si Yves naman ay bigla nalang nawala na parang bula, biglang nagkagulo sa showbiz at malaking topic ang tungkol kay Yves.

Marami na rin ang nakakaalam ng totoong nangyari at pagkatao ni Yves.

Ang mga couples naman ay patuloy sa buhay.

**************
Sa araw na ito ay ang kasal ng dalawang taong pinakasinusubaybayan natin simula sa unang kabanata ng kuwento.

Sa dami ng pagsubok at problema na dumating, napakasayang pagmasdan ang magandang ngiti ng mga ito.

" Alex, hindi man medyo maganda ang pagtatagpo nating dalawa. Masaya naman ako dahil ikaw yung tipo ng tao na tumutupad sa pangako.

Sobrang laki ng pasasalamat ko sa diyos na nakilala kita, ang lalaking totoong nagmamahal sakin. Alam kong hindi lang ako ang nahirapan nung nawala ang anak natin" huminto si Gladys at naluluhang tumingin sa mga mata ni Alex

"Nakikita ko sa mga panahong iyon na nahihirapan ka din, pero para sa akin ay hindi mo ipinakita ang kahinaan mo. Sinuportahan mo ako, hindi ka napagod sa pagbabantay sakin.

Nung mga araw na halos nawala ako sa katinuan dahil nawala ang anak ko, naririnig ko ang boses mo. Naririnig ko ang iyak mo. Ang pagmamakaawa mo na bumalik ako sa dating ako.

Alam kong nahihirapan ka. Nung nalaman mong binalak kong mawala ang anak ko, alam kong nasaktan ka nung nalaman mo pero ngumiti ka lang"

Malakas ang hikbi ni Gladys at mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ni Alex

"Sobrang nagsisisi ako noon na maski sarili ko di ko kayang patawarin. Hindi akalain na maisip kong gawin yun pero nginitian mo lang ako.

Sa mga ngiting yun, nakita ko kung gaano ka kalungkot pero tinatago mo lang sa mga ngiting yun.

Sa bawat problemang dumating, nandyan ka sa tabi ko. Inalalayan mo ko sa bawat pagsubok na kahaharapin ko, natin.

Alexander Ramirez, Mahal na mahal kita. Alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Saksi ang diyos, sa mga pagsubok na nagdaan sa ating dalawa, sa bawat pagsubok ay nanaig ang pagmamahalan natin sa isat isa.

In front of god and everyone. I give you this ring as a symbol of my love for you and I hereby promise to love and to cherish you, in sickness and in health, for richer and for poorer. I will love you, till death do us part"

Huling linya nito habang inilalagay niya ang isang unique at walang kapares na singsing sa palasingsingan ni Alex.

Napangiti naman si Alex at hawak ang remote ay sinimulan na rin niya ang kanyang wedding vow para kay Gladys.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineWhere stories live. Discover now