52

5.2K 118 5
                                    

Habang nag uusap ang dalawa sa may sala, si Angel naman ay may kung anong hinahanap sa loob ng kuwarto ng kanyang ina.

Pagkakita niya sa litrato ay napangiti nang mala anghel ang bata pagkatapos ay lumabas kaya lang naroroon pa rin ang kanyang ina.

Si Chain naman ay naiintriga talaga sa pangyayari sa buhay ng mag ina.

"Naku, nakakahiya na yung pinagsasabi ko. Sige, magluluto muna ako ha? Mas mabuti pa na dito ka nalang muna kumain" sambit ni Vanessa at umalis na papunta sa kusina para magluto.

"Uncle!" Sigaw ng bata

Mabilis namang napabalikwas si Chain at malapit ng mahulog sa inuupuan niya na tinawanan lang nang bata.

"Your so silly, Uncle" tawa ng bata.

Napanguso nalang si Chain. Grabe naman kasi itong batang to, gulatin ba naman yung taong magugulatin?

"Uncle" sambit uli ng bata kaya napatingin naman si Chain kay Angel at napataas ang kilay.

"What is it?"

"Are you mad?" Malambing na tugon ng bata, napabuntong hininga na lamang ang lalaki sa inasal ng batang babae sa harapan niya. Paano ba kasi siya magagalit sa isang cute at maliit na bata?

"Nope"

"By the way, Uncle. I found a clue" masayang sambit ng bata at kinuha ang litrato sa bulsa ng suot nito.

"Then, let me see. Maybe I can help?"

Inabot ni Angel ang isang lumang litrato at nung mahawakan ni Chain ang litrato ay ganun na lamang ang gulat niya at mabilis na napatayo. Dahil sa hindi niya napansin ang isang laruan sa tatapakan niya ay nadulas siya at bumagsak sa sahig

"Uncle! Are you okay?" Nag aalalang tanong ng bata.

"Y-yeah, I'm okay" sagot nito at bumalil sa pagkakaupo pagkatapos ay pinagkatitigang mabuti ang lumang litrato na hawak niya.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are Mineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें