39

6.8K 159 9
                                    

Sobrang saya ng araw na ito, nakaranas si Gladys ng saya na matagal na niyang hindi naranasan.

Sa ngayon ay hindi muna uuwi ng manila si Gladys, delikado ang buhay niya. Mabuti na lamang at may pag mamay-aring bahay si Alex sa parte ng batangas malapit lang din kina David

Kasama si David at Ara pati ang tatay ni David, nakasakay sila sa mamahaling sasakyan at si Alex naman ang nag da-drive ngayon.

Bawat segundo ay napapapikit si Gladys, tanda siguro na pagod na ito kaya ganon na lamang ang antok ng dalaga.

"Hon? Just sleep, mahaba pa ang biyahe" malambing sa saad ni Alex sa babae.

Napatingin naman si Gladys sa mukha ni Alex na para bang naninigurado na hindi aalis ang lalaki.

Ngumiti lamang si Alex at hinawakan ang kamay ni Gladys.

"I'm not going anywhere, so just sleep" saad ni Alex kaya naman ay nakatulog na si Gladys habang hawak ang kamay ni Alex.

Si Ara naman ay kanina pang nakatulog habang nakaunan ang ulo sa balikat ni David.

Napatingin ang mag-ama sa isa't isa ng makita ang reaksiyon ng asawa ni Alex.

"Bakit ganon ang reaksiyon niya kuya? Para bang takot siya na mawala ka eh di ka naman aalis" pagtatanong ni David kay Alex.

Marahan lamang na napangiti si Alex sa mag-ama at napatingin sa mukha ni Gladys na mahimbing na natutulog habang nakahawak ang isang kamay sa manobela at ang isa ay naka hawak sa isang kamay ni Gladys.

"Alam kong takot siya. Pinagsisihan ko din ang nangyari sakin kasi hindi ako nag iingat, iniwan ko siya at ang anak namin" panimula ni Alex.

Nagulat naman ang mag-ama, may anak na pala silang dalawa?

"Our first son died. Someone hurt her when she's in the party that causes her to have a miscarriage. Panandaliang nawala sa katinuan ang asawa ko, paulit-ulit na nagwawala at tinatawag ang namatay naming anak" medyo nanginig na ang boses ni Alex habang nagkukwento. Medyo naging mahigpit ang hawak ni Alex sa manobela ng sasakyan.

Nagkatinginan naman ang mag-ama nang malaman ang pinagdadaanan ng dalawa.

"After almost a week, she turns back to normal. Nagagawa na niyang makipag usap sakin, nagagawa na niyang kumain mag-isa. Pero nagkaroon siya ng trauma sa nangyari" mahinang paliwanag ni Alex at napahinto ang sasakyan dahil green light.

Sandaling hinaplos ni Alex ang mukha ng dalaga at marahang napangiti.

"Her own aunt want to sold her, her own bestfriend bullied her. My own brother is the reason why she got a miscarriage.

We have money and power but we don't have the love of our own family" Unti-unting pumatak ang mga luha ni Alex habang nakatitig lamang sa dalaga na mahimbing na natutulog.

"One day, when I was working at my office. Someone called and I thought she was in danger so I hurriedly went home, but the truth was it is only a trap.  Someone wants me dead, I almost couldn't make it out alive" paliwanag ni Alex at pinunasan niya ang sariling luha.

"And I just left her like that with our second child in her stomach. I know how lonely she felt when I wasn't around and I need to protect her and our baby." Bulong ni Alex na sapat na para marinig ng mga tao sa loob.

Hindi alam ng mag-ama na gising pala si Ara habang nagkukwento si Alex tungkol sa buhay nila.

Tama nga na hindi niya ipagpilitan ang sarili sa lalaki, halata naman kasing mahal nila ang isa't isa. Nagagalit din si Ara sa mga naging dahilan kung bakit nahihirapan ang mag-asawa.

Bakit ba kasi hindi nalang nila hayaang maging masaya ang dalawa? Mga demonyo talaga ang gagawa ng ganon, pati bata na hindi pa nakikita ang ganda ng mundo ay dinamay nila.

*******************

Nagising na lamang si Gladys na nakahiga na sa kama na kulay puti. May balcony ang kwarto at kahit hindi ganon kalawak katulad ng mansiyon sa manila ay maaliwalas naman ito.

Sa pagmulat ni Gladys ng kanyang mga mata ay mabilis na nataranta si Gladys nang hindi niya makita si Alex, sakto naman at bumukas ang pintuan ng banyo, lumabas doon si Alex na nakashort lamang at nagpapatuyo pa ng buhok gamit ang towel ng biglang tumakbo si Gladys papunta sa lalaki at mahigpit itong niyakap.

Nagulat man ang lalaki sa ginawa ni Gladys ay napangiti na lamang ito at niyakap pabalik ang dalaga.

"Are you hungry? Kain na tayo? Naghihintay na sina tay Erman at David pati si Ara sa baba. " paliwanag ni Alex at hinalikan ang ulo ni Gladys.

"Akala ko nawala ka na naman" mahinang bulong ng dalaga at mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa katawan ni Alex.

Hinalik-halikan naman ni Alex ang ulo ni Gladys para pakalmahin ito at patunayan na hindi na aalis ang lalaki sa tabi nito.

"I will stay by your side. I won't go anywhere" malambing na sambit ni Alex at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa babae.

Walang ibang nakakaalam kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan nilang dalawa, paulit-ulit silang binibigyan ng pagsubok na halos hindi na nila kakayanin. Mga pagsubok na nakakawala ng pag-asa.

Paulit-ulit silang lumalaban pero wala silang magagawa kung mismong tadhana ang nagpupumilit na paghiwalayin sila.

Pero sa oras na ito, sa tingin nila sa isa't isa. Isinusumpa nila, kahit si tadhana ay hindi mapipigilan ang pagmamahalan nilang dalawa.

Lalaban sila at magpakatatag, magtitiwala sila sa sarili at palaging sumusuporta sa bawat isa.

Kahit anong mangyari ay walang makakapag hiwalay sa kanila, kahit si kamatayan man.

Sa higpit ng yakap ng dalawa ay napatawa na lamang si Alex at siya na ang unang bumitaw.

"Alright, bawal kang magpagutom. Dapat hindi magutom si baby kaya magbibihis lang ako at bababa na tayo para kumain, okay?" Sambit ni Alex na ikinatango lamang ni Gladys.

Mabilis na nagbihis si Alex sa harapan mismo ni Gladys at inalalayan kaagad ni Alex si Gladys pababa sa hagdan.

Pagkadating nila sa hapag kainan ay masayang nagkukwentuhan ang tatlo habang naghahanda ng mga pagkain.

Napansin naman kaagad ni Ara ang presensya ng dalawa, kaagad na tumakbo si Ara papunta kay Gladys.

"Ate Bea! Tara kain tayo" masiglang pag-a-aya ni Ara kay Gladys kaya napabitaw naman si Alex sa dalaga.

Habang kumakain ang dalawa ay matindi ang pagsasagutan nina David at Ara.

"Bakit ba kasi ang kulit mo?! Sinabi nang mas mahal ko si ate Bea eh!"

"Sus, kunwari ka pa. Mahal mo lang si kuya Gabriel eh."

"Wala na! Nawasak na ang puso ko. Winasak ni kuya Gabriel! Ginawa akong kapatid eh! Di bale na, kay ate Bea nalang ako! Hmph!"

"Bakit ayaw mo nalang sakin? Sasaluhin pa kita*wink*"

"Talaga? Wag na, payatot ka. Di mo ko kaya"

"Syempre, sa taba mong yan sino bang makakakaya sa timbang mo?"

"Hoy magaan lang ako!"

"Baboy ka"

Napatawa na lang sila sa inaasta ng dalawa, ayaw pa aminin na may gusto sa isa't isa eh.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon