47

5.6K 120 2
                                    

"Pwede namang sabihin niya nalang sakin kung ayaw na niya hindi yung lolokohin niya ako.

Umalis ako sa hospital nang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagpakalasing ako, gusto ko kahit ngayon lang makalimutan ko ang problema ko.

Umuwi ako ng lasing, wala ako sa wisyo at hindi ko alam na tinawagan na pala ako ng hospital.

Kinabukasan ko lang nalaman na nagwawala na pala si Dianne sa hospital. Sinugod niya ang bahay na tinitirhan nina Harry at Zia.

Mabilis akong pumunta dun at nakita ko kung paano magalit si Dianne, unang beses ko siyang nakita na ganun. Pilit siyang pinipigilan ni Harry kasi may sakit daw si Zia at baka atakehin na naman.

Nagalit ako at sinuntok ko si Harry, nagbabaka sakaling matauhan siya sa mga pinanggagagawa niya. Hindi alam ng mga magulang nila ang nangyari.

Sinabi ko ang lahat-lahat kay Harry, kung paano mahimatay si Dianne at mawala ang anak nila. Nakita ko kung paano matulala si Harry at tumulo ang mga luha niya, pilit niyang nilalapitan si Dianne na umiiyak at nakatanggap siya ng malakas na sampal."

Kahit na ikinukwento lamang ni Lerrione ang buong pangyayari ay nasaktan din ang mag asawa. Masakit mawalan ng anak, lalo na kapag wala sa tabi mo ang asawa mo.

"Pero bigla nalang nahimatay si Zia kaya nawala bigla ang atensiyon ni Harry kay Dianne at dali-daling binuhat ang walang malay na si Zia.

Ang bilis niyang makalimutan si Dianne na nasasaktan dahil sa kagaguhang ginawa niya.

Dinala ko si Dianne sa baguio para makalimutan pansamantala ang problema niya, inalalayan ko siya sa lahat ng bagay pero bigla nalang dumating si Valentine at gusto niyang tulungan ko siya dahil pilit na pinag hihiwalay sila ng magulang niya, gusto nina tita na ipa-abort yung bata pero hindi siya pumayag kaya lumapit siya sakin.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon