12

8.2K 189 9
                                    

Sa loob ng apat na sulok nang kuwarto, lahat nakatingin sa doctor na nagche-check up kay Gladys.

Napabuntong-hininga naman ang doctor pagkatapos niyang i-check-up ang pasyente.

"Masyado siyang stress at nagkaroon ng bruises ang kanyang tiyan and have some bleeding inside. In the first trimester, there's also the risk that a heavy blow to the belly can cause miscarriage.

She's lucky that she didn't lose the baby.
Maaaring makunan na ito sa pangalawa pang pagkakataon na mangyari ito kaya dapat ay ingatan niya ang sarili.

I recommend that she should use a wheelchair when going outside for a month. Hindi siya pwedeng gumamit ng pwersa dahil makakaapekto ito sa kanya" paliwanag ng doctor.

Biglang tumahimik ang lahat habang nagsusulat ang doctor ng reseta para kaya Gladys.

Saksi sina Chain, Christopher, Xian, Macy, Cloud at Jenna sa naging reaksyon ni Alex.

Para bang kapag sinalubong ang mga mata niya ay siguradong makakasalubong mo si kamatayan.

Nanginginig ang kamao ni Alex at nakakamatay na tingin.

"Alexander" banggit ng doctor sa pangalan ni Alex.

Napatingin naman ang binata sa kanya.

"I'll just warn you, kapag sa pangalawang pagkakataon at nangyari ulit ito, kung hindi man mawala ang bata ay siguradong maaapektuhan ang kalusugan nito.

Magkakaroon ng sakit ang bata dahil sa nangyari at pwede ring maagang mailabas ang bata sa sinapupunan.

And 50-50 ang nakakaligtas dito Alex. So you should be more careful." Sa sinabing ito ng doctor ay napatingin si Alex sa dalaga na mahimbing na natutulog.

"Pero don't worry, maiiwasan naman ito. After a month, make sure that she will exercise at least 3 times every week. Siguraduhin niyo ring natatamaan siya ng sikat ng araw tuwing umaga.

Let her eat nutritious food and fruits. Lalo na ang gulay. And dapat stress free siya. This is the vitamins that she needs to take every morning. Take care of her." Huling bilin ng doctor bago umalis

Sumunod naman silang lahat paalis hanggang sa maiwanan nalang si Alex at Glandys.

"Glandys, can you take care of yourself please? I beg you" bulong ni Alex at hinawakan ang kamay ni Glandys.

Doon, sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luha ni Alex para sa babaeng natutunan niyang mahalin.

Para bang hudyat ang pagpatak ng mga luha ni Alex ang pagmulat ng mga mata ni Gladys.

Hindi man alam ng dalaga kung ano ang dahilan ng pag iyak ni Alex ay nakakaramda siya ng sakit. Naninikip ang dibdib at parang naiiyak rin siya sa nasasaksihan.

Mabigat ang pakiramdam ng dalaga, nahihirapan din siyang umimik at hindi niya masyadong maigalaw ang buong katawan.

Mahirap makitang nasasaktan ang taong alam mong nanjan palagi sa tabi mo na handa kang protektahan.

Sa pag-iisip niyang ito ay unti-unti siyang nakakakuha ng lakas at dahan-dahang ginalaw ang kanyang mga daliri.

Sa galaw na ito, unti-unting umangat ang mukha ni Alex at tumingin sa dalaga. Nanlalaki ang mata ng binata habang nakatitig sa mga mata ng dalaga pero hindi maiiwasang makita sa mga mata nito ang saya.

Pagkakita ng dalaga sa mukha ni Alex na puno ng luha ay parang pakiramdam niya pinipiga ang puso niya. Napakasakit makitang nasasaktan ang taong pilit na nagbibigay sayo ng proteksiyon.

"Gladys, Hon. Your awake" sa tindi ng gulat ni Alex ay hindi niya namalayang natawag niya si Gladys ng endearment.

Gulat man ay napangiti pa rin ang dalaga.

"Gladys, can you promise me to protect yourself?" Mahinang sabi ni Alex, mahina man ang pagkaka-sambit ay mararamdaman mo ang sakit at hirap na nararamdaman niya

Tahimik lang ang dalaga na nakatingin sa kanya, pinag aaralang mabuti ang reaksiyon ng binata.

"Didn't you know that I was so worried about you? When I saw you like that, sleeping in the hospital bed. I felt like dying" paliwanag nito.

"Gladys, hanggang kailan mo balak na masaktan? Hindi ka ba nagsasawa? Hindi ka pa ba nahihirapan?" nahihirapang sambit ng binata habang pumapatak ang luha niya. Mahigpit ang hawak sa mga kamay ng dalaga na para bang nakasalalay ang buhay niya kapag bumitaw siya.

Napatingin sa kanyang mga mata si Gladys, nasasaktan ang dalaga pero hindi niya alam ang gagawin niya. Sanay na siyang nanjan ang lalaki para sa kanya pero handa na nga ba siya.

"Sinusubukan kong maging malakas, gusto kong protektahan ang sarili ko. Gusto ko lang ding makasigurado sa lahat" mahinang sagot ng dalaga

"Nandito naman ako eh, handa kang protektahan. I am willing to protect you but you don't want to. How am I suppose to live like this?"

"Buntis ako, ikaw ang ama. Gusto mo kaming protektahan, naiintindihan kita. Pero ayoko lang ng ganito. Gusto ko pa kasing matuto" sambit ng dalaga at umiwas ng tingin.

Sa sinabing iyon ng dalaga ay para namang winasak ang puso ng binata.

"What do you want me to do? Let you handle those problems alone?"

"Gusto ko lang harapin ang mga problema ko. Gusto kong huwag umasa sayo. Ayoko ng ganito"

'Ayaw niya ng ganito? Hindi niya ba gustong makasama ako? Ayaw niya bang maging ganito ako sa kanya? Mababaliw ako nito' isip ng binata habang nagsisimula na namang bumuhos ang luha niya.

Bumubuka ang bibig pero walang lumalabas na salita sa bibig ni alex. Hindi makapaniwalang nakatingin sa dalagang hindi man lang siya magawang tingnan sa mata.

"Do you want me to leave? Do you want space?" Dalawang tanong. Sa dalawang tanong ng binata ay nakuha nito ang atensiyon ng dalaga.

Kaagad napatingin si Gladys kay Alex. Nanlalaki ang mata at gulat na nakatingin sa kanya.

Hindi yun ang ibig niyang sabihin, ayaw niyang mawalay sa kanya.

Sa pagkakataong ito, parang bang bumagal ang oras habang dahan-dahang inaalis ng binata ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.

Sa pagbitaw niya ay parang binitawan niya na rin ang pagsasama nila. Pakiramdam ng babae ay ayaw na ng binata sa kanya.

Lahit todo ang protesta niya sa pagbitiw nila ng kamay ay wala siyang ginawa, napako ang tingin niya sa kamay niya na ngayong hindi na hawak ang kamay ng taong palaging nandiyan para sa kanya.

"I'll leave. You can live at the mansion. I will give you space, I will let you think. Hahayaan kitang makapag-isip kung ano ba ang dapat mong gawin." Sa bawat bigkas ng lalaki sa mga masasakit na salita ay pakiramdam nito na kusa niyang winawasak ang sarili niya.

Sa pagtalikod ni Alex ay kasabay na tumulo ang luha nilang dalawa.

"You can tell me if you don't need me. You can tell me if you want to leave me. I can take all of that. I will stop protecting you from now on. I want you to face all your problems alone for you to be independent so that you will never depend on me."

"I will let you do anything from now on" huling banggit ni Alex at binuksan ang pinto para lumabas na.

Pakiramdam ng binata hindi siya makahinga sa loob.

Sa paglabas ni Alex ay napansin naman ito nina Jenna, ang namumulang mata ng binata at ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak.

Sandaling huminto ang binata sa saradong pinto ng room ni Gladys, napatingin ulit ito sa pintuan at marahas na pinunasan ang mga masasakit na luhang pumapatak mula sa mata niya.

Mabilis siyang naglakad paalis na hindi man lang bumaling ng tingin sa mga kasama.

Hindi man alam nina Cloud ang nangyari pero masasabi nilang totoong nasaktan ang kanilang amo, sa unang pagkakataon nilang nakita itong lumuha at puno ng sakit ang mga mata.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon