31

6.6K 136 0
                                    

"Sabi ko sayo wag mo nang gawin eh! Sabi ko sayo! Akala ko tatakutin mo lang?!" Sigaw ni Angelo sa babae.

"Hahayaan ko bang magkaroon ng ibang anak ang fiance ko?" Mataray naman na tanong nito pabalik.

Napakagat na lamang ng kuko si Angelo at sari-saring emosyon ang makikita sa mga mata nito.

"Sabi mo hindi mamamatay ang anak niya, pero ....pero...." nag aalangang na saad ni Angelo

Napairap na lamang ang babae at nagcross arms. Bakit? Gusto ko din ba ang nangyari? May puso din naman ako kaso wala akong choice!

"Angelo" tawag ni Kath sa lalaki, marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at hinalikan ang mga labi.

"Relax, diba sabi ko dapat kalma ka lang? At saka, aksidente ang nangyari. Okay?" Paliwanag ni Kath pero sa loob-loob nito ay napapaikot na lamang niya ang sariling mata. Bakit kasi kailangan ko pang dumikit sa baliw na to? Parang bata!

Sa dilim ng gabing iyon ay umalis si Katherine at naiwan sa hotel ang lalaki.  Puno ng pag aalala ang kanyang mga mata na may halong pagkalito.

Noong mga bata pa sila, palagi na lamang si Alexander ang pinagbibigyan ng kanyang ina. Sa mga laruan man at oras ay palaging lamang ang bunsong kapatid.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang palagi na lamang si Alexander ang pinagbibigyan.

"Kuya! Kuya gusto ko ice cream!" Turo ng batang si Alexander sa binbentang Ice cream.

Nakangiti man si Angelo pero sa totoo lang ay ayaw niya talaga sa ugaling ito nang kapatid niya, para bang utusan ang turing sa kanya ng batang Alexander.

"Kuya? Can't you buy it for me? Please?" Pagpapacute pa ng bunso, napatingin naman si Angelo sa kanyang ina pero nginitian lamqng siya nito. Napakuyom ang kamao ni Angelo.

Siya na naman! Siya na naman ang uutusan! Siya na naman ang gagawa ng paraan! Palagi nalang! May kamay at paa naman si Alexander, bakit hindi siya ang bumili ng ice cream? Siya naman ang kakain eh!

Patuloy ang nararamdaman ni Angelo, hanggang sa unang pasok ni Alexander sa paaralan. Sinabihan pa siya ng ina na bantayan ang kapatid, hindi naman siya babysitter bakit kailangan niya pang bantayan?

Dahil isang taon lamang ang agwat ng edad nila ay hindi palagi silang magkasama. Hanggang sa naging junior high school na siya, laking pasasalamat niya at elementary pa lamang ang kapatid.

Sa kaniyang paaralan, siya ang nangunguna, siya ang palaging number 1, sa academics, sports, at isa sa pinaka pinagkakaguluhan sa paaralan.

Hanggang sa pumasok na rin si Alexander sa Junior High, mabilis sumikat si Alexander, bukod sa angking talino at itsura nito ay talentado rin ang binata. Marunong itong sumayaw, kumanta, gumuhit, maglaro ng basketball at soccer, at iba pa.

Ang dating nangungunang si Angelo ay napalitan na ni Alexander, naisipan ni Angelo na sumali sa contest ng pagkanta kung saan kasali rin si Alex pero ang bunso pa rin ang nanalo samantalang pumangalawa lamang si Angelo.

Natutuwa ang kanilang ina sapagkat ang bunso ay una at sunod naman ang ikalawang anak, nakakatuwa dahil nakuha ng kanyang dalawang anak ang 1st at 2nd place ngunit lingid sa kaalaman nito ay napuno ng inggit ang puso ni Angelo. Si Alexander na naman ang bida samantalang siya ay anino lamang nito.

Ngunit nakilala ni Angelo ang isang nerd na babae at palaban, palagi niya itong kinukulit at sinusundan. Niligawan niya at hindi nagtagal ay naging sila ngunit dumating ang araw, mahigit isang taon na ang magsyota pero nakita niyang masayang nag uusap si Alexander at ang kanyang girlfriend.

Nagtaka na lamang ang kanyang girlfriend kung bakit biglang naging mahigpit ito sa kanya, pinagbabawalan siyang mag cellphone sa pag aakalang nakikipagtext ito kay Alex, bawal din siyang mamasyal hangga't hindi ito nagpapaalam sa kanya. Konting ngiti lamang ng babae kay Alexander ay magagalit na ito at pinagbubuhatan ng kamay ang dalaga pero kahit ganun ay hindi nakipag hiwalay ang babae.

Sobrang naging mahigpit si Angelo na tipong nakakasakal na. Sa pag aakalang may relasyon ang dalawa ay nakipag break siya sa babae nang hindi sinasabi kung bakit at basta nalang umalis samantalang ang babae naman ay umiiyak at hindi alam ang dahilan.

Hanggang sa isang araw ay nagawa ni Angelo ang hindi dapat, nagbayad siya ng mga tauhan para bugbogin ang sariling kapatid. Hindi man alam ni Alexander ang nangyari kung bakit nasa hospital na siya nang magmulat ay naiisip pa rin niya ang kanyang dinanas ngunit walang lihim na hindi nabubunyag.

Nalaman ni Lerrione na si Angelo mismo ang nagpabugbog sa sariling kapatid kung kaya nagalit ito at nasaktan ang sariling anak pero sinisisi ni Angelo kay Alexander ang nangyari sa kanya.

Nagwala si Angelo at pilit na sinusugod si Alexander na nakahiga lamang sa hospital bed. Naisipan na lamang ni Lerrione na ikulong ang anak pansamantala ngunit pilit lang niyang sinusugatan ang sarili.

Walang nagawa ang ina nito at hindi alam ang gagawin, nagtataka naman si Lerrione at napagpasyahang i-konsulta sa psychiatrist ang anak.

Doon ay nalaman nila na mayroong psychological disorder ang anak.

Pathological Jealousy o Morbid Jealousy.

"My son has a Psychological Disorder?" Tanong ni Lerrione at si Valentine naman ay napaiyak na lamang sa nalaman.

"Yes"

"What kind of psychological disorder, doc?" Tanong ulit ni Lerrione sa doktor.

"He has a Pathological Jealousy also known as Morbid jealousyOthello syndrome or delusional jealousy, it is a psychological disorder in which a person is preoccupied with the thought that their spouse or sexual partner is being unfaithful without having any real proof, along with socially unacceptable or abnormal behaviour related to these thoughts. The most common cited forms of psychopathology in morbid jealousy are delusions and obsessions. It is considered a subtype of delusional disorder"

Hindi naman makapaniwala ang mag asawa sa narinig, bakit ba naging ganito ang kanilang anak?

Sinabi ng doktor na kailangan nitong mag undergo ng therapy for behavioral, cognitive at marami pang therapy pati ang couple therapy ngunit nang hinanap nila ang babae ay nakaalis na pala ito ng bansa.

Pinipilit pa rin ng pamilya si Angelo ngunit sinasaktan lang niya ang sarili dahil akala niya ay sinasabihan lang siya ng baliw eh hindi nga siya baliw.

Walang nagawa ang kanyang mga magulang kundi hayaan muna pansamantala ang lalaki upang hindi na nito saktan ang sarili, simula nun ay parati na lamang na kay Angelo ang buong atensiyon nina Valentine.

You Are MineWhere stories live. Discover now