42

6.1K 134 0
                                    

Si Chain ay ligtas na nakarating sa U.S. na iba ang identity.

'Takte! Buhay si boss? Buhay siya?! Sabi na nga ba, kapag talaga masamang damo matagal mamatay. Kaya lang mismong si boss impyerno, walang laban ang kamatayan. Tsk tsk' isip ni Chain habang napapa iling na lamang

Nung sakto na aakyat na siya sa eroplano ay may biglang tumawag sa kanya na unknown number, curious na sinagot niya ang tawag pero isang malamig na tinig ang narinig niya.

"Chain, go back. Don't enter that plane" warning na utos ni Alex kay Chain, napatigil na lamang si Chain at nanlalaki ang mata na napatingin ulit sa caller.

Pero pilit siyang kumalma at sumagot sa amo niya.

"Yes boss" walang nakakaalam na nakaalis si Chain sa eroplano, nakita na siya ng surveillance camera na nakasakay sa eroplano, walang saksi na hindi siya nakasakay dahil lahat ng pasahero na nakasakay sa eroplano ay namatay dahil sumabog ito sa himpapawid at imposibleng makaligtas ka.

Napalunok na lamang si Chain habang nakita kung paano sumabog ang dapat ay sasakyan niya. Jusko, balak ko pa pong makapag asawa

Sa Pilipinas naman, umagang umaga ay kumalat ang balita na sumabog ang eroplano na papuntang United States at walang pasahero na nakaligtas pa. Ipinakita din dito ang mga pictures na sinasabing namatay sa aksidente at kasama dito ang itsura ni Chain.

Sa napanood na balita ni Chris ay ito ang naging hudyat para kumilos ito. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit at pumasok sa isang kuwarto.

Napangiti na lamang siya ng makita ang hinahanap at mabilis na lumabas sa kuwartong ito.

Tumawag kaagad siya kay Gladys pero hindi inaasahan na iba ang makasagot kaya hinintay muna ni Chris na magsalita ang nasa kabilang linya pero di pa rin umiimik.

Hanggang sa hindi na natiis ni Chris at namumula sa galit ang mukha at lumalabas ang ugat sa leeg na sumigaw.

"Sino ka?! Kung sino ka man, magpakilala ka na agad dahil baka pagsisihan mo to!" Inis na sigaw ni Chris sa kabilang linya.

Kasalukuyan kasing mahimbing na natutulog si Gladys kaya si Alex muna ang sumagot. Kaagad na nandilim ang paningin ni Alex at napataas ang kanyang kilay.

"What?" Malamig na sambit ni Alex at bahagya namang natigilan si Chris sa narinig na boses. Mabilis niyang tiningnan ang pangalan ng tinawagan niya at tama naman.

"Sino ka?! Anong ginawa mo kay miss gladys!"

"Chris" malalim at baritonong boses ang narinig nito sa kabilang linya. Sobra naman ang panlalaki ng mata ni Chris sa narinig.

Wat da pak?!

Mabilis na tinakpan ni Chris ang bibig ng maalala na kung ano-ano ang pinagsasasabi niya kanina sa amo.

"B-boss" nauutal na sambit ni Chris at mariing napapikit.

Jusko! Wala man lang warning? Nag aalala ako at hiniling na sana buhay si boss pero bakit parang nagsisisi akong hiniling ko na sana makita na siya?

Malakas na napalunok si Chris sa sariling laway at pilit na ngumiti.

"Hehe boss, buti naman at nasa maayos kayo."

"Yeah" malalim na boses ni Alex

"Why did you call early in the morning?" May bahid ng kaunting inis sa boses ni Alex. Paano ba naman? Sino ba ang nagsabi na pwede silang mang gising?

Istorbo kasi sa tulog eh. Paano na lang kung magising si Gladys? Baka mamaya magsuka na naman ng magsuka nang bagong gising palang.

"Ah, may i-rereport lang po kay Miss Gladys"

"What is it?" Seryusong saad ni Alex sa kausap.

"A-ahm, nakuha ko na po yung ebidensya" pagbibigay alam ni Chris sa kanyang amo.

"Good, but I have one thing to tell you" pagkasabing iyon ni Alex ay seryusong nakinig ang kawawang utusan.

***********

Maliwanag na ang buong Pilipinas ngunit kakamulat palang ng mata ni Macy. Nagising siya sa isang malaking kuwarto at puno ng kulay brown at puti ang paligid.

Inilibot ni Macy ang tigin sa paligid at kasabay ng pagbukas ng pinto ay pumasok si Xian na may dalang pagkain.

Mariin lamang na tinitingnan ni Macy si Xian at pinag aaralan ang mga galawa nito. Pagkalapag ng pagkain sa maliit na mesa katabi ng higaan ay napabuntong hininga na lamang si Xian at lumingon sa babae.

"Macy, There is something that I need to tell y---" hindi na natapos ni Xian ang sasabihin dahil bigla na lamang kinuha ni Macy ang unan na unang nahawakan niya at ibinato kay Xian

Mabilis namang nahawakan ni Xian ang unan na papalapit sa mukha niya at tiningnan ng seryuso ang babae na galit na nakatingin sa kanya.

"Macy, listen first"

"Bakit mo ginawa yun? Ha!"

"Macy"

"Sabihin mo! Bakit kailangan mong gawin yun! Gago ka ba?"

"Macy, wait--"

"Ano na naman!"

"Bakit ka ba nagagalit?

"Eh bakit kailangan mong gawin yun! Ano ba talaga ang nangyayari?!" Inis na sigaw ni Macy kay Xian.

Napabuntong hininga na lamang si Xian at lumapit siya sa babae. Umupo siya sa higaan katabi ng babae at marahang ngumiti.

"Macy, may mga bagay na di mo na dapat pang malaman" mahinahong paliwanag niya sa babae umaasang hindi na ipagpipilitan ang sarili na malaman ang lahat.

"Ano ba ang hindi ko alam? Ano bang tinatago mo sakin?"

Ngumiti na lamang si Xian at marahan na hinaplos ang buhok nito saka umalis, syempre di niya nakalimutang i-lock ang pintuan dahil baka tumakas ito.

Masyadong delikado kung makikita siya ng mga tauhan ng kanyang ama at ang mga tauhan ng totoong tumutugis sa kanila at nang kanyang amo.

Habang nagtatago sila, kailangan din nilang gawin ang utos ng kanilang amo. Nakasalalay dito ang buhay nilang lahat, kailangan niyang malaman ang lahat. Kung ano nga ba ang totoo at kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito.

Ano nga ba ang nangyari noon at ano ang dahilan kung bakit iniisa-isa ang mga Santillan at Ramirez?

Ano nga ba ang nakaraan ng mga magulang nila at ang pamilya Ramirez at Santillan?

************************

Sa ilalim ng sikat ng araw ay makikita ang isang may katandaan nang lalaki at eleganteng nakaupo sa kanyang upuan sa kanyang balkonahe.

Mayroon namang nakatayo sa tabi nito na matipunong lalaki at walang emosyon na nakatingin sa matanda.

"Iho, kailangang mawala ng dalawang pamilya na iyon. Gawan mo ng paraan para mapatay ang mga iyon! Wala na dapat pang mabubuhay na Santillan at Ramirez!" Galit na sigaw ng matanda sa kanyang apo.

Tumango lamang ang binata

"May alam ka na ba tungkol sa pagkatao ng babae nang Alexander na yun?"

"Siya si Beatrice Rose Santillan, ang nawawalang anak  ng mga Santillan" sa pagkasabi nito ng binata ay napuno ng galit ang mga mata ng matanda.

Hinding-hindi siya makakapayag na may mabuhay pang mga Santillan at Ramirez sa mundong ito. Magkita-kita nalang sila sa impyerno!

You Are MineWhere stories live. Discover now