04

10.3K 205 12
                                    

"Hindi ka galit?" Humihikbing tanong ko sa kanya

Umiling siya sa sinabi ko at marahang ngumiti

"I understand, ganyan din ang reaksyon ni mommy nung ipinagbubuntis niya ang nakatatandang kapatid ko." Paliwanag niya

"Nangyari din to sa mama mo?" Tanong ko sabay pinunasan ang luha ko at tumigil na sa pag iyak.

"Unfortunately, the baby isn't lucky. He died when my mother's parents force her to do an abortion" sabi niya habang may malungkot na ekspresyon sa mga mata

"I was thankful that you didn't force to do an abortion but you were just shock by the news. At least, the baby is alright. So I want to thank you for deciding to keep the baby while it's not too late" sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko at hinalikan.

"I don't want you to be like my mother that has lost her child and will regret in the end. Because that was my mother felt like when my brother died" paliwanag niya at hinaplos ang tiyan ko.

"I'm sorry for not being there when you need me, I will try my best to be a good father and husband. I promise" natutuwa ako ng marinig ko yun pero isang salita akong nakaligtaan.

Husband?

"Husband? As in asawa? Ikaw? Magiging asawa ko?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Pakakasalan niya ako?

"Pero okay lang ba sayo kahit hindi mo ko mahal? Baka may girlfriend ka, pano yung pamilya mo" nag aalalang tanong ko sa kanya

"Hey, don't be afraid. I don't have a girlfriend and let me handle my family. I can't let my child live without a whole family and I can learn to love you." Sabi niya habang nakangiti

Napangiti na rin ako at umupo ng tuwid. Salubong ang mga mata niya ay ngumiti ako sa kanya at inangat ang palad ko.

"Hi, my name is Gladys Reign Entigro, 20 years old, graduating college Business Management student ,ang babaeng kasama mo dalawang buwan na ang nakalipas. Ang ina ng magiging anak mo. Nice to meet you. May I know your name Mr.?" Nakangiting pagpapakilala ko sa kanya

Noong una ay nagtataka siya pero nang marinig niya ang pagpapakilala ko sa kanya ay napatawa siya ng malakas.
Pero tinanggap niya naman ang kamay ko at nakipag shake hands.

"Hi, My name is Alexander Ramirez. You can call me whatever you like. I'm 24 years old. I am currently a trainee as a CEO of VLR Hotel building. I am the father of your child and future children and will be your husband in the future and forever. You forgot to mention that you'll be my wife in the future and forever *wink*" napakurap ako at nanlaki ang matang nakatingin sa kanya na nakangiti lang

Dali-dali kong binitawan ang kamay niya at lumayo sabay duro sa kanya habang nanlalaki pa ang aking mga mata

Oh my goodness.

Agad akong nanalangin ng sampung 'aba ginoong Maria' at limang 'Ama namin'

"Ikaw! Ikaw ang CEO! Paanong--" nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatingin sa kanya na nakaduro ang hintuturo sa kanya

Lumapit naman siya sakin at tiniklop ang hintuturo ko at hinila ako paupo sa binti niya at niyakap ako patalikod.

Hindi na ako nagtataka kung paanong nahanap niya ako, koneksyon palang nakakagulat na.

Yumuko siya at pinatong ang baba niya sa balikat ko at inamoy ang amoy ko. Nahiya tuloy ako kasi bagong gising lang at hindi pa naliligo, kakatapos ko lang din magsuka.

" You're shocked?" Tanong niya. Halata naman nakakagulat. Naalala ko pa ang mga ginawa ko kanina, umiyak ako sa harapan niya, sumuka pa ako. At kagabi!

Kagabi kinuha ko yung jacket niya at tinapon

Kumawala agad ako sa yakap niya at humarap sa kanya. Yumuko ako agad sa harapan niya.

"Sorry sa jacket mo kagabi, nababahuan lang kasi ako eh. Sorry talaga" paghingi ko ng tawad pero rinig ko lang ang mahinang tawa niya.

Hinila niya ulit ako sa bewang at pinaupo ulit sa lap niya at katulad kanina, niyakap niya ako patalikod at pinatong ang baba sa balikat ko at inaamoy ako.

"It's just a jacket. It can be replaced. I'm sorry, I didn't know that you don't like the perfume. I'll buy a vanilla scent perfume so that you won't puke anymore" paghingi niya ng tawad.

"Okay lang naman yun eh, hindi mo naman alam. "

"But I wanna ask you something I am curious about"

"Mmm?"

"Nung gabing may nangyari sa'tin bakit wala ka na nung umaga? Hinahanap kita nun pero hindi kita makita" sabi niya na halatang dissappointed siya dahil umalis ako.

Hinawakan ko ang kamay niya nakayakap sakin at humilig ako sa kanya.

"Nung araw na yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Takot akong malaman ng mga tao. Takot din ako na baka hindi mo ko tanggapin. Ganun kasi halos lahat ng mga lalaki. Pero buti nalang at hindi ka ganun" paliwanag ko at nakapikit na ngumiti sa kanya.

Ang swerte ko dahil pananagutan niya ako. Pero sana totoo to, nakakatakot pa ring isipin na niloloko ka lang at paasahin na pananagutan pero hindi pala.

Paano nga kung sasaktan lang pala niya ako. Na aakalain kong totoo ang ipinapakita niya sakin pero hindi pala.

Alam kong duwag ako, takot ako sa maaaring mangyari. Takot ako sa posibilidad na peke lang pala ang ipinapakita niya sakin.

Nakakatakot isipin na ang anak ko lang ang gusto niya. Natatakot ako sa lahat ng bagay. Lalo na kung nakasalalay ang hinaharap. Ang kinabukasan ko at ng anak ko.

Sisikapin kong pumantay sa kanya. Sisikapin kong maging katulad niya, mataas at nirerespeto ng marami. Magsisikap ako para hindi ako maliitin ng mga tao at pagbibintangang gold-digger o mukhang pera.

Ayokong ikakahiya ako ng anak ko balang araw. Pagsisikapin kong maging mabuting ina at asawa.

Hinihiling ko lang na sana hindi ko pagsisihan ang desisyong makasama ang taong ito.

'Anak, ako ito si mama mo. Tulungan mo sana si mama na gumawa ng desisyong nakabubuti para sa ating dalawa. Hindi ko alam kung tama bang sumama tayo sa papa mo kasi nakakatakot humarap sa matataas na tao. Maraming mata-pobre at ang tingin sa mga taong mahirap na nagpakasal sa mayaman ay mukhang pera kahit hindi nila alam ang totoo. Anak, sana tama ang desisyon ko'

You Are MineWhere stories live. Discover now