08

7.9K 192 2
                                    

Pagkababa ko ng taxi ay nagpaalam na kaagad ako kay alex at pumasok sa school.

Para talagang may iba, tinitingnan ako ng mga estudyante at pinag uusapan kapag dumaan ako.

Ano bang nangyayari?

Pagkapasok ko sa room namin ay nakita ko dun si Jamie na nakaupo kasama ang iba pa niyang mga kaibigan, nagtatawanan.

Noon, kaming dalawa lagi ang mag kasama. Ngayon, hindi na niya ako pinapansin.

Tiningnan naman ako ng mga kaklase ko nung dumating ako, may nang irap sakin, may parang nandidiri, may napa simid nung dumating ako, meron ding ang ayaw tumingin sakin.

Pagkaupo ko sa sarili kong upuan ay napatingin ako sa kanilang lahat naisip kong mag drawing nalang habang wala pa si ma'am.

Kumuha ako ng notebook ko sa ilalim ng desk, pagbukas ko sa notebook ay napatayo ako sa gulat.

May nakita akong drawing na babaeng buntis. Humangin bigla at isa-isang lumipat ang bawat pages.

May mga doctor na may hawak ng injection.

May drawing din na may baboy tapos maraming anak. May drawing ng babae na buntis na nag pole dancing. May drawing ng babae na nakahubad at may drawing ng babae na nakabukaka sa harap ng lalaki tapos may pera na nakadrawing sa ibaba ng papel.

Naluluha akong tumingin sa buong kaklase ko. Nag-iwasan sila ng tingin at yung iba ay parang naaawa sa lagay ko pero pinagtatawanan ako.

Tumingin ako kay Jamie pero hindi niya ako pinapansin at tumingin sa bago niyang mga kaibigan na natatawa sa itsura ko.

Bumuhos ang luha ko at napatakbo ako palabas ng room. Pumasok ako sa comfort room at doon umiyak ng marinig kong bumukas ang pinto ay pilit kong tinatakpan ang bibig ko para maiwasang kumawala ang mga hikbi.

"Grabe narinig mo ang usap-usapan ngayon?"

"Oo, hindi ako makapaniwalang buntis ang suma cum laude natin."

"Akala ko pa naman kasing hinhin niya si birheng maria"

"Hindi ko akalaing ang aga niya nabuntis"

"Girls alam niyo ba?"

"Ang alin?"

"Yung bestfriend niya? Yung maldita, grabe gurl, siya yung nagpakalat na buntis si Gladys"

"Talaga? Ang plastic naman talaga nun. Nakaaway ko na yun eh. Di ko nga alam kung paano sila naging mag kaibigan ng top scorer na si Gladys eh"

"Makinig kayo girls, ang alam ko pa, sinabi ni Jamie na pinapaako daw ni Gladys ang anak niya sa isang mahirap na lalaki."

"Grabe naman, basta wag lang mapahiya gagawin talaga lahat"

Napahinto naman ang mga babae ng biglang bumukas ang pintuan.

"What are you doing? Sino ang may sabing mag chismisan kayo sa comfort room?" Rinig kong boses ng 2nd honor namin

"Eh Jenna, nanjan ka pala" sabi ng babae

"Hindi niyo pa alam yung totoo. Paano kung hindi naman talaga niya pinaako sa lalaki ang bata?"

"Sorry"

"Hindi niyo ba alam na start na ng class? Bakit nandito pa kayo?" Tanong ulit ni Jenna sa kanila, narinig ko nalang na lumabas na sila.

Jamie, bakit?

Bakit kailangan mong ipagkalat na buntis ako? Alam mo namang tinatago ko to para hindi ako pagtawanan ng ibang tao diba?

Pagkatapos kong mahimasmasan ay lumabas na ako sa isa sa mga cubicle ng cr at nagulat nalang ako ng makita ko si Jenna sa harap ng salamin.

"Okay ka na?" Tanong niya sakin

Tumango naman ako at ngumiti.

"Salamat" pagpapasalamat ko sa kanya sa pagtatanggol niya sakin kanina.

"Wala yun, naiintindihan naman kita. May cousin is also pregnant, mas malala pa nga sayo kasi high school palang siya." Kuwento niya

Nginitian ko nalang siya at lumapit sa lababo para maghugas ng kamay

"Palagi kitang nakikita pero parang wala kang nagiging kaibigan bukod kay Jamie, bakit?" Biglang tanong niya sakin.

Napahinto naman ako at napatingin sa kanya.

"Si Jamie kasi ang pinayagan ni auntie na maging kaibigan ko. Sinasabi ni auntie na kapag pinagbawal ni Jamie sumunod daw ako"

"At sumunod ka naman? Hindi mo ba alam ang ugali nang naging kaibigan mo?" Tanong naman niya ulit sakin

"Huh?"

"Kilala si Jamie bilang isang party girl. Ang daming naging boyfriend pabago-bago, at ang alam ko palagi siyang pumupuntang bar tuwing gabi. Magtataka talaga ako kung virgin pa yun" kuwento niya sakin. Napayuko naman ako sa sinabi niya.

Ganun ba talaga si Jamie? Ganun ba talaga ang kaibigan ko? Pero mahigit 4 na taon kaming magkakilala para hindi naman siya ganun.

Mabait pa nga siya lagi sakin. Lagi niya akong sinasamahan sa mall. Nagba-bonding kami sa park at nakikipaglaro siya sa mga bata.

Nagsinungaling lang ba siya sakin?

"Uy! Earth to Gladys! Hello? Buhay ka pa?" Napabalik naman ako sa realidad ng kumaway-kaway si Jenna sa harapan ko.

"Okay ka lang? Namumutla ka" tanong niya at hinawakan ako

"Uy okay ka lang?" Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko.

Nanlalabo din ang paningin ko, su.asakit ang ulo ko.

"Hoy! Wag mo nga akong pakabahin ng ganito! Hoy! Umayos ka nga!"

Ang sama na ng pakiramdam ko.

*********************
Napaupo ng biglaan si Gladys na ikinagulat naman ni Jenna

"Ay jusko santisima! Okay ka lang? Gladys! Kinakabahan ako sayo! Wag ngayon, class time pa naman. Walang tao sa labas. Jusko!" Natatarantang saad ni Jenna ng biglang tumunog ang cellphone ni Gladys na ikinagulat naman ni Jenna

"Ay maryosep! Ano ba naman yan! Bakit ba nanggugulat?!"

Bigla namang nahimatay si Gladys pero nahila siya ni Jenna kaya naka sandal ang buong katawan ni Gladys sa natatarantang si Jenna

"Mama ko po! Anong gagawin ko? Ay yung tawag! Sana walang password to" hiling ni Jenna at pagkakuha nga niya ng cellphone ni Gladys ay napahinga siya ng maluwag ng makitang wala ngang password.

Pagkasagot niya ng tawag ay ganun nalang ang gulat niya ng marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.

Tumingin ulit siya sa screen pero number lang ang nakita niya.

"Hello? Gladys? Are you alright?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Hello" pagkasagot ni Jenna sa tawag ay natahimik ang kabilang linya.

"Who are you?"

"Hello?kilala mo si Gladys diba? Ka ano-ano ka niya? Ikaw ba ang ama ng anak niya?" Sunod-sunod na tanong niya sa kabilang linya.

Sandaling tumahimik sa alex at sumagot ng hindi inaasahan

"Yes, I am" O.O

You Are MineWhere stories live. Discover now