50

5.9K 122 8
                                    

Sa loob ng isang madilim na kuwarto ay nakahiga si Cloud at wala pang malay, nakatali ang kanyang mga kamay sa gilid ng kanyang hinihigaan at maraming mga nagbabantay na guwardiya sa labas ng pintuan.

Sa isang sulok naman ay nakaupo ang isang matandang lalaki habang nakatingin lamang kay Cloud na nakahiga at puro sugat ang buong katawan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay unti-unting nagmulat ang mga mata ni Cloud at unang nasilayan ng kanyang mata ay ang matandang matiim na nakatitig sa kanya.

"Your awake"

"Lolo" mahinang banggit ni Cloud at akma na sanang uupo siya ng biglang mapansin niya na nakakadena ang kanyang mga kamay.

"Lolo, why--" hindi pa natatapos ni Cloud ang sasabihin at kaagad na pinutol na ito ng matanda.

"You deserved that, kapag hindi ko yan ginawa ay anong balak mong gawin ha?"

"Lolo, kailangan kong mahanap si Jenna. I need to find her"

"You don't need her"

"I need her! Please lolo, gusto ko siyang makita"

"No! Kakampi siya ng mga Ramirez at Santillan! Hindi mo siya kailangan!"

"Lolo, I love her. Please..."

"No, my decision is final. Kung kinakailangan ay ikulong kita dito para makalimutan ang babaeng wala na ay gagawin ko!"

Napahinto naman si Cloud at mabilis na napatingin sa kanyang lolo na akmang tatayo na para umalis.

"What did you say?"

Hindi naman sumagot ang matanda at tahimik lang na nakatalikod sa binata.

"Lolo, anong ibig mong sabihin sa wala na?"

Akmang aalis na ang matanda ng biglang mapahinto ito sa biglaang pagtaas ng boses ng lalaki.

"Where is she?! What did you do to her?!"

Hindi naman makapaniwala ang matanda dahil ito ang unang beses na sigawan siya ng kanyang apo. Kapag kasi nagdesisyon ang matanda ay pumapayag kaagad si Cloud pero ibang iba ito ngayon.

"Are you yelling at me?"

" Tell me! Where is she?! Tell me!!" Galit na galit na sigaw ni Cloud

"She's gone! Hindi mo na siya makikita pang muli! At ito ang itatak mo sa utak mo Cloud, ako ang masusunod dito!"

Bigla namang nandilim ang paningin ni Cloud at malakas na hinila ang mga nakaposas niyang mga kamay.

Mabilis na napaupo si Cloud at masamang tiningnan ang matanda sa kanyang harapan

"I will kill you!!" Sigaw niya at nagwawala na. Nagulat man ang matanda sa sinambit ng kanyang nag iisang apo ay binalewala niya ito at tumalikod na para umalis sa lugar na ito.

"Bantayan niyo siyang mabuti. Siguraduhin niyong hindi siya makakawala! Naiintindihan niyo?" Utos nito sa mga tauhan na nagbabantay. Napatango na lang naman ang mga bantay.

Pumasok sa isang madilim na silid ang matanda at napabuntong hininga na lamang.

Tiningnan niya ang mga picture ng kanyang mga anak na masaya pa sa mga litratong ito at mabilis namang tumulo ang kanyang mga luha.

"Kung sana nandito pa kayo, siguro masaya tayong magkakasama mga anak ko. Kung sana hindi niyo nakasama ang mga iyon ay buhay pa kayo hanggang ngayon"

Napapikit na lamang ang matanda at inalala ang mga nakaraang masayang balik-balikan lalo na ang mga panahong masaya at buo silang pamilya.

"Kahit anong mangyari, igaganti ko kayo sa mga Ramirez at Santillan. Hinding-hindi ko sila titigilan hangga't hindi nauubos ang lahi nila" galit na saad ng matanda at niyakap ang litrato ng kanyang mga anak.

Napatingin din naman siya sa litrato ng kanyang nag iisang apo, si Cloud. Mahigit pitong taon pa lang si Cloud sa litratong ito pero makikita mo sa mga mata niya ang lungkot at walang saya katulad ng ibang mga bata.

"Apo ko, sisiguraduhin kong mawawala sa dugo mo ang dugong Ramirez. Hindi ako papayag dahil ako lang ang nag iisang pamilya mo, Ako lang"

*********************

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن