Chapter 17

807 23 1
                                    

Jiro's POV

"Sige, Kyle. Alis na ako." sabe ni Rina sabay lakad paalis. Pero bigla siyang tumigil at humarap nanaman sakin.

"Bukas na pala alis ko. Wag mo na ako ihatid. Bye~" sabe niya sabay lakad na ulet paalis. Tss... Ang feeling talaga ng babaeng yun. Napailing nalang ako.

*beep*

Tumunog yung phone ko.

1 message received

FROM: Rain

Bro, dito kami cafeteria. Punta ka na dito.

-end-

Ay sa wakas tapos na din klase nila. Kanina pa ko naghihintay sakanila. Tumayo na ako at naglakad papunta sa cafeteria. Nang makarating ako agad ko din sila nakita. Di naman ganun kahirap kasi ang ingay ni Rain. Naglakad na ako papunta sa kanila. Pero bago yun, nahagip ng mga mata ko sila Akira. Kumakain sila at naguusap. Hindi ko na siya masyadong nakikitang ngumingiti. Dahil ba yun sakin? Malamang, Jiro! Ikaw lang naman ang dahilan sa pagbabago ni Akira e.

Umupo ako sa tabi ni Lucas. "Oh! Bakit ganyan mukha mo? Kakabalik mo palang sa school e." sabe ni Rain. Di ko siya pinansin at kinuha yung softdrinks niya.

"Uy! Akin yan!" tinignan ko nalang ng masama si Rain. Napakamot naman siya ng ulo.

"Bakit parang bad mood ka nanaman?" tanong ni Lucas.

"Si Rina, aalis na pabalik ng Korea." walang gana kong sabe. "Oh? Edi dapat magpakasaya na tayo!" sabe ni Rain.

"Di ba dapat masaya ka? Bakit parang ayaw mo umalis si Rina?" Lucas. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Masaya ako. Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ganito ako e." sabe ko sabay inom ng softdrinks.

"E ano?" sabay na sabi nilang dalawa. I sighed.

Napayuko ako. Ayoko naman talaga kasi pagusapan e. Masakit din kasi sakin ang nangyari. Yung mga sinabe ni Akira, masakit sakin marinig ang lahat ng yun. Pero alam kong tama din siya. Ako naman din kasi ang dahilan kung bakit kami umabot sa ganito. Kahit ba gusto kong baguhin ang nakaraan e hindi ko magawa.

"Huy! Natulala ka na jan." I snapped out. Nakita ko silang dalawa na nakatingin lang sakin. Napailing nalang silang dalawa. "Si AM nga." sabay nilang sabe at tumawa pa.




Sa wakas at uwian na. Haist, nakakapagod din talaga magaral. Naglakad na ako papuntang parking lot.

Nandito pa pala siya? Bakit kaya di pa siya umuuwi? Ugh! Kung di lang sana ako nagwalk out. Hay nako! Kung magsorry kaya ako? Ako naman din kasi may kasalanan e. Kung hindi ko ba siya kinukulit edi sana hindi siya napuno sakin. Masyado akong naging insensitive. Hindi ko manlang inisip ang nararamdaman niya.

Pumasok na ako sa kotse ko. Siguro dapat nga talaga ako magsorry sa kanya. Miss ko na kasi siya. Basta ba makalapit ako sa kanya at nakausap ko siya, okay na sakin yun. Makaalis na nga. Pinaharurot ko na yung kotse ko papuntang condo.

Nang makarating ako sa condo ko, nilapag ko kaagad ang bag ko sa sofa ko at pumunta sa kwarto ko. Humilata kaagad ako sa kama. Napaupo ako at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba gagawin ko?! Tsk!"

Hindi ako makaisip ng paraan para makahingi ng sorry kay AM. Sinusuyo ko naman siya noon kapag nagkakatampuhan kami, pero iba na kasi ngayon e. Hindi na kami. Ugh!

*ring* *ring*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.

Kuya Jack Calling...

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon