Chapter 6

1.3K 25 0
                                    

Akira's POV

"Nakakaasar talaga siya! Kapal ng mukha magpakita pa sakin!" Kanina pa yang si Candy. Di matigil ang bunganga.

"Ano ba problema mo ha, Candy?" inis kong tanong. Ang ingay kasi e. Kairita.

"E pano ba naman kasi! Yung Lucas na yun, kapal ng mukha para lapitan ako." I sighed at nagpatuloy nalang sa pakikinig ng music.

"Wag mo nalang pansinin. Mapapagod din yun." Sabe ni Sully.

"Sana lang! Sana mapagod na siya kaagad. Naiirita talaga ako sa presensiya niya." inis niyang sabe.

"Suuuus! E dati nga tuwing lalapitan ka niya di ka mapakali sa excitement." natatawa kong sabe. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Matagal na yun. Past is past, okay?" sagot niya. Hay nako, ewan ko ba sa babae na to.

"Wag mo nalang pansinin. Tignan mo si Sully, di pinapansin si Rain." sabe ko sabay tingin kay Sully. She tsked and rolled her eyes.

"E ikaw ba Akira, hindi ka pa ba kinukulit ni Jiro?" tanong ni Candy.

"Hindi. Kaya nga good mood ako e. Buti na rin yun, dahil ayoko maging bitter." pangaasar ko.

"Ayaw maging bitter? Magiging bitter ka din, soon." pangaasar ni Candy. Loko tong babae na to.

*beep*

Bigla naman tumunog yung phone ni Candy.

"Ano? New boy for the week?" tanong ko. She nodded.

"Bago nanaman? Di ba pwede kahit isang linggo lang wala kang bagong lalake?" sabe ni Sully.  

If I know, ginagawang panakit butas lang ni Candy ang mga boys niya. Buti nga siya for a week e. Yung iba jan, mga 2 o 3 araw lang. Minsan nga isang araw lang e. Kahit against kami sa ginagawa niya wala naman kami magawa kasi alam naming yan ang way niya para mapagaan ang loob niya. Kahit gusto niyang gantihan si Lucas di niya magawa kaya sa ibang lalake niya binubunton. Ilang beses na namin siya pinagsabihan, ayaw makinig samin.

"I gotta go. See 'ya later." sabe ni Candy sabay flying kiss. May date nanaman siya.

Candy's POV

Pagkatapos kong iwan sila Akira agad na akong pumunta sa park. Dito kasi kami magkikita ni Kevin. Pagkarating ko sa park, agad ko naman siya nakita. Nakikipag laro siya sa mga bata. Hindi yung as in pang bata na laro. He's like a big brother playing with his little siblings.

I smiled. "Kevin." tawag ko. Lumingon naman siya. He smiled. Naglakad ako palapit sa kanya. "Hey." sabe niya sabay hapit ng bewang ko at halik sa pisngi.

"Eww!" napatingin naman kami sa mga bata. We softly laughed. Lumuhod ako para pantayan yung mga bata. "Hello there." bati ko sa mga bata. 4 sila. 2 babae at 2 lalake.

"Hello, po." bati nila. I smiled. "Ang kyu-kyut niyo naman."

"Thank you po!" sabay sabay nilang sinabi at ngumiti. Tinignan ko naman si Kevin. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Tumayo na ako.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya. "Well.... actually, nung tinext kita nandito na ako." sabe niya.

"Tara, upo muna tayo. Ah, kids? Mamaya nalang tayo maglaro ha? Nandito na kasi ang hinihintay ko e." nakangiti niyang sabe dun sa mga bata. Umupo na din kami sa may bench.

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon