Chapter 2

1.5K 33 0
                                    

Candy's POV

"Narinig niyo ba ang balita? Dahil daw sa babae kaya umalis ng bansa ang Kings." sabe nung babaeng feeling maganda. Ang kapal naman ng make-up mukha na siyang clown sa lala.

"Oo nga e. Totoo kaya yun? At sino naman kaya yung babaeng yun?" sabe naman nung isa na puro Hello Kitty ang gamit.

"Ano ba yan, wala na bang alam ang mga tao dito kung hindi magchismisan?" inis na sabe ni Akira sabay salpak ng earphones. Nandito kasi kami sa Garden. Nakahiga kami sa damo. Tinignan ko si Sully na nagbabasa lang ng libro. Ang boring naman!

Pinikit ko ang mga mata ko. Ang sarap dito. "Guys! Good news! Makikita na daw natin ang mga Kings next week." napapikit ako ng madiin. Next week?

"Parang ang bilis naman ata? Pero okay lang yun! Gusto ko na kasi sila ulet makita e!"

"Makikita na natin ang tatlong Kings. King Kyle, King Lucas at King Rain." napamulat naman ako sa sinabe niyang pangalan.

KING LUCAS?! ANO!?

Pati si Sully mukhang nagulat sa narinig niya. Si Akira naman, chill lang at naka earphone pa rin. Di siguro narinig yung mga pangalan. Nagkatinginan kami ni Sully. Umiwas din siya kaagad ng tingin.

Oh no! Pano na to? Bakit kasi sila pa ang mga Kings? Pero... baka naman kapangalan lang? E grabing coincidence naman nun.

King Lucas at King Rain?! Sana hindi sila yun! Ayoko na siya ulet makita. Move on na ako! A-YO-KO na!

Akira's POV

Bat parang may mali? Bat parang ang tahimik nung dalawa. Ay nagtaka ka pa Akira. Si Sully tahimik talaga. Pero si Dee? Ano nangyari dito?

"Hoy, Candy! Bat ang tahimik mo ata?" tanong ko kay Candy. Pero mukhang di niya ako narinig. "Candy? Candy!" tawag ko.

"H-Huh? Ahm.... May sinasabe ka ba, Akira?" ano nangyayari dito? "You okay?" tumango lang siya. Tinignan ko si Sully. Nagbabasa lang siya ng libro. Um.... okay?

"Ano bang nangyayari?" inis kong tanong.

"Um.... Akira, lipat tayo ng school? Pwede pa naman e. Ano? Tara?" kumunot ang noo ko sa sinabe niya.

"What? Lilipat? What's got in to you, Dee?" biglang nagdilim ang paningin niya.

"Don't call me that." malamig niyang sabe. Ayaw nga pala niyang tinatawag siyang 'Dee'.

"Bakit? affected ka parin? For pete sake, Candy. 3 years had passed. Move on!" inis kong sabe. Hindi siya sumagot. Nakatungo lang siya.

I sighed. "I'm sorry. Alam kong sensitive parin ang topic na to sayo. Pero please, stop hurting yourself. Move on na. Forget him." mahinahon kong sabe. She shook her head. "Pano ko siya makakalimutan kung may malaki pang chance na makita ko siya ulet?"

"Ayoko na siyang makita dahil kapag nakikita ko siya, bumabalik ang sakit na naramdaman ko. I.... You know how much I loved him." malungkot niyang sabe. "Tanga ka kasi. Pinairal mo yang puso mo kesa gamitin ang utak mo!" harsh na kung harsh. Ganyan ako magcomfort ng tao. Sinasampal sa kanila ang katotohanan. "Alam ko. Alam ko." humahagulgol na siya.

"Tara na nga. Wag ka na umiyak jan. Magta-time na. Wag nalang natin i-bring up ulit yung about sa past." sabe ko sabay hila sa kanila. Yung sinabe "Pano ko siya makakalimutan kung may malaki pang chance na makita ko siya ulet?"

Meron pa nga ba? May chance pa rin ba na makita namin sila? Sana wala na. Pagkapasok namin sa room umupo nalang kami kaagad sa usual seat namin. Puro pa rin sila chismisan. Di ba napapagod mga taong to?

"Rinig niyo? Next week na daw dating nung mga hari." rinig kong sabe nung lalake sa likod namin. Pati ba naman mga lalake nagchi-chismisan na? What the hell?

"Oo, balita ko nga. Psh. Dadating nanaman ang mga mayayabang na yun. Tsk." sabe nung kasama niya.

"Oo nga e. Mas lalo na ang, Rain na yun. Puta!"

Rain? Tinignan ko si Sully. Nagbabasa parin ng libro. Pero baka naman hindi sila yun.

"Oo nga e! Pati na yung Kyle na yun. Ang angas ng mukha. Sarap basagin. " Napatigil ako dun sa sinabi nung isa. Kyle? Di kaya.... pero imposible. Pano naman niya makikila sila Rain at Lucas? Magbestfriend sila Rain at Lucas. Pero baka hindi siya yun. Malabo mangyari yun.

Mga ilang minuto lang e dumating na din ang prof namin.

After Class

After ng klase agad kami pumunta ng starbucks. "Ano gusto niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Libre mo kami?" nakangiting tanong ni Candy. I rolled my eyes. "Fine. Dali na, ano?" tanong ko. Pumalakpak naman si Candy.

"Chocolate chip!" sabe ni Candy.

"Capuccino." tipid na sagot ni Sully. I nodded. Naglakad na ako papunta sa counter. Pangatlo ako sa pila kaya tumingin tingin lang muna ako sa paligid.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may mahagip ang mga mata ko. Siya ba yun? I blinked twice. Nawala.

Huh? I looked around. Wala. No sign of him. Binalik ko nalang ang tingin ko sa counter. Baka namamalik mata lang ako. Imposible na nandito siya. Pero.... baka namamalik mata nga lang ako. Tama.

Umusod na ang pila kaya naglakad ako paabante. Hindi pwedeng siya yun. Tama. Stop thinking, Akira. Hindi siya yun.

Bakit ko pa ba siya iniisip? Affected pa? NO!

Sana nga hindi siya....

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon