Chapter 37

745 13 0
                                    

Sully's POV

"Dito mo talaga ako naisipang dalin, ha?" taas kilay kong tanong kay Rain. Napakamot nalang siya ng ulo. "Eh, wala na kasi akong maisip e. Atsaka madalas na nasa bahay lang tayo at nagmo-movie marathon noon. Kaya bago lang to sakin."

"Bakit, wala ka bang dinate nung nakaraang taon?"

"Ha? Wala ah! Alam mo namang ikaw lang ang hinihintay ko e. Atsaka tanong mo pa sila Jiro at Lucas. I never dated again after nung break up naten." nakayuko niyang sabe.

I sighed. "Wala ka pa bang balak sabihin sakin ang totoong nangyari noon? You do know na gusto kong malaman diba?"

He sighed. "Okay. Wala naman akong choice e. Pero pede kumain muna tayo? Habang kumakain ikwe-kwento ko sayo." I nodded.

Pumunta kami dun sa mga kainan. Yung stands lang. Umupo ako dun sa chair at hinintay nalang siya. Matagal ko ng hinihintay na sabihin niya sakin ang nangyari noon. Siya lang talaga ang hinihintay ko. Pero kapag naiisip ko yun, na bwi-bwiset ako. Ikaw ba naman makita mo ang boyfriend mo na may kasamang hipon sa condo niya. Kainis talaga. Pero iintindihin ko naman ang magiging paliwanang ni Rain. I just wish hindi ganun kasama ang ikwe-kwento niya. Baka kasi di ako makapag pigil e masapak ko na siya.

Nakita ko nalang na naglalakad na siya papunta sakin may dalang tray. Nang makarating siya agad niyang nilapag yung tray at umupo. Inabot muna niya sakin yung pagkain ko bago nagkwento.

"Okay. Eto kasi nangyari...." ayan na sisimulan na niya.

FLASHBACK

Rain's POV

Nalasing kami ni Lucas. Di naman talaga namin itensyong maglasing e. Kaso, pinainom kami ng pinainom nila Mark.

"Nahihilo na ako." mahina kong sabe. Napapailing nalang ako.

Natigilan ako ng maramdaman kong may tao sa harap ko. Triny kong linawin ang paningin ko pero di ko magawa. Naaninag ko pa naman siya at alam kong babae ang nasa harap ko.

Bigla nalang niya ako hinawakan sa braso at tinayo. "T-Teka... san mo ko... balak dalin?" mabagal kong sabe.

"Sa... langit?" napakunot naman noo ko sa sagot niya. Shit! Papatayin ata ako nito e. Shit. Baka isa to sa mga flings ko na di parin makagetover sakin.

"Teka... b-bitawan mo k-ko." sabe ko. Pilit kong pinabibitaw yung babae pero ayaw niya. Atsaka, nanghihina na din ako.

Inakyat niya ako sa hagdanan. Hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto. Hiniga niya ako sa higaan. Napapikit naman ako at medyo inaantok na.

Naramdaman ko nalang na may gumagapang na kamay sa katawan ko. "Ugh." pipigilan ko sana kaso... hilong hilo na ako. Wala na akong lakas.

Nagulat nalang ako ng maglapat ang labi namin. Hinahalikan niya ako. Sino ba to? "Hmm... mas maganda siguro kung sa condo mo nalang tayo." rinig kong sabe niya.

Umalis siya sa kama. Rinig kong may tinawag siya. Ramdam ko namang may bumuhat sakin at bumaba kami papunta sa parking lot.

Shit. What's happening? Ramdam ko nalang na nasa kotse na ako at umaandar na. Ewan. Inaantok na talaga ako.

Medyo nagising ako ng maramdaman kong hiniga ako sa kama. I groaned. May nagtanggal ng sapatos ko at may unti-unting gumapang sa katawan ko.

Hanggang sa may umupo sakin. "Rain." she seductively said. I groaned again.

Naramdaman ko nalang na naglapat ang mga labi namin. I kissed her back. And I don't know why.

Hanggang sa.... di ko na maalala. Kinaumagahan nagising nalang ako ng may sumampal sakin.

*pak*

"L?" banggit ko. Umiiyak siya.

Napa-upo ako sa kama. Nakita ko si Louisa na nakatayo at namumula ang pisngi. Kumot lang ang nakabalot sa kanya. Nakaboxers naman ako.

Shit. Bakit ganito ayos namin?! Wala akong maalala! Tumayo ako at aakmang hahawakan siya ng sampalin niya ulet ako.

"Bwiset ka! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako?! AT SA HIPON PA!" tinignan niya ng masama si Louisa.

"Anong hipon?! Ang kapal mo ha! Ikaw naman nerd! Tsk. Rain, babe. Pagtanggol mo ko." kumapit siya sa braso ko. Pero tinanggal ko.

"Lumayo ka nga sakin! Bwiset kang linta ka! Tigilan mo na ako!" galit kong sabe. She flinched.

"Siguro... di lang to ang una, noh?" tanong ni Sully. Kumunot naman ang noo ko sa sinabe niya. "Hindi lang to ang una na may mangyari sa inyo." nanlaki ang mata ko sa sinabe niya.

"L! Hindi. Wala pang nangyayari samin atsaka ganyan ba talaga tingin mo sakin? Ikakama lahat ng babae?" medyo nainis ako sa sinabe niya kasi di pa rin nawawala ang image kong ganun sa kanya.

"Rain, wag ka na magsinungaling. Aminin mo na sa kanya na may nangyari na din satin noon." tinignan ko ng masama si Louisa.

"Sinungaling ka talaga. Break na tayo Rain Lance Zamora!" pagkasabe niya nun tumakbo na siya paalis.

Humarap ako kay Louisa. "Kapag tuluyang nakipag break sakin si Sully, hinding hindi kita mapapatawad at ibabagsak ko ang company ng mga magulang mo! Sinasabe ko sayo." banta ko sa kanya. Kinuha ko yung pantalon ko at tshirt.

Pagkabihis ko sinundan ko si L.

Pero.... di ko na siya naabutan pa.

END OF FLASHBACK

"So... yun. Yun ang nangyari." sabe ko habang nakatingin lang sa pagkain.

Natatakot ako. Baka magalit nanaman sakin si Sully e. "I believe you." napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. "Sorry din kasi di kita pinaniwalaan. Alam mo namang sensitive ako diba? Atsaka, first time lang nangyari sakin yun." mahina niyang sabe.

I chuckled. "It's okay. I understand. " nakangiti kong sabe.

"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya. She nodded.

"Tara. Sakay na tayo sa rides." nakangiting tumango siya sakin.

I'm glad na okay na kami ulet.


Sully's POV

Masaya ako na okay na kami ulet. Masaya din ako na di ganun kasama ang kinwento niya. Medyo nagi-guilty nga lang ako kasi saming dalawa, siya talaga ang nagsuffer ng todo. Pero masaya na talaga ako kasi kami na ulet. Siya lang naman ang lalaking una't huling mamahalin ko.

I know right. You can't believe those word are coming from me. I get it.

Cheesy masyado!

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon