Chapter 13

940 26 0
                                    

Akira's POV

"Hay sa wakas at magaling ka na, Akira." sabe ni Candy.

"Grabe ah. Kung makapag salita ka parang ikaw ang nag-alaga kay Akira ah." pangaasar ni Sam kay Candy.

"Che! Ewan ko sayo." Hay nako, tong dalawang to talaga.

"Kayo talaga. Tumigil na kayo. Para kayong mga bata." sita ko. Mas gusto ko pa sana magstay sa bahay e.

Naalala ko parin kasi yung nangyari nung nakaraang araw. A half of me saying na tama lang ang ginawa ko, pero the other half... nagsisi sa mga sinabe ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Nakakabaliw talaga!

"Uy! Akira, nakatulala ka na." sabe ni Candy while snapping her fingers infront of my face.

"H-ha? Wala." sabe ko sabay pilit na ngumiti. They gave me weird stares. I pouted. "Wala nga." sabe ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata nila.

"OMG! Akira's back!" sabe ni Candy sabay yakap sakin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabe niya.

"What? What do you mean...."

"You pouted! You always do that before. Pero nung nangyari nga yung... you know e bigla ka nalang nagbago." natutuwang sabe ni Candy. I bit my lower lip. Talaga bang nagbago ako? Hay...

Pakiramdam ko may nakatingin sakin. Lumingon ako at nakita ko si Sam na nakatitig sakin habang nakangiti. Napataas tuloy ang kilay ko ng wala sa oras. "Oh? Bakit titig na titig ka jan?" mataray kong tanong.

"Ay? Nagbalik nanaman? Hayy...." sabe ni Candy. Di ko nalang siya pinansin.

"Oh? Ano? Baka matunaw ako." mataray ko paring sabe kay Sam. He chuckled. "Edi maganda. Dahil titig ko ang nakapag patunaw sayo." sabe niya sabay kindat. Ang corny niya.

"Yeah. Whatever. Hanap ka kausap mo." sabe ko sabay buklat ng libro ko.

"*laughs* Barado! Yan kasi." pangaasar ni Candy. Kahit si Sully e natatawa na din.

Napakamot naman ng ulo si Sam. "Grabe naman. Hirap magisip ng pick up line ah." sabe niya sabay pout. I rolled my eyes.

*flash*

Ano yun? Parang may nagflash? Tinignan ko yung paligid ko. Wala namang may hawak ng camera.

What was that?



"Uy! Forever 21! Daliiii..." sabe ni Candy sabay takbo. Hay nako.

Dito kami sa MOA. Natripang magmall ng mga to e. Napailing nalang kaming apat. Kasama rin namin si Kevin. Ewan ko ba sa dalawang yun. Mukha namang gusto nila ang isa't isa. Kasi si Candy di parin kayang pakawalan ang nakaraan niya kaya ganun.

I sighed. "Oh? Bakit nagbuntong hininga ka nanaman jan." sabe ni Sam. Napatitig ako sa kanya.

Bakit ba di kita kayang mahalin? Bakit ba siya parin? Gustong gusto ko na siyang kalimutan. Naawa na din kasi ako kay Sam. He's been there for me all through these years pero di ko parin kayang suklian lahat ng ginawa niya para sakin. I really love him as a friend... and as a brother.

"Uyy... napapatitig ka sakin. Nako! Baka crush mo na ako ha." pangaasar niya. I smiled at hinampas siya sa braso. "Asa." nakangisi kong sabe.

He chuckled. "Yan. Mas bagay sayo nakangiti. Kung ano namang iniisip mo kalimutan mo muna, ha? Let yourself have some fun. Okay?" I nodded. Tama siya. I should forget my problems, kahit ngayon lang.

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon