Umiling ang kasambahay sa sinabi niya.

"Pasensya na ho. Mariin po kasing bilin sa akin na hindi po muna sila tatanggap ng bisita. Nagluluksa pa ho sila. Bumalik na lang po kayo sa ibang araw."

"Makinig ka, Miss. Kailangan ko silang makausap sa lalong madaling panahon."

"Pasensya na po talaga pero pinag-uutos ni-"

"Sa opisina ko binaril si Attorney Bustamante at may mahalaga siyang sinabi sa akin." Pamumutol niya.

Natigilan ang kasambahay at walang imik imik nitong sinara ang gate at pumasok na sa bahay.

Napapikit si Samuela at sumandal sa gate. Marami siyang tanong sa isipan niya. Handa na siyang umalis ng bumukas ang gate at niluwa noon muli ang kasambahay.

"Pumasok daw po kayo, Ma'am." Anito.

Sumunod siya sa katulong na agad siyang pinaupo sa sala kung nasaan ang mga magulang ng namayapang abogado.

"Magandang araw po, Mr. and Mrs. Bustamante. Ako po si Atty. Samuela Montecillo at ako po ang kausap niya noong binaril siya." Pagpapakilala niya.

Tumango ang dalawang matanda at tiningnan ang kasambahay.

"Magdala ka ng makakain, Linda." Utos ni Mrs. Bustamante.

"Bakit ka napadalaw rito? May alam ka ba sa maaaring gumawa nito sa anak namin?" Tanong nito.

"Sa totoo lang po... wala rin po. Hindi ko po alam kung bakit napadpad sa opisina ko noong araw na iyon ang anak niyo. Hindi ho kami magkaibigan noong kolehiyo at minsan lang kaming magkausap."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Tahimik na kinuha ni Atty. Montecillo ang isang pirasong papel na may numerong binigay ni Atty. Bustamante at iniabot ito sa mga magulang niya.

"Hindi ko po maintindihan pero binigay niya ang mga numerong iyan. Kaya po ako pumunta rito para tanungin kayo kung may alam ba kayo na maaaring maging ibig sabihin niyan?"

"Hija, hindi ko rin alam. Walang nabanggit na kung ano ang anak ko tungkol sa trabaho." Ani Mrs. Bustamante.

Malungkot na huminga si Samuela. Para bang sa pagdaan ng araw, lalong lumalabo ang lahat sa paligid niya.

"Pero napapansin naming mag-asawa na nababawasan na ang paglabas nila ng asawa at mga anak niya. Palagi niyang pinagbabawalan ang mga ito na gumala at nagiging balisa din siya sa simpleng bagay. Para bang... hindi na siya ang dati kong anak. Ramdam kong may tinatago siya." Pag-amin ni Mr. Bustamante.

Tumango si Samuela. Hindi na bago iyon, may alam ito at nag-iingat. Ang hindi niya maintindihan ay bakit siya ang dinalaw nito bago mamatay imbis na ang pamilya niya?

"Nalulungkot ako, Attorney. Alam kong hirap na hirap si Adolf bago mamatay pero hindi niya pinaalam sa amin. Kaya noon pa man, sinabi ko na huwag na siya magtrabaho doon sa amo niya kasi kung anong mga ilegal na gawain ang pinapasok."

Natigilan si Samuela. Ilegal? Ano'ng ilegal ang ginagawa ng mga Castaño?

"Melinda!" Anang tatay ni Adolf, hudyat sa pagpapatigil sa asawa.

Tumikhim ang matanda at tipid na ngumiti. Uminom si Samuela sa tubig at tumayo na.

"Salamat po sa inyo. Mauuna na din po ako at may dadaanan pa po akong kliyente."

Naglahad siya na agad namang tinanggap ng mga ito. Hinatid siya ng katulong sa labas.

Pumara siya ng taxi at sumakay papunta sa ospital kung nasaan dinala sina Cynthia at Frederick. Dumiretso lang siya sa ICU kung nasaan ang dalaga.

Battle Scars (Querio Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن