Chapter 17: Mac & Cheese Under The Stars

14K 387 16
                                    

    

Chapter 17

Nadine’s POV

    Muntik na akong madapa papuntang kwarto ko. Parang sobrang layo ng tinakbo ko nang makarating ako sa loob. Sinara ko agad ang pinto at sumandal habang iniisp pa rin ang kung anong kababalaghan ang nangyari kanina. Tuluyang bumigay ang katawan ko at marahas akong bumagsak paupo habang nakasandal pa rin sa pinto. Kinapa ko ang mga labi ko; parang manhid na ang mga ito. Hindi pa rin makapaniwala ang utak ko na naghalikan kami ni Godzilla ng bongga. Iniisip ko pa lang si Claire nagwawala na ang puso ko, paano pa kaya kung makita ko siya? Juice colored! Mahihimatay ako!

    Tumayo ako kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod ko at kamay ko. Marahas kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at niyakap ang unan sa may uluhan ko.
    "Ano bang nangyayare? Bakit niya ko- Bakit niya-  AGHHH!" parang inimighty bond ang mukha ni Claire sa utak ko. Ang mga matingkad na berde niyang mga mata, mamula-mula niyang mga labi. Nasamid naman ako bigla nang ma-realize kong pinapatansya ko si Godzilla. Napaupo ako sa kama habang yakap pa rin ang unan ko.
     "Psh. Sigurado ako wala lang sa kanya yung nangyare," wika ko sa sarili ko, "Yun pa? Eh sa dinami-dami niyang kakissing scene na bibigating mga artista?" nairita ako bigla nang maimagine kong may kahalikan siyang iba. Pwe! Nadine, anong nangyayare sa'yo? Eh ano naman kung may ka-kissing scene siyang iba? Trabaho niya kaya yun? Duh!


   Humiga ako ulit at pinanood ang mala-kapeng kulay na kisame. Alas-una na ng umaga nang mapansin ko ang oras. At wala pang balak na pumikiti ng mga mata ko. Bigla kong naramdaman ang gutom.
   "Siguro dahil konti lang ang kinain ko kanina," pumaupo ako habang yakap pa rin ang unan at tinitignan ang pinto na para bang delikado kapag lumabas ako mula roon.
    "Pero gutom na talaga ako," nag-pout ako. Dahil sinisigawan na ako ng tiyan at mga laman loob ko. Pati mga alaga kong bulate pinapagalitan na ko. Bago ako tuluyang nagbalak na lumabas naligo muna ako at nagbihis pantulog. Tumayo ako sa harap ng pinto at parang nagdadalawang isip na buksan ito.
    "Hm, bakit ako kinakabahan?" bulong ko sa sarili ko. Sana tulog na si Claire. Binuksan ko ang pinto, "Psh. Malamang humihilik na yun sa kama niya at sarap na sarap sa tulog. Habang ako, hindi makatulog--" bigla akong natigilan nang mapatingala ako sa taas; sa direksyon ng kwarto ni Claire. Saktong katapat ng pinto ko ang pinto niya sa taas at nalaki ang mga mata at butas ng ilong ko nang makita ko ang pagmumukha ni Claire na mukhang kalalabas pa lang din kwarto niya nang makita niya ko. Nagtinginan kaming dalawa ng pagkandatagal at day, nakakangalay sa leeg yun, kaya ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon at yumuko. Ilang segundo lang nang ibalik ko sa kanya uli ang mga mata ko; nakatingin pa rin siya sa akin, hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Heto na ba? Mahihimatay na ba ko?
    "P-Pwede ba akong kumuha ng pagkain sa kusina mo? P-Pramis babayaran k--"
    "No. You don't need to. Just-- Just feel free to eat anytime," agad-agad na akong dumeretso sa kusina nang sabihin niya sa akin yun. Tama ba ang nadinig ko? Tama ba ang dinig ko? Hindi naman ako nabingi kanina diba? Kinuha ko agad ang Macaroni and Cheese sa ref at inilagay sa micowave. Nailang tuloy ako baka dito pumunta yun.
    "Bakit ba hindi pa tulog yun ha?" nakonsensiya tuloy ako at nag-init na ng pandalawang tao. Kahit na nahihiya ako ng sobrang sobra na bongga, nilakasan ko pa rin ang loob ko at hinanap ko siya para ibigay ang pagakain niya. Pagkatapos non siyempre takas agad ha, Nadine?

    Hinanap ko siya sala pero wala. Inisip ko naman baka pumunta siya sa kusina pero wala. Sa'n naman kaya pumunta babaeng yun?
    "Di kaya pumasok na siya sa kwarto niya?" Umakyat ako sa taas pero nagdalawang isip akong kumatok. Akmang pabalik na ako ng kusina para kainin ang mga ininit ko nang malinga ako bigla sa may balcony at nakita ko doon ang hinahanap ko. Sa tabi niya may malaking telescope na nakatingala sa madilim at mabitwaing langit. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto gamit ang katawan ko habang iniingatan ang mga dala kong plato. Mahirap na, baka pati ito mabasag ko din.
    "Uhh," ang nasambit ko lang para makuha ang atensyon niya. pero parang walang siyang nadinig kaya mas nilakasan ko pa, "Ahem," pero wala pa rin. "AHEM!" naisigaw ko bigla. 
    "Ganyan ba kakati ang lalamunan mo, Nadine?" banat niya.
Maisupalpal nga 'tong plato sa pagmumukha ng lokang 'to. Kanina pa pala niya ko nadidinig hindi man niya pinapansin? Lumingon siya sa akin habang suot ang pagkandalawak niyang ngiti; malawak pa sa rice terraces. Nahiya ako bigla kaya binaba ko ang tingin ko. Tumambad naman sa akin ang mga mahahaba at makikinis na binti ni Claire. Mukhang nakapagbihis na siyang pantulog at preskong presko na.
    "Hey," nasamid tuloy ako. Napansin niya kaya? Tokwa't baboy naman. Kakahiyuh!
    "Where are you looking?" wika niya. Namula naman ako bigla.
   "So, feeling mo pinagnanasaan kita, ganon?" Palusot ko tsaka sabay irap. Napangiti na lang siya.
    "Well, hindi ba?" pang-iinis niya. Aba lokang 'to ah? 
    "Ano yang dala mo?" panunukoy niya sa dala kong mga pagkain.
   "Uh, bigla kasi akong nagutom kaya nag-init na ako ng pagkain," natigilan ako at napalunok, "tapos naisip kita kaya nag-init na ako ng pandalawang tao," tumingin ako sa ibang direksyon. Na-conscious tuloy ako baka kahit gabi kita pa rin ang pamumula ko.
    "Ahh," ang sabi lang niya. Bakit naman ang tipid ng sagot ng babaitang ito? Napatingin ako bigla sa kanya. Tumambad sa akin ang ngiti niyang kay tamis. Ang naging susi sa kulungan ng puso ko upang makawala at magwala. 
"Come here, may papakita ako sa'yo," sambit niya. Ano naman kayang balak nito? Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tinignan ko lang siya na parang wala akong nadinig.
     "Why are you still standing there? Come here," wika niya habang sinesenyasan ako na lumapit sa kanya. Binaba ko muna ang dalawang plato sa maya lamesita na malapit sa akin. Lumapit ako sa kanya pero konti lang.
     "Nadine, come here or else," pagbabanta niya, "Or else bubuhatin kita papunta rito." sambit niya. napaismid naman ako bigla at namula. Ano bang ginagawa mo saken Claire?
     "A-Ayoko nga!" patabog akong lumapit sa kanya at nang halos isang braso na niya ang layo namin sa isa't isa; marahas niya kong hinila papunta sa kanya. 
    "I'll show you something," napatingala ako sa kanya habang nakakulong pa rin sa kanyang bisig. Heto nanaman ang mga mata niyang kay ganda! Isa 'tong bitag, Nadine!

     Naputol lang ang pagtititigan namin nang i-guide niya ko sa gahiganteng telescope niya. Grabe, ngayon pa lang ako nakakita ng ganito kaya medyo na-excite ako.
    "look," turo niya sa silipan ng telescope niya. At siyempre, sumilip ako. Hindi ako nagsisi; isang maliwanag na kalawakan ang nasilip ko; medyo nakahagip din ito ng isang planetang mamula-mula. Grabe, ang ganda.
    "Pretty isn't it?" sambit niya sa isang malambiing na tono. Iniangat ko ang mukha ko sa kanya at tumangong nakangiti.
    "It's just amazing how trillion of sparkling stars can make the empty and dark sky brighter and unempty," wika niya habang nakangiti sa magandang kalangitan. Pati ako napatingala na rin. Napakaganda nga naman.
    "Nadine," pabulong na tawag niya sa akin. Pagkatingin ko sa kanya; biglang mas lumapit ang mukha niya kaysa kanina. Inakma kong lumayo pero hinawakan niya ang kamay ko. 
    "B-B-B-Baket?" nangungutal na tanong ko. Seryosong seryoso ang mukha niya.

    "I like you," 

    Biglang nagslow-mo ang paligid ko; ang paghinga ko, pagkurap ko at ang mga maiingay na tunog ng mga nagmomotorsiklo na gustong magpakamatay sa pagmamaneho. Hindi ko na inisip ang iba pang bagay sa paligid ko. Ang gutom ko. Ang Mac & Cheese. Ang mga bituin. Ang tanging inisip ko lang; gaano kaganda ang babaeng nasa harap ko; na mas nagning-ning ang presensiya niya kaysa sa magandang gabi. At kung gaano niya pinagwala ang puso ko sa tatlong salita na sinabi niya.
    "P-Paki ulit nga?" 

----------------------------------------------------------------------------------------------

'Sup? :) pasensiya na sa matagal at mabagal na pag-uupdate xD I'm sure sanay na kayo -.- Anyway, salamat sa walang sawang suporta niyo sa APNG guys :) 

READ VOTE COMMENT BE A FAN :)

harthart 
Author <3

"Wag kalimutan mag-VOTE ha? Teka, sabi ko pakiulit diba? AUTHOR NAMAN E! Bitin! (closes door)"

have some Nadine Martinez :)

Ms. CliffHanger -.- xD

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon