Chapter 24: Hindi Pwedeng Forever?

13.2K 327 10
                                    

Chapter 24

Nadine's POV

    Hindi pa rin talaga ako maka-get over dun sa sinabi ng tatlong yun sa akin kanina. Pagkatapos ba naman akong bugahan ni Fatima eh nakapagteleport agad sila. Nakapgbayad agad agad at nakaalis ang mga mokong?! Ni hindi man lang inexplain sa akin yung mga pinagsasabi nila sa aken? Che!

"Kilala mo yung mga yun?" Tanong ni Jhes sa akin habang nagpupunas ng lamesa. Tumango naman ako.

"Hay, mahabang storya," nagbuntong hininga ako.

"Ah, OK," bulong niya.

Buti na lang may mga customers na pumapasok kahit papaano sa resto para naman mailayo ko muna ang utak ko kay Godzilla at pati na rin sa sinabi ni Leah. Maya-maya, tinuruan ako ni Tita Ivy ng mga basics sa pamamalakad ng resto. Hindi pa man din ako magaling sa pag-hawak ng pera.

"Wag kang mag-alala, masasanay ka rin," payo ni tita. Ngumiti naman ako sa kanya. Alas-dyes na pasado nang maisipan naming isara na ang resto.

"Sige tita, ako na po," sabi ko kay tita Ivy. Tumango-tango naman siya habang nakangiti atsaka na naunang pumunta ng bahay. Nauna na din si Jhes kanina pa dahil pinaglinis siya ng bahay ni tita Ivy, kaya mag-isa na lang ako dito sa resto. Bigla akong kinabahan dahil lumamig ang timpla ng hangin dito. Tinignan ko yung bintana; hindi pa pala sila nakasara kaya pumapasok ang hangin sa loob. Nag-aalinlangan pa akong lumapit dahil nag-iba na ang pakiramdam ko.

Hala naku, minumulto kaya ako?

Maingat kong sinara ang bintana nang may makita akong pigura ng isang tao na nakatingin sa akin sa may di-kalayuan mula sa pinagdudungawan kong bintana. Kinilabutan naman ako. Naramdaman ko bigla ang takot. Mas binilisan ko pa ang pag-sasara ng resto. Napatingin naman ako sa pinto at akmang isasara ko na ito; laking gulat ko na lang nang may makita akong tao na nakapasok mula rito.

"S-Sino ka?!" napasigaw ako.

"H-Hey, relax! It's me!" Wika ng babaeng naka-sunglasses pa.

"Anong it's me, it's me ka diyan? Hindi kaya kita kilala!" Reklamo ko. Tinitignan ko lang siya habang daha-dahan niyang inalis ang sumbrero at salamin niya. Sumalubong sa akin ang mukhang hindi ko ninanais na makita; lalong-lalo na ang berde niyang mata.

"At paano mo nalaman ang lugar na'to?" Matigas kong saad sa kanya. Napansin ko naman ang tatlong ulo na nagsilitawan mula sa pinto. Sinalubungan nila ako ng nag-aalinlangan na ngiti.

"H-Hi, Nads," nangungutal na bati ni Andrei. Nag-init tuloy ang dugo ko. Feel ko tinraydor nila ako.

"At kayo pa talaga ang nagdala sa babaeng 'to dito, ha?" Baling ko sa kanila. Sabay-sabay silang nagsikatihan ng batok.

"Nadine, they've got nothing to do with this," pag-eexplain ni Claire.

"Siguro binantaan mo ang buhay nila noh?" Nararamdaman kong nakakunot ang noo ko kay Claire. Umiling-iling na lang siya.

"At anong dahilan kung bakit nandito, ha?" Tanong ko kay Claire.

"I want to talk," mahinhin na sabi niya.

"Talk? Talk? Aba kay lakas din pala ng loob mong kausapin pa ako pagkatapos ng ginawa mong pangagago sa aken? Diba sawa ka na aken? O ngayon gusto mo ng talk?" Panggagalaiteng saad ko sa kanya.

"I know, and I'm sorry," mahinang sabi niya.

"Ah ayun naman pala ee, edi pinapatawad na kita," umukit ang ngiti sa mukha niya.

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon