Chapter 6: The Contract

17.7K 409 17
                                    

Chapter 6

“WHAT?! Naiwan ang bagahe ko sa Manila?!” panggagalaiteng sigaw ni Claire. Pinaliwanag ni Nadine ang lahat ng naaalala niya tungkol sa bagahe ni Claire. Isang balitang hindi ninanais ni Claire ang narinig niya. Nako! Ano 'tong pinasok ko?! parating na ang dilubyo!! sa isip isip ni Nadine. Natahimik lang si Claire at halatang pinipigilan ang umaapaw na galit sa kanya. 

“Huy! Paparating na ang super typhoon Claire! Tumakbo na tayo!” pabulong na pagbibiro ni Leah kay Nadine. Actually seryoso pala siya.. Iniangat bigla ni Claire ang ulo niya tinignan si Nadine. Grabe (O.o) May super powers ata siya. Parang tinitignan niya pati kaloob-looban ko (T.T) Bumukas ang pinto't niluwa ang savior ko. 

“Salamat Doc (T.T)” 

“Ha? Wala pa kong sinasabi ha? Ahem! A-Anyway, miss Nadine, nandito ako para sabihin na after a week pwede ka ng lumabas. And... siguro after a week magkakaroon ka na ng idea tungkol sa pamilya mo. But don't push it too hard, ok?”

“Thank you po Doc.” Matapos ng mga oras na iyon, umalis na agad ang savior ko at napunta ulit ako sa impyerno (T.T) 

“UHHH! Alis na kame? B-baka kase nagaalala na mga pamilya namen ee, hehe” sabay biglang tayo ng tatlo. Binigyan ko silang tatlo ng “Ha?!-Iiwanan-niyo-ko?!” look. Sabay-sabay nila akong binigyan ng “Sorry” look atchaka "kaya-mo-yan-Nadine!" look.

“H-Huy! W-wag niyo kong iwan!” dali-dali silang lumabas at iniwan kaming dalawa ni Claire. Tengene naman ohh! (T.T) baka di na ko makalabas ng buhay dito!

“........” Tahimik lang na nakaupo si Claire sa tabi ni Nadine. Ayokong sabihin sa kanya pero hanggang dito naamoy ko siya sa isip-isip naman ng dalagang nakaupo sa kama.

“Uhh. Claire? B-Bakit hindi ka muna maligo? A-Andito naman bagahe ko. Papahiramin muna kita ng damit kung gusto mo.” Nakakatakot alokin 'tong babaeng 'to (>.<).. Iniangat niya bigla ang mukha niya. Na sobrang ikinagulat ni Nadine. There were droplets of tears coming from her bright green eyes. It was very unexpected. Pina-Pinaiyak ko si Godzill- ay este si Claire. Nakonsesyia ako bigla (-.-) Pinilit na tumayo ni Nadine mula sa kinahihigaan niya.

“W-Where are you going?” hinablot agad ni Claire ang braso ni Nadine.

“The doctor said you shouldn't push yourself too hard. Humiga ka muna.” dagdag niya.

“Kukunin ko lang ang maleta ko. Hindi ka pa naliligo diba?” 

“Humiga ka na. A-Ako na lang ang kukuha.” she rummaged through Nadine's luggage and then went straight for the bathroom. Kahit na mga pangmatanda yung mga damit ni Nadine basta makaligo lang. May biglang nahulog na maliit na papel mula sa damit na kinuha ni Claire.

“Huh? Ano 'to? Hm.. Baka kalat lang.” tinapon ni Claire ang papel sa basurahan atchaka naligo kaagad.

“Haaayy... sinong magaakalang umiyak si Godzilla?” Para talagang hindi si Claire na naririnig ko na sinasabi nila ang nandito. Hindi kaya may kakambal si Claire? Imposible. Wala namang kakambal si Godzilla. Nadine was having deep thoughts to herself when Claire suddenly showed up.

“Sinong Godzilla?”

“Ay Tortang Godzilla- Ano ba? Papatayin mo ata ako ee (-.-)” nagulat si Nadine sa ayos ni Claire. Maganda pa rin ang aktres kahit na mula pa sa ibang dinastiya ang suot niya.

“Anyway, What's up with your clothes? Parang ipinamana pa sayo 'to ng lola mo” 

“Wow. Wala ba sa bokabularyo mo ang magpasalamat ha? Teka. Lola? Pinamana? Parang... may naaalala ako.. pero.. medyo malabo pa rin” ang naalala lang niya ang pangalan ng lola niya pero pinamana? Hindi kaya may kinalaman yun kung bakit nandito ako sa Maynila?

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon