Chapter 27: Déjà vu

10.8K 235 2
                                    

Chapter 27



Claire's POV



"Are you both insane?!" Nathalie shouted.

"Insane or not," I paused, "Nath, we can't hide in here forever," I said gently while tightly holding Nadine's hand.

"OK, OK, I get it na ayaw niyong magtago mula sa reality or sa mundo forever but, hindi niyo ba pwedeng pag-isipan muna ng mabuti? I mean, I don't know, just," she threw her palm on her forehead and sighed with frustration, "Ako yung kinakabahan sa inyo eh," she said.

"Nath," I called her with a smile and cupped her shoulder, "Wag ka ngang kabahan, I thought you're with me on this?" I added. Tinignan niya kame ng may pag-aalala.

"Claire, I AM with you on this," she said along with a nervous sigh, "It's just that alam mo naman yung trabaho naten diba? Privacy is very important and it is so damn hard to keep, lalo na ikaw na pinakasikat na aktres dito sa pinas," sabi niya. Kinunutan ko siya ng noo at nginitian.

"So what?" I said with short giggle, "It's not like we're not going to be discreet about our relationship and I know sooner or later, malalaman at malalaman ng buong mundo ang tungkol sa kung sino talaga ako and I think it's better if it came from me, I just want you to be there and happy for us," I stated. She looked at me and listened silently. I smiled at her; she smiled back. She pursed her lips and looked at Nadine.

"Nadine," she called, "Take care of this crazy girl for me, OK?" she smiled, "Heck, you both are crazy!" she added and guffawed, "I'll always be there for the both of you," she held both of our hands and smiled.

"Teka, 'wag niyo kaming kalimutan," Napalingon kaming lahat kay Andrei; They were all smiling.

"Oo nga, ready na ready kaming sumabak sa ano mang laban! Ano? May reresbakan na ba tayo?" kwelang tugon naman ni Jhes. I heard Nadine giggled.

"Gaga! Hindi tayo mga gangster, noh! Pwera lang ikaw, mukha kang goon," Leah exclaimed with an open smile. Lumapit si Lheo sa amin at niyakap kaming dalawa.

"Basta ba Nadine at ma'am Claire, andito lang kame para sa inyo," Leah added.

"I'm happy for the both of you," he said, "Alagaan mo kapatid ko, ha?" he faced me, "I want you to promise that no matter what happens, you'll protect her," he said with a serious face, but he smiled afterwards.

"At ikaw Dingding," he pursed his lips.

"Kuya, Dingding pa rin?" she mocked.

"Parang kahapon lang nang mahuli kitang kinakain yung kanin na natapakan mo," he said with a smile. Nanlaki naman ang mata ko at natawa.

"KUYA!" she exclaimed in embarrassment.

"So much revelation is happening," I laughed. Nadine playfully glared at me.

"But seriously, you two, have courage, be strong for each other, OK?" he advised. We both nodded in unison.

"Oh, ano pang hinihintay naten? Puro na lang ba tayo drama? Let's parteehh!" Jhes exclaimed happily.





****



I just got out from the house pagkatapos kong ipasok yung mga ginamit naming baso nang makita kong nakatayo si Nadine sa may terrace at nakangiting pinapanood sila Andrei.

"Papa Lion, habulin mo ko!" tila wala sa sariling sigaw niya habang hawak-hawak ang isang tsinelas ni Lheo. Umiling-iling naman ako at natawa ng konte.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko sa kanya; humarap siya saken ng may ngiti sa mukha. Niyakap ko siya mula sa likod at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Mas natatawa ako kapag pinapanood sila," she smiled. We both burst out laughing nang madapa si Andrei at lumamon ng buhangin. Ipinaikot ko ang braso ko sa baywang niya; her strands of hair gently caressing my face as the cold summer-night wind blows.





Nadine's POV



"Tara, I'll show you something," bulong ni Claire sa akin. Nagtaka naman ako, saan naman ako balak dalhin ng babaeng 'to?

"Saan naman?" lumingon ako sa kanya. Nginitian niya ako hinila.

"Basta," sabi niya.

Napatunganga ako agad sa ganda ng lugar na nasa harapan naming dalawa. Isang malaking garden na puno ng mga namumukadkad na bulaklak. Umukit ang ngiti sa mukha ko. Parang ito yung lugar sa mga fairytales na kinukwento ni Lola. Tila matalinghagang lugar sa ilalim ng liwanag ng buwan; kasama ang pinakamahal mo sa buhay.

"Beautiful, isn't it?" marahang sabi niya. Naglakad kami papunta sa gitna ng garden at doon, nag-aabang ang isang malaking telescope na nakatingala sa mabitwin at maliwanag na kalangitan. Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa kamay ko nang tumingala ako sa langit.

"Déjà vu?" Pagkalingon ko sa kanya, biglang lumiit ang distansya ng mukha niya saken. Tama, nangyare na 'to noon. Hinawi niya ng bahagya yung buhok ko at isinabit sa aking taenga. Marahan niyang itinaas ang baba ko at tumingin ng malalim sa aking mga mata. Napansin kong binasa niya ang labi niya bago tuluyang isinara ang distansiya ng aming mga labi. Niyakap niya ako at itinulak ng bahagya ang ulo ko papunta sa kanya. Ipinalupot ko ang braso ko sa leeg niya na tila mahuhulog ako kapag bumitaw ako. Ito na siguro ang pinakaromantic na nangyare sa buhay ko; kayakap at marahang hinahalikan ng taong pinakamamahal ko sa ilalim ng maliwanag na buwan at mabitwing kalangitan.

"Nadine," dahan-dahan niya akong inilayo mula sa kanya nang hindi inaalis ang pagkakayakap sa akin.

"Hm?" nakangiting patanong na huni ko sa kanya. Umukit din ang matamis na ngiti sa mukha niya, pero agad naman siyang naging seryoso; tumingala siya at tumingin ulit sa aking mga mata.

"I won't ever leave your side," napansin ko na medyo may pagkatuyo ang boses niya, "I promise you that, come what may, even if the world ends, even if the stars have fallen," ngumiti siya, "I will always love you and be there for you," sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang idinampi ang labi niya.

"I'll hold your hand even if the world wants to break us, I'll hold you even if it hurts," tumigil siya at nag-ipon ng hangin, "I may not be a prince or a knight-in-shining-armor but I'll there to hug you and bring you back to pieces whenever you break, I'll catch you whenever you fall, I'll protect you with all my courage and heart, and I deeply hope for you to do the same," dahan-dahan na tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

"I love you," sumabog ang kung anong mabigat sa dibdib ko at lumabas lahat ng luha at damdamin mula sa akin nang sambitin niya ng buong puso at katapatan ang mga salitang iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na ininda kung hindi na ako makahinga.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Claire," tila nahirapan kong sambitin sa pagitan ng pag-iyak ko.



"Ang drama niyo talaga," napaharap kaming dalawa sa direksyon ng pinanggalingan nung boses. Napangiti ako nang makita kong nagpupunas din sila ng luha.

"Oo nga, nakakainis kayo, pati ako napaiyak niyo," halos hindi magkandaugaga si Leah sa pagpunas sa mukha niya.

"Hay nako, inggit lang kayo noh," nangingiyak rin na sabi ni Fatima.

"Bigyan niyo nga ng oscars! Galing eh!" sigaw ni Jhes na may uhog pa.

"Hay nako, kayo talaga!" sigaw ko na lang sa kanila.





FIN.



-----------------------------------

'sup? Gusto ko pong magpasalamat sa sumubaybay ng storyang 'to. Hindi ko nga akalain na matatapos ko 'to eh haha Shet kaiyak talaga kasi yung mga nag-memessage saken, sobrang saya ko na ang gaganda ng feedbacks na natatanggap ko. Pasensiya na kung natagalan yung UD na 'to. SALAMAT TALAGA PO SA INYO. LABYU GUYS! ♥

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon