Chapter 23: It's Never Too Late

11.9K 280 11
                                    

Chapter 23

Nadine's POV

     Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko, ang mukha ni Jhes ang tumambad sa akin. Nakapalibot din sila tita Ivy at tito Jester sa akin. Hala, ano 'to? Mukha ba akong nasapian? Dadasalan nila ako ganon?

"Ano? Naalala mo pa pangalan mo? Kelan birthday mo? Saan ka pinangan-- Aray!" Nakatikim agad ng sapok si Jhes at hindi niya natuloy ang pag-iinterview sa akin.

"Gaga! Dapat hinayaan mo muna siyang sabihin yung line niyang 'Nosi? Nosi balasi?' bago ka nang-interview diyan," sabi naman ni tita Ivy.

"Gagita ka rin! Kanta yun!"

"Hay nako, wala akong amnesia," pagpapakalma ko sa kanila. Sa kasamaang palad, hindi ko pa nakakalimutan si Claire.

"OK lang ako, wag kayong mag-alala," nagbuntong hininga silang lahat at tinulungan akong tumayo.

"Hay nako, sorry nga pala kanina at nag-dive ako sa'yo," mahinang wika ni Jhes.

"Ayus lang yun Jhes, sa susunod sa lawa ka mag-dive, ha?" Pabirong sabi ko sa kanya; nagtawanan naman kaming lahat.

***

"Ate, bakit walang tao dito?" Tanong ni Jhes. Kinati naman ni tita Ivy ang batok niya.

"Eh, kase ano eh," nangungutal na wika niya.

"Kase ano eh, kase ano eh, ang sabihin mo walang marunong magluto dito," panggagalaite ni Jhes. Pinandilatan naman siya ng mata ni tita Ivy.

"Eh ang galing mo pala eh! Hala sige, gawin mo 'tong Five-star restaurant ngayon din!" sarcastic na saad naman ni tita Ivy sa kanya.

"Maka five-star ka diyan, di ba pwedeng dalawang-star lang? Nag-falling star yung tatlo eh," at ayun binatukan siya ni tita Ivy.

"Ano ka ba?! Madali lang yan!" Biglang sigaw ni Jhes, "Diba, Nadine Martinez?!" Sabay nilang baling sa akin.

"At talagang binuo mo pa talaga ang pangalan ko ha?" Sagot ko.

"Eh tignan mo kasi 'tong lugar na 'to, mukhang mga langaw at gagamba lang ang kumakain dito," banat ni Jhes, "Buti na lang at dumating ako dito para man lang may maganda sa lugar na 'to!" Dagdag pa niya.

"Hoy! Babaeng payatot, anong akala mo sa amin, mga chaka? Ekskyus me, ha!" Sagot naman ni tita Ivy.

"Mukha ka kasing pony eh!" Pahabol pa ni Jhes. Nagtaka naman kami.

"Anong pony naman?" Naiinis na tanong ni tita.

"Eh maliit ka na kase, mukha ka pang kabayo!" Sagot ng makulit kong kababata.

"Aba talagang?! Walanghiya ka!" atsaka sila naghabulan na parang bata. Napailing na lang ako sa kanila. Busy na nagkukulitan yung dalawa nang maisipan ni tito Jester na ipakita na sa akin yung kusina.

"Hanggang mamaya pa yung dalawang yun, kaya heto, i-familarize mo muna sa sarili mo dito," maliit lang 'tong kusina, tamang-tama para sa isang nagluluto; maliit lang naman kase na kainan 'tong restaurant ee.

Sinubukan kong pag-aralan ang mga putahe na nakalagay sa menu. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil hindi naman masyadong kakaiba yung mga pagkain na hinahain dito. Napansin ko rin na yung putaheng 'Oyster Omelet' ang special na sineserve dito. Naalala ko lang, nasabi sa akin ni lola na yung putahe daw na yun ang ipinagmamalaki ng bayan. Kaya pala hindi ko nakalimutan kung paano lutuin; mula bata pa raw ako eh yun na ang tinuturong putahe sa akin ni lola.  Lumabas muna ako nang makita kung may kumakain na sa labas. Sa kasamaang palad, wala pa rin. Napansin ko yung dalawa na nanunuod ng T.V sa may gilid; nilapitan ko naman sila.

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon