Chapter 9.5: Shomay Ng Tortang Godzilla!

15.2K 427 17
                                    

Chapter 9.5

            “Aaaaaand.. CUT! Ms. Claire you did a very good job! Thank you very much for your cooperation.” natapos din ang shooting ni Claire para sa Olay Natural White. Si Nadine, hindi na maipinta ang mukha sa sobrang gutom. Yung hitsurang di mo malaman kung natatae o nauumay sa kung ano. Kahit na ganito ang nararamdaman niya siyempre, kailangan pa rin niyang gampanan ang pagiging DAKILANG P.A lang naman ng nag-iisang GODZILLA ng pinas! Exotic at rare po yan at malapit na ma-extinct. Nadine was in the midst of thinking about food and food and also food, oh and one more thing---- FOOD! While preparing Claire’s clothes na pang-uwi When Leah approached her.
            “Huy Nadine. Tanong ko lang. Kamusta naman ang buhay P.A slash Katulong slash Freeloader slash Alipin slash—HANO YHANG SUHOT MHO?!” biglang napansin ni Leah ang suot niyang damit. Pinipigilan niyang tumawa kaya sumobra sobra ang “H” niya.
            “Damit? Ano bang sa tingin mo ha? Teka-teka! Bakit napakadami namang slash niyan ha?” Kontra agad ni Nadine. “Medyo ok na ako. Pero marami pa rin sa mga memorya ko ang malabo. Hindi na rin sumasakit ang ulo ko tulad ng dati.” Tumango-tango naman si Leah.
            “Buti naman. Hindi ka naman siguro masyadong pahihirapan ni Ms. Claire nuh? May konsensiya naman siguro yun kahit kagabutil lang nuh.” Pagbibiro ni Leah.
            “Haha gastog ka talaga.” Agad namang dumeretso si Nadine kay Claire na umiinom ng kanyang Mocha latte habang inaayusan ni Andrei.

            Handa na ang lahat para umuwi. Nakapag-ayos na ng set na kanina’y sobrang gulo at ngayon ay parang walang nangyaring shooting. Paalis na sana sina Nadine at Claire nang biglang ayain ni Leah at Andrei si Nadine na kumain muna sa labas para man lamang mai-celebrate ang paglabas niya sa ospital.

            “Uhh Ms. Claire? Pwede ho ba naming mahiram si Nadine? Ihahatid po namin siya mamaya.” Sabay ngiti ni Leah. Tumango-tango naman si Claire.
           “Ha? San ba tayo pupunta?” tanong ni Nadine. She unconsciously grabbed Claire’s hand nang akmang hilahin siya ni Leah palayo. Nagulat naman ang tatlo (Including Claire). At siyempre napansin agad ni Nadine kaya bumitaw siya agad. Malay ba niya kung bakit niya ginawa yun?

            Hindi na tumutol si Claire sa pagimbita nina Leah kay Nadine. Ayaw naman siguro niyang ipagdamot ang kalayaan ng dalaga. At nakikita naman niyang maganda ang pagtatrabaho nito. Hindi pabaya tulad ng iba niyang mga naging P.A. She is actually impressed. At once in a blue violet with yellow green moon lang siya maimpress.

            Sa kabilang banda, dumating na sila Leah, Andrei at Nadine sa bar. First time lang ni Nadine na tumuntong sa isang bar. Siguro naririnig lang niya na sinasabi ng mga tao pero hindi pa siya nakakakita nito.

            Loud constant bass music and cheerfully dancing crowd welcomed Nadine. The place was overflowing with gaiety.
            “Hey! Tara dun tayo!” sigaw ni Leah. Nagtinginan sila Nadine at Andrei.
            “HA?! Di ka namen maintindhan!” sigaw ni Andrei.
            “HA?! Anong sabi mo?!” sigaw ulit ni Leah.
            “HA?! Ano?!” sigaw pa ni Andrei. Tumagal pa ang “HA? ANO?” covnversation nila hanggang sa nainitindihan din nila ang isa’t isa.

            Hindi masayadong malakas ang tugtog sa bandang pinuntahan nila. Hindi katulad kanina na nasa likuran lang nila ang mga speakers habang nag-uusap. Nakaorder na sila ng mga maiinom nila at pagkain.

            “Teka teka! Hindi ako umiinom!” sigaw ni Nadine kay Leah at Andrei habang tinutulak-tulak ang “The Bar” na inaalok ng dalawa.
            “Ano ka ba? Sige na! Kaya nga tayo pumunta dito ee.” pamimilit ni Andrei.
            “Oo nga kahit tatlong baso lang!” hirit pa ni Leah.

……………………..

………..

.

            Nakatatlong baso lang ng “The Bar” si Nadine pero daig pa niya si Andrei na nakadalawang bote eh tuwid paring maglakad habang siya, halos hindi na makalakad sa sobrang pagkahilo. Bangag na bangag na si Nadine.
            “Bakit ba kase pinilit mong uminom ‘to ha?” Andrei exclaimed.
            “Wow! As in wow! Birahin kita diyan e! Ikaw nga ‘tong kulang na lang eh ipasak sa bibig niya yung alak ee!” kontra naman ni Leah. Hala! Nag-away ang dalawa.
            “Phooyy. Shumighhil nga kayhoo*hic*oo.” Mukhang kailangan natin ng bangag translator dito. (Hoy. Tumigil nga kayo.) bangag na wika ni Nadine.
            “Hay nako. Bilisan na nga natin at iuwi na natin ‘to. Bangag na bangag na oh!”

            Sa kabilang banda, si Claire ay kasalukuyang nakaupo sa kanyang white sofa. Gulantang pa rin siya dahil sa biglaang paghawak ng kamay niya ni Nadine. Hindi niya malaman kung bakit pero hindi niya maalis sa isipan niya yun.

            “Hay. No point on thinking about it. Asan na ba yung babaeng yun?!” She stood from where she was sitting comfortably and began walking towards her kitchen. She gulped a bottle of water for just 10 seconds that she just rummaged from her fridge.

DING-DONG!

           

Nang marinig niyang nagring ang bell napalingon siya agad at madaliang naglakad papuntang pinto niya.
            “Ahem.. Sino sila?” tanong ni Claire mula sa intercom system ng kanyang apartment.
            “Uhh.. Ma’am si Leah po ito. Hinatid lang po namin si Nadine dito.” Sagot ni Leah.

Pinagbuksan naman agad ni Claire ang mga ito. Ngunit tumambad sa kanya ang bangag na bangag na si Nadine. Hala. What happened to this girl?
            “Uhh. Gusto niyo po bang kami na lang ang—“
            “Hindi na. Ako na lang sige. Salamat sa paghahatid sa kanya dito.” Agad na binuhat ni Claire si Nadine at ipinatong ang kanyang nanlalatang braso sa balikat niya. At isinara ang pinto. Naiwang gulantang sina Leah at Andrei. Nagpasalamat ba talaga si Godzilla sa kanila? Talagang talaga?
            “Narinig mo ba yon?” hindi makapaniwala si Leah.
            “Kurutin mo nga ako.” Wika naman ni Andrei. Pinisil naman ni Leah ang tigiliran ni Andrei.
            “ARAY! Shet oo nga. Nagpasalamat si Godzilla! Gusto mo sampalin kita para maexperince mo din na hindi ka nanaginip?” Alok ni Andrei kay Leah.
            “Sige nga! Paexperience nga!” sumang-ayon naman si Leah. PAK!
            “ARAY!!! Shomay ng tortang Godzilla OO NGA!”

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

‘Sup? :) Gusto ko pa palang magpasalamat sa mga nagtiyagang bumasa at bumoto ng storyang ito :) sobrang appreciated ko po talaga ang mga votes niyo :D nakakakilig na huehuehue kurne! xD anyway this week din lalabas ang TOTOONG CHAPTER 10 XD Intro lang po ito ng nasabing chapter 10 ;) I'm still working on it :)) basta abangan this week ;) Thanks uleeee ♥

HartHart ♥

Author

Read Vote Comment ♥

“Hey you! Kapag hindi ka nag Vote. YOU ARE FIRED ;)” ------> Claire Del Moral♥

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon