Chapter 1: The Monster & The Lily

43.1K 682 38
                                    

 Chapter 1       

        Claire R. Del Moral. A well-known actress because of her beauty, brain, body, money and talents. Ang perfect girl of every man's dreams. Pag nakikita mo siya sa TV iisipin mong may nahulog na anghel mula sa langit dahil sa kanyang ganda. But behind the big screen? she turns into a MONSTER! After you've encoutered her, you've seen a glimpse of hell. Iisipin mong nagbagsak ng isang deadly nuclear weapon at dinisguise ito sa isang maladiyosa ang gandang babaeng aktres. She's the worst nightmare that you can ever dream of. That you won't even dare to think about her at night or else, para kang nag-horror marathon habang tulog.

"Where are my dresses for the photoshoot?!" A beautiful woman angrily and unpatiently asked. "Uhh. Ma'am Claire. Wala pa po eh. Natraffic po kase yung taxing sinasakyan ni Diane." sagot ng babae na mukhang takot na takot sagutin ang aktres. 

"What?! Traffic?! Damn it! Moe, call Diane and tell her to run for it ." Utos ng aktres.

"Pero Ma'am. Masyado pong mala- ?!" Claire glared at her manager na para bang sinasabi niyang "kakainin kita ng buong buo pag hindi mo ginawa!". Dali-dali niyang hinanap ang pangalan ng tatawagan. Sa sobrang takot niya, nanginginig na ang kanyang mga daliri dahilan na iba-ibang mga letra ang mapindot niya.

"H-Hello? Diane? Diane! Nasaan ka na? HA?! Andiyan ka pa lang?! Uhh.. Lumabas ka ng taxi. Oo.. Oo bilis! O tapos, tumakbo kana lang papunta dito bilis! Wag ka ng umangal!" Binaba na niya ang telepono at ibinalita sa aktres ang naging usapin nila sa phone.

Makalipas ang ilang oras. Dumating na ang kanina pang hinihintay. Basang basa sa pawis habang akap-akap ang dosenang damit ni Claire. Daig pa niya ang tumakbo ng marathon sa sobrang pawis niya.

"Ha! ha..ha.. Ma..Ma'am Claire heto na po.. mga.. damit niyo.. ha..ha.." Tumayo si Claire ng dahan-dahan at tinignan ng napakasama si Diane. 

"What took you so long?! You were 2 hours late! Stupid!" pagrereklamo ng Aktres sa dalaga. "Sorry Ma'am! Natraffic po kasi ako ee. Sorry Ma'am hindi na po mauulit!"

"Oo hindi na nga mauulit. Because YOU ARE FIRED!". MuhmuhmuhMONSTER KILL! Hay, napakalupit naman ng bruhang ito oh. After that, walang nagawa si Diane kung hindi umiyak at... umiyak. Eh ano pa ba? Wala naman talagang tumatagal sa bruhang yan. 1 week iba-ibang P.A ang meron siya. 

“Shucks! No mercy! NakaMonster Kill nanaman siya.” Pagchichismisan ng iba.

"Grabe. I bet she was a monster in her past life." pagbubulungan naman ng iba.

"Huh? She still is, right?" Ngayon alam na natin ang scientific name ng monster. Claire R. Del Moral.

Meanwhile, sa isang bayan na malayo sa sibilisayon, ang bayang kinalakihan ng isang magandang dalagang nagngangalang Nadine Martinez. Lumaki ng walang internet, walang flappy bird, walang facebook, walang twitter, walang instagram. Lumaki ng simple ang buhay. Maagang yumao ang kanyang magulang dahil sa isang hindi inaasahang aksidente. Kaya Kinupkop siya ng kanyang grandparents at ang pinagkakakitaan nila ngayon ay ang pagluluto at pagbebenta ng oyster omelet. Ang pamilya ni Nadine ang may hawak ng titulong pinakamagaling sa pagluluto ng naturang pagkain na kilala bilang trademark ng kanilang bayan.

"Apo. Ipinagmamalaki kita. Ngayong nasa tamang edad ka na, ipinamamana ko na sa iyo ang pinakaiingatan kong mana mula pa sa aking mga magulang. Panandaliang pinapatakbo ito ngayon ng iyong tiyahin." Wika ng matanda sa dalaga. Binigay ng matanda ang kumpletong address ng naturang restaurant sa maynila sa apo. "Pero lola. Hindi ko po kayo pwedeng iwan dito ni lolo." tugon naman ng dalaga sa lola.

"Nandito pa naman ang iba mo pang mga tiyo't tiya para mangalaga sa amin dalawa. Walang dahilan para ika'y mag-alala." Wika ng kanyang lolo. Hindi niya napilit ang kanyang lolo't lola at sa sumunod na araw ay sinimulan na niya ang kanyang paglalakbay papunta sa naturang lugar. Naging mahirap para sa kanyang lisanin ang bayang kinalakihan, ngunit kailangan niya itong gawin para sa ikagaganda ng kanilang buhay at para na rin sa susunod pang tagapagmana ng restaurant.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

'Sup :) how is it so far? It's only the introduction of the characters though. Anyway, Please Read, Vote, Comment :) harthart♥

Si Claire R. Del Moral nga po pala :)

Ang P.A ni Godzilla (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon