SAPPHIRE BLUE and PACIFIC GREEN

475 7 0
                                    


"THE PRINCESS AND THE BACTERIA"

"PAPASOK NA AKO MMMMYYYYY!!!" Ngumiti saakin si Mom at tumango. "Dad! Bye! Fourth! Greeeenn!!!" Sumama ang mukha saakin ng kapatid ko na kasalukuyan pa ring kumakain.

"It's 'Kuya', Saph!" Halatang pikon nang anito. Matanda lang ito ng ilang taon saakin pero napakasungit na akala mo matandang dalaga na.

Wala naman akong nakuhang sagot sa bunso naming si Fourth na 11 years old na. Nagpatuloy lang sya sa pagkain matapos akong sulyapan.

"I'm just pissing you off, 'Kuya'." Dagdag pang-iinis ko. Umirap sya saakin. Para talagang matanda.

Binelatan ko ito.

"Take care, anak." Sabi ni dad. Kiniss ko sya sa pisngi. Kumakain pa rin silang lahat sa mesa.

"Tsk! Mag-ingat ka nyo ang ibang mga estudyante sakanya. Kababaeng tao, ang hilig mambully. Kapag ikaw pinatulan ng mga pinagtitripan mo!" Sabi na naman ni Kuya Green.

"Duhh. As if naman sa ganda kong to, gaganti sila?" Maarte kong sabi.

"Anak, tama ang kuya mo, stop bullying. Bahala ka, ikaw rin." Si mommy na parang nananakot pa ang boses. Nakinig nalang ako at hindi na nagsalita bago nagpahatid sa driver namin papunta sa school.

Para namang may tatalo saakin sa school na to. Duhh. Ako kaya pinakamaganda dito. Marami rin akong alam na mga self defense.

Agad akong sinalubong ng friends ko sa gate ng Chronica University kung saan ako nag-aaral at ngayon nga ay first year college na ako. First day of school kaya naman nagkalat pa ang mga estudyante sa paligid.

Maraming nakatingin saamin mapa-lalaki man o babae. Partikular na saakin. We're soooo famous here. Apat kaming magkakaibigan.

"Gosh! Mabuti naman nandito kana!" Sabi ni Jeyrine na nakipagbeso pa saakin at ganoon na rin sina Kyrinele at Litryme

"Yeahyeah. So? Let's go!" gurrlllsss!" Irit ko at sabay-sabay na kaming naglakad upang ipangalandakan ang magaganda naming accesories, signature bags, magagandang suot, sexy'ng mga katawan at magagandang mukha. Ganito talaga kami lalo na kapag unang araw ng school year.

Marami ang nagbubulungan. Halata rin ang inggit sa mga mukha ng ibang girls at ang mga boys naman ay halatang umaasam na makakuha ng kahit isang sulyap man lang.

"Here they are!"

"Look at their shoes! So fab!"

I know right.

"I wanna be one of them!"

"Oo nga."

"Hey, di ba sila yung sinasabi ni ate na super sikat dito?"

"Oo sila nga! Idol ko sila!"

"Ang gaganda!"

"Ang ganda nga, ang sama naman ng ugali. Lalo na yung Sapphire Blue Alfagar."

"Really?!"

"Yeah!"

Nanlaki ang mata kong pinuntahan ang babae na mukhang nagulat naman.

Kinuha ko ang iniinom nyang mango shake yata yon---ewww. Saka ko ibinuhos sa ulo nya ang laman.

"Yan ang patunay na masama ang ugali ko, biatch." Pagkatapos ay tumalikod naako.

Nakatingin lang saamin lahat ng tao pero walang nag-react kahit isa.

"You're sooo mean, Saph!" Maarteng sabi ni Jeyrine pero nakangisi naman. "Poor trashy girl." Sinulyapan pa nya ang babaeng binuhusan ko ng shake.

The Great Fucker 1 (Third) √Where stories live. Discover now